Regrets : part 59

1.9K 121 10
                                    

Micah

Dahil pareho kaming may dalang kotse ni babe. Magkahiwalay kaming bumalik ng Manila. Pero hindi siya humihiwalay sakin. Lagi siyang nasa likuran ko at nakasunod lang. Minsan ay nag I-stop over muna kami sa kahit saan para kumain.

Dati rati, Poknat lang ang tawagin namin, ngayon level up na. Kinikilig ako, totoo yon. From bestfriend to lovers. Nangyayari pala yung ganong story, at hindi ko naman akalain na darating kami ni Poknat sa ganong sitwasyon. Akala ko kasi, ako lang ang nagmamahal. Yung tipong unrequited love. Mali pala. Mahal pala namin ang isa't isa, na umabot pa sa paglayo ko. Pero sabi nga, hearts will find a way.

First silfie namin ni babe #travelbuddies

Habang nasa byahe at palapit na kami sa Manila ay saka ko naman biglang naalala si Heidi

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Habang nasa byahe at palapit na kami sa Manila ay saka ko naman biglang naalala si Heidi. Nag usap na sila ni babe pero hindi kami. I've made a promise to her at nagi-guilty ako. Sabi ko na hindi ko na siya hahayaang masaktan ulit pero anong ginawa ko. Nakakaramdam ako ng konting kaba sa oras na magkaharap kami pag dating sa bahay.

-

Excatly six pm na nang makarating kami sa bahay. It was a very tiring day dahil sa haba ng byahe. Pero pagbaba ko nang sasakyan ay may isang nilalang na agad na tinanggal ang pagod ko.

"Tired?" tanong agad nito ng makalapit na siya sakin at mabilis na ikinulong sa mga yakap nito.

"Medyo, pero ok lang. Kasama naman kita" sabay sandig ko sa dibdib nito.

"Clingy din nang babe ko ah" humalik naman ito sa buhok ko.

"Ayaw mo?" nagtaas ako ng ulo para makita ang muka niya.

"Nope. Mas gusto ko nga na ganyan ka palagi. Tara muna sa bahay mo para makapag bihis ka. Then lipa't tayo samin" sabi naman nito saka kinuha sa compartment ang mga dala kong gamit.

Nauna na ako at pagpasok ko ay walang tao. Wala pa si Heidi. Malamang ay nasa trabaho pa ito dahil pasado alas syete na ito kung umuuwi galing sa trabaho.

"Upo ka muna babe. Kuha lang ako ng drinks" sabi ko kay babe nang makapasok na din ito sa sala.

Pagbalik ko sa sala ay nakasandal ito sa sofa at halatang na pagod din sa byahe.

"Babe, inom ka muna" sabay abot ko ng orange juice.

"Thanks babe" kinuha naman niya ito sa kamay ko at mabilis na nilagok.

Makatapos ay nilapag niya ito sa center table na nasa sala.

"Gusto mo, mauna ka na sa inyo para makapag bihis ka din. Susunod nalang ako" sabi ko.

"No. I'll wait for you. Sige na, magbihis ka na. Dito lang ako" naka smile na sabi nito.

"Sige na nga. Ten minutes ok" saka ko kinintalan ito ng mabilis na halik sa pisngi.

"Love you" sabi naman nito.

"Love you too" Ang sarap pala.sa feeling pag nasasabi mo yung feelings mo sa taong mahal. Na kayang mag I love you kahit anong oras. I didn't regret na sinagot ko na siya. Dahil finally, naramdaman ko yung feeling na sobrang saya.

Pagkatapos kong makapag bihis ay lumipat na nga kami sa kanila.

Pero wala kaming dinatnan na tao. He tried to call his mom pero walang sumasagot.

"Babe, what happened?" alalang tanong ko. Hindi kasi umaalis si mama ng hindi alam ni Poknat o ako. This was the first time kaya may kaba akong nararamdaman.

"I'll just text her. Hope she can read it ASAP. I'm worried" sagot nito at ganon na nga ang ginawa nito. Ilang text message din ang ginawa niya para dito.

Pati ako ay nag message narin para dito. Hoping na kahit isa sa mga message namin ay mabasa niya.

Paikot ikot kami sa sala nila at nagkaka bunggo pa kami pag nagkakasalubong kami.

Sorry...
Sorry...

Makalipas ang ilang minuto ay nag vibrate ang cellphone ni babe.

"Anong sabi?" agad na tanong ko dito.

"Nasa bahay ng friend niya, doon siya mag over night. She forgot to tell us. She got me worried" sabi pa nito bago inilapag ang cellphone sa center table.

"Akala ko may nangyari na" nakahinga din naman ako ng maluwag after that. Naupo ako sa opposite side ng sofa saka sumandal dito.

Maya maya ay tumikhim ito "sleep here babe" sabi nito.

Napa angat ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi sa ayaw ko. Pero after what happened yesterday. Hindi ako takot, mas tamang sabihin na kinakabahan ako. Paano kung hindi ako makatanggi sa gusto niyang mangyari. Mahal ko siya, walang duda don. Ayaw ko lang na mauna pa yung s** bago pa ang kasal. Malaki kasi ang paniniwala ko na best ever gift na maibibigay mo sa magiging asawa mo is yung virginity. Na karamihan sa mga babae ngayon ay baliwala na lang. I'm not judging them, it's my own opinion and beliefs. At sacred para sa akin ang virginity, sex comes after marriage.

"A-ano---sa bahay nalang. Sanay naman ako doon di ba?" alanganing sagot ko.

"I know what you're afraid of. Don't worry, we'll sleep on separate rooms. I just want you to sleep here" muling sabi nito.

Napa titig ako sa muka niya at parang sinusukat kung totoo ang sinasabi nito.

"What?" taas ang kilay na tanong nito.

"Wala"

"You're eyes were scrutinizing. I'm not lying ok. Gusto lang kitang makasama sa bahay----hindi sa kama---Ok" sabi nito kaya napatawa nalang ako.

"Siguraduhin mo kung ayaw mong bukas pala eh break na tayo" nakangiting pananakot ko.

"Grabe naman. Break agad. Don't worry, I will respect your decision---hanggat kaya ko" pakindat kindat pang sabi nito.

"Ay nako---uuwi nalang ako. Hindi ko gusto yang kindat mo. Makire ka pa naman" sabi ko sabay tayo at naglakad na patungo sa pinto.

He's laughing behind me "joke lang babe. Promise, that won't never happened unless you want me. Basta dito ka na matulog please"

"Promise?"

"I promise. Tara na, magluto ako ng dinner para satin. Gutom na ako"

"As if namang marunong kang magluto"

"Why not? Inspired ako kaya kakayanin ko para sa babe ko" sabay nakaw ng halik sa leeg ko.

Kinurot ko ito sa nipple kaya napaigtad ito sa sakit.

"Babeeeee massssaakiitttt"

"Napaka kire mo talaga. Sige na magluto ka na" natatawang utos ko sa kanya saka ko ito itinulak papuntang kusina

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon