ErnestDapat ay malungkot din ako dahil iyon ang nararamdaman ni Poknat sa pagka wala ni lola pero may munting saya akong nararamdaman. Yung alam kong nandito lang siya sa tabi ko makalipas ang mahabang panahon na pagkakahiwalay namin. Nakahiga siya sa pillow na kinuha ko sa kwarto at ako naman ay panakaw na pinag mamasdan siya. Totoo ang sinabi ni mom, she really change. Lalo itong gumanda. At mas lalo akong nag aalala na baka may makasingit pa. Base sa narinig ko, mukang hindi na sila ni Tanner, na mas lalong nagbigay sa akin ng pag asa, para sa aming dalawa.
Nangawit ako sa pagkaka upo kaya nahiga ako sa tabi niya. Hindi naman siya tumutol. Siguro dahil sanay naman kaming gawin iyon dati. Dahil nga hindi kami halos naghihiwalay.
Wala sa movie ang atensyon ko kundi nasa kanya. At alam kong siya din naman. Alam kong pinipilit niyang maging ok kahit hindi pa naman talaga. And I understand.
"Poknat' mahinang tawag ko dito.
"Hmmm"
"May gusto ka ba? Sabihin mo lang ha. I'm here ok" sabi ko dito. Magkadikit ang mga ulo namin dahil we shared on one pillow.
"I'm ok Poknat. Thank you" mahinang sagot nito.
"Poknat" tawag kong muli.
"Hmmm"
"I miss you" three words na I miss you pero nag cart wheel na ang puso ko. Paano pa kung I love you.
"Miss you too Poknat" pahina nang pahina ang boses nito.
Ilang minuto pa ay narinig ko nang naghihilik ito. Just like the old days. Maingay parin ito matulog pero sanay na ako at aaminin ko, I've missed her so badly. Naupo ako at pinaka titigan ang maamo niyang muka. Ang maliit na ilong, ang magandang mata pero ngayon ay nakapikit na, at ang labi nya na sadyang kulay rosas. Hinaplos ko ang muka niya at dinama sa palad ko.
Sorry Poknat kung ako ang dahilan ng pag alis mo. Kung nasaktan kita ng hindi ko namamalayan, I'm sorry and I'm willing to make it up for the lost time. Just please, don't leave me again. One year is enough. Hindi ko na kakayanin pa. I was lost nung bigla kang nawala. You don't know how much you mean to me pero kung kasalanan ko kaya ka lumayo, gagawin ko ang lahat para lang manatili ka sa tabi ko. Just please....stay.
I look at her for the last time before I lay on the carpet beside her.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?