Regrets : part 34

1.6K 107 24
                                    


Micah

"Pinsan, kamusta ka?" tanong ni Heidi ng tumabi ito sa 'kin habang nakabantay malapit sa mga labi ni lola. Konti nalang ang taong ng oras na yon dahil pasado ala una na ng umaga. Si Poknat,  pinatulog muna ni tita Luna sa bakanteng kwarto. Sa bahay ni tita Irma nakaburol si lola dahil sila ang nagbabantay dito.

"Malungkot syempre. Masakit kasi hindi na kami nag kausap at nagkita man lang ni lola. Pero wala na akong magagawa eh. Nandiyan na yan. Tanggapin ko nalang" sagot ko habang nakatitig sa larawan ni lola na para bang nakatitig din sa 'kin.

"Kaya mo yan. Kilala kita.  Napaka tapang mo. Matibay. One day, mag smile ka na ulit. Masaya na ulit tulad ng dati" sabi pa nito sabay hilig ng ulo sa balikat ko.

"Palagay ko, pero hindi ko alam kung gaano katagal" sabi ko nalang nito.

-

Bandang alas kwatro ng umaga. Kami nalang ni tita Luna ang naiwang nagbabantay sa burol ni lola. Natulog muna sina tita Irma, Heidi, tita Maria na mama ni Heidi at iba pang ka anak namin na nag stay nalang din dito dahil nahihirapan din mag byahe ng malayo.

"Anak, kamusta ka?" tanong ni tita. Simula nang mawala si mama at Papa, anak na ang tinawag niya sa 'kin. Pero hindi parin mawawala yung pakiramdam na mag isa nalang talaga ako. Ang hirap pala. Para akong mistulang musmos na bata na nawala at hindi mahanap ang mga magulang ko.  

"Ok lang tita. Pilit tinatanggap na wala na talaga si lola. Wala naman po akong magagawa na eh. Ito ang gusto ng Diyos,  tanggapin ko nalang" sagot dito sa  humilig sa balikat nito.

"Ano balak mo ngayong wala na ang lola mo? Babalik ka pa ba sa US?" pag usisa nito.

"Hindi ko pa po alam tita. Iniisip ko pa po ang tungkol diyan" naguguluhang sagot ko.

"Basta anak. Kung saan ka masaya dun ka. Huwag mong gawin ang isang bagay na malulungkot o masasaktan ka lang. Masyado kang mabait anak. At minsan, baka mauboso ka. Isipin mo din ang sarili mo. Alam ko, gusto ng mga magulang mo, ng lola mo, pati ako na makita kang masaya. Hindi masamang magparaya o maging mapag bigay,  pero minsan, matuto kang maging makasarili kung kaligayahan mo na ang nakataya" paalala nito.

"Makakaasa po kayo tita. Salamat nay" sagot ko dito saka yumakap.

"Walang anuman yon anak. Bakit ba kasi sobrang bait mo? Kahit nung maliit ka palang, basta may hiniling ang mga pinsan mo, ibinibigay mo. Kahit wala nang natitira para sayo, ibibigay mo parin. Dati, gusto kong sabihin sayo na sana, matuto kang magtira para sa sarili mo. Lalo na ngayon anak. Wala na ang mga magulang mo, wala na rin ang lola mo, narito man kami eh malayo ka naman palagi sa 'min. Hiling ko lang anak, pahalagahan mo ang sarili mo, mahalin mo ang sarili mo, at matuto kang hawakan ang isang bagay na alam mong magiging masaya ka. Hindi masama ang madamot anak. Dahil kaligayahan mo na ang pinag uusapan" mahabang paalala nito at nauunawaan ko naman.

Tumango na lamang ako bilang sagot dito.

"Teka anak. Mainam pa eh kukuha muna ako ng kape at ng mainitan ang tiyan natin" paalam nito.

"Sige po"

Naiwan muli akong mag isa. At mas naramdaman ko talaga ang pakiramdam na "mag isa" nalang talaga ako.

Yumuko ako sandali at pumikit para mag alay ng panalangin para sa lola at mga magulang ko.

Alam ko po na magkakasama na kayo diyan mama, Papa, lola. Masakit dahil iniwan niyo na akong mag isa pero kakayanin ko. Hiling ko lang po na sana, patuloy niyo akong gabayan lalo na sa mga panahong ito dahil ayaw kong magpatalo sa lungkot na nararamdaman ko. Ang hirap po maging mag isa. Mahirap na wala man lang akong makapitan. Walang makausap. Pero ano't ano man, masaya ako para sa inyo. Ako nalang ang kulang, happy family na tayo diyan.

Ilang minuto rin bago ako natapos ng may maramdaman akong tumabi sa 'kin. Inisip ko na si tita Luna iyon.

"Ang bilis ----napahinto ako ng makitang hindi si tita yon "Poknat" sabi ko. Ang alam ko kasi tulog pa siya.

"Pinapabigay ni tita" sabay abot niya ng isang basong kape "Bakit hindi ka pa natutulog?"

"Mamaya na siguro. Nakapag pahinga naman ako kahapon ng mahaba haba" casual na sagot ko dito.

"Yung friend mo?" Tanong nito habang nakatunghay siya sa muka ko.

"Si Fenech? Umalis na kanina pa. Uuwi din siya sa kanila para bumisita"

"How do you feel? "

"Magiging ok din ako. Sa umpisa lang to. Kilala mo naman ako di ba?" pilit akong ngumiti para ipakitang ok lang ako. 

"Yeah. Kagabi, may tinatanong ako sayo pero hindi mo na nasagot. Can I asked again you about that now?" ano nga ba yung tinatanong niya kagabi.

"Ano ba 'yon?" tinanong ko nalang ulit dahil hindi ko na maalala.

"I'm asking you why did you leave and why you didn't tell me or call me?" Pag ulit nito.

"Emergency kasi. Minadali ako ni Fenech kaya di na ako nakapag paalam" I lied ayoko talaga magpaalam dahil baka hindi kita magawang iwan.

"And?"

"I'm sorry. Naging busy kasi ako doon kaya hindi na kita natawagan" I lied again ayaw kong tawagan ka dahil masasaktan lang lalo ako pag narinig ko ang boses mo. Baka ma isipan kong umuwi bigla at maging hadlang sa inyo ni Kirsten.

"That busy na kahit isang tawag wala para sa 'kin pero kay mom nagawa mo?" Nasa himig nito ang pagtatampo.

"So kino konsensya mo ako ganon?" sa tonong pang iinis. Tama naman kasi siya. Ipinaalam ko kay tita kung nasaan ako pero sa kaniya hindi ikaw naman kasi ang dahilan kaya lumayo ako.

"Hindi no. Nagtatampo lang" Naka smile na sabi nito "na mis kita" mga salitang nagpa bilis ng tibok ng puso ko.

I miss you more Poknat "lelang mo. Paano mo ako mamimis kung may nagpapa saya naman sayo" sabi ko habang umiiwas ng tingin dahil baka ma basa niya sa mga mata ko ang totoo.

"Who?" tanong agad nito na pilit hinuhuli ang tingin ko.

"Kirsten. Bakit may iba na ba?" out of curiosity, itinanong ko.

"Nothing. I broke up with her after you leave" pagtatapat nito.

"Bakit?" Kunot noong tanong ko agad dito.

"Because I'm in love with someone else" sabi nito at muling gumuhit ang sakit sa puso ko.

Shoot. May mahal palang iba. Asa pa ba ako. Doble sakit naman itong pag uwi ko. Parang ako ang namatay.

Sana nga ako nalang.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon