Ano ba kayo...never akong magagalit or nagalit sa inyo...kayo pa ba. Kung wala kayo....sino magti-tiyaga sa story ko.
Kahit I bash niyo pa ako...ok lang :')
May gusto lang akong mangyari...Yung may ma realize kayo.
Na not all stories will revolves from so much heartaches and pain. Every story has an ending. May masaya, mayroong ok lang.
At bilang solid mayward fan...hindi ko naman gugustuhin na sad ang ending nito.
I like happy endings...Yun lamang po.
-
Ernest
Habang nasa mga bisig ko siya ay tila ba gusto ko nang patigilin ang oras upang hindi na siya mawala sa akin.
Ang sistema kong siya parin ang hinahanap hanap.
Ang puso kong tumitibok lamang para sa kanya.
Ang mga ngiti kong sumisilay lamang pag siya ng ang nakikita.
Ang dahilan kaya nais kong mabuhay pa.
"Ernest!"
"Please---Let me stay this way. Kahit isang minuto lang" pakiusap ko. Ayaw kong makita niyang unti unti nang dumadaloy ang mga luha ko.
"O-okay" sabi nalang nito at naramdaman kong niyakap niya din ako pabalik. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko dito.
"I'm sorry" Hindi ko na napigilan pa ang hindi mapa hikbi. Ang salitang kay tagal ko nang gustong sabihin sa kaniya ay ngayon ko lang nasabi makalipas ang anim na taon.
Hinagod niya ang likuran ko.
"You're already forgiven Poknat. Matagal na" sagot nito.
Bumitaw ako at tinitigan ang mukha niya, partikular ang mga mata niya. At nabakas ko dito ang kapayaan na wala sa akin.
"You mean it" paninigurado ko.
Tumango naman ito bilang sagot.
"Thank you" at muli ay ikinulong ko siya sa mga bisig ko.
Para akong isang halaman na muling nadiligan ng tubig at muling nasikatan ng araw.
"Sorry din" bulong nito.
"You don't have to. Wala ka namang kasalanan. Na mis kita" hindi ko na kayang pigilan pa ang bugso ng damdamin ko.
Feels like I'm going to have a heart attack any moment.
"Na mis din kita. Ahm sige ha. Una nako matulog, late na kasi" paalam nito saka nauna na ngang umakyat papunta sa kwarto nila ni Loraine.
Sinusundan ko lamang ito nang tanaw hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Sana kayang burahin ng isang sorry ang lahat ng nagawa ko. Na kaya nitong ibalik ang lahat sa dati.
Pero alam ko, kahit habang buhay akong humingi ng sorry sayo, hindi non mabubura ang katotohanang nasaktan kita ng sobra.
-
Micah
"Morning nak" masiglang bati sa akin ni mama ng umagang yon. Maaga akong nagising or should I say, hindi naman talaga ako nakatulog.
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fiksi Penggemar08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?
