Regrets : part 26

1.4K 93 15
                                    


Heidi's pov

"Salamat sir sa paghatid" sabi ko dito. Inihatid ako nito hanggang sa bahay namin sa Pangasinan.

"It's ok. You sure you're ok now?" Tanong pa nito. At nakaramdam ako ng galak.

"Ok lang sir"

"Stop that "sir" thing. Wala tayo sa club.

"Si- sige. Jake nalang " nakangiting sabi ko.

"Anak" narinig kong pag tawag sa akin ni mama. Lumingon ako at nasa bukana na siya ng pintuan namin.

"Ma" lumapit ako dito at yumakap.

"Sino yon?" sabay turo sa kotse ni Jake.

"Ah si sir Jake ma. Costumer namin sa club, eh inihatid ako kasi wala na daw akong masasakyan kagabi pauwi saka delikado daw" kwento ko na may ngiti parin sa labi.

"Ganon ba. Papasukin mo at ng makapag kape man lang" utos ni mama.

"Ikaw nalang ma. Nahihiya ako eh" sabi ko pero sana mag stay pa siya ng matagal tagal.

Ernest

Nakita kong may lumapit kay Heidi na isang babae nang makalabas ito sa kotse ko. Nag usap muna ito saka lumapit sa akin ang babaeng kasama niya.

"Iho pasok ka muna sa loob para makapag kape ma lang" batid kong ito ang mama ni Heidi dahil may pagkaka hawig sila nito.

"Hindi na po. Babalik na din po ako ng Maynila. Inihatid ko lang po ang anak niyo dito" magalang na sagot ko.

"Kahit sandali lang iho. Gusto ko lang mapasalamatan ka kahit kaunti sa paghatid mo sa anak ko. Ilang minuto lang" pagpilit nito.

"Sige po" sagot ko saka ako lumabas ng kotse ko. Mag aalas kwatro na ng madaling araw ng mga oras na yon.

Simple lang ang bahay nila Heidi.  Gawa naman ito sa bato kahit papano. Katamtaman ang laki ng bahay at may maliit ng espasyo sa harap ng bahay nila. Pagpasok ko ay may nakahanda ng mainit na kape at pandesal.

Alam ko yon dahil nung nasa Camiguin kami ni Poknat, yon palagi ang binibili namin sa bayan nila. Masarap daw yon pag mainit pa kaya iyon palagi ang almusal namin. Masarap pag may palamang piniritong itlog...Sabi pa niya.

Simple lang ang buhay ng pamilya niya sa probinsya pero masaya. At masaya din ako ng mga panahong yon.

Noon na kasama ko siya. Noon na halos hindi kami mapaghiwalay. Noon na akin lang siya.

Pero noon yon.

I shake my head as I remember her again. Well, palagi naman. Hindi siya nawawala sa isipan ko.

Pati nga yata sa  ❤ ko.

"Jake"

"Jake"

"Jake" napalingon ako sa pag tawag sa akin ni Heidi.

"Huh!" naka kunot ang noo kong sagot dito.

"Kanina pa kita kinakausap. Pero mukang wala ka sa sarili mo"

"Sorry" sabi ko nalang.

"Iho, Salamat ulit ha. Sa paghatid sa anak ko. Naka abala pa tuloy kami" sabi ng mama nito.

"It's ok po. May utang na loob naman po ako kay Heidi kaya parang pagtanaw ko lang po ito ng utang na loob sa kanya" ayaw kong bigyan nila ng ibang dahilan ang ginawa ko.

Oo..maganda si Heidi. Mukhang mabait naman. Pero wala eh.

"Salamat ulit Jake" sabi ni Heidi habang palabas kami ng bahay nila.

"It's ok" sabi ko. Pumasok ako saglit sa loob ng kotse ko at may kinuha sa wallet ko.

"Para sa Papa mo" sabay abot sa kanya ng malaking halaga.

"Huh? Nako hindi ko matatanggap yan. Ok na sakin yung nakauwi ako ng hindi namasahe. Salamat nalang Jake" pagtanggi nito.

"It's ok Heidi. Isipin mo nalang ang Papa mo. It can help. Accept this" sabi ko.

Atubili man pero tinanggap din niya ang perang iniabot ko saka ngumiti.

"Salamat Jake. Mababayaran ko din to pag nakapag trabaho na ulit ako" sabi pa nito.

"Bigay ko yan. Hindi utang. Bye the way----" sabay may kinuha ako sa pocket ko. "Here" I handed her my calling card " kung trabaho ang kailangan mo, just call me. Pwede naman siguro kitang bigyan ng trabaho" sabi ko.

"Talaga Jake.  Salamat" bahangyang nagtatalon pa ito at ang hindi ko inaasahan ay ang biglang pagkayap nito sa 'kin.

I was froze.

"So-sorry" sabi nito na hindi makatingin sa akin.

"Sige. Alis na 'ko" saka ako tumalikod at sumakay sa kotse ko.

Mabilis din akong umalis sa lugar nila Heidi habang naglalaro sa isipan ko ang ginawa niya.

Hindi niya naman siguro sinasadya. Dahil lang siguro sa sobrang tuwa.

I should not give a damn about it.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon