Micah
Araw ng libing ni lola, nasa tabi ko palagi si mama, si nanay, ang mga tita ko at si Poknat na si saglit ay hindi ako iniiwan. Nung araw na 'yon, mula sa simbahan hanggang sa sementeryo ay hindi na tumigil sa pag agos ang mga luha ko. Yung pakiramdam na ito na yung huling araw na makakasama ko siya ay napakasakit. Masakit na maiwan ka ng paulit ulit. Madali lang palang sabihin na tanggap ko na, pero hanggang sa makauwi kami ng bahay ay para akong lutang. Ayaw kong makipag usap kahit kanino. Gusto kong mapag isa at hinayaan muna nila ako kaya laking pasasalamat ko dahil naiintindihan naman nila ako.
Hindi muna umalis sila mama at Poknat. Bukas nalang daw ito babalik ng Manila. Inanyayahan ako ni mama na kung gusto kong sumama sa kanila sa hotel. Nag dalawang isip ako pero sumang ayon naman sila tita dahil para ko na din daw tunay na ina si Tita mama.
Nagdala lang ako ng pantulog, isang pajam at lose shirt. Kinabukasan ay babalik din naman agad ako sa bahay nila tita para sa padasal. Tatapusin ko muna ang padasal kay lola saka ko na iisipin kung ano ang susunod na gagawin ko.
Sa hotel ay pinilit pagaanin ni mama at Poknat ang lungkot na nararamdaman ko. Lahat ng paborito kong pagkain ay binili nila para lang kumain ako. Nagawa ko naman pero hungkag parin ang pakiramdam ko.
Bandang gabi ay nag salang ng comedy movies si Poknat para daw maaliw ako. Aaminin ko, kahit paano ay nababawasan ang lungkot ko.
"Salamat ma" sabay hilig ng ulo ko sa balikat niya.
"Para sayo anak. Kamusta na pakiramdam mo, alam kong hindi ok pero sana kahit papano, nabawasan ang lungkot mo" bakas sa himig nito ang pag aalala sa 'kin.
"Medyo ok na po ako. Salamat ma"
"Ahemmm" sabay papansin ni Poknat.
"Papansin talaga ang anak ko. O siya. Mauna na ako sa inyo sa kwarto. Doon ka na matulog sa tabi ko anak" sabi pa nito.
"Sige po ma. Susunod nalang po ako. Goodnight po" sabay halik at yakap dito.
"Ma ako din" sabi naman ni Poknat.
"Anong ako din?" kunot noong tanong ni mama.
"Sa inyo ako tatabi. Ngayon lang ulit tayo magtatabi tabi sa kama eh. Sige na ha. Wag na kontra, kahit ayaw niyo doon ako matutulog" parang bata talaga tong si Poknat tssssk.
"Oo na. Ernest para ka paring ten years old sa inaakto mo. O siya sumunod nalang kayo ha. Wag masyado mag puyat lalo ka na Micah, kailangan mong magpahinga" bilin ni mama.
"Opo ma" sabay tango na din.
Umalis na nga ito at natulog na. Naiwan kaming nangangalahati palang si pinapanood namin.
"Gusto mong blanket and pillow para comfortable ka" tanong ni Poknat.
"Sige" sagot ko nalang.
Mabilis namang itong bumalik at may dala na nga itong dalawang pillow at isang blanket. May carpet naman kasi sa sala ng hotel kaya doon na din ako nahiga.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfikce08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?