Regrets : part 53

1.6K 119 45
                                    

Last update na to guys...kinaya ko pa para sa inyo.

Micah

Nakahiga na ako sa kama, sa room ko pero hindi ako dalawin ng antok. Hindi ko maintindihan kung bakit.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko.

 Biglang nag vibrate ang cellphone ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naiinis na natatawa ako sa convo namin ni Poknat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naiinis na natatawa ako sa convo namin ni Poknat.

Teka...bakit niya tinatanong kung saan ang room ko?

Is he's here?

Ewan ko, biglang kumabog ang puso ko. Sa kaba o excitement, ewan ko. Basta mahirap ipaliwanag.

Maya maya pa ay may kumakatok na sa pintuan ng kwarto ko.

Napatigil pa ako ng marinig ko ang sunod sunod na katok.

Pagbukas ko ay si Fenech pala.

"Hey, did I wake you up?"

"No. Hindi pa ako natutulog actually" sagot ko agad dito "May kailangan ka ba?" Usisa ko dito.

"Ako wala. Pero may isang taong hinahanap ka" sabi nito na nakangiti.

"Sino?" salubong ang kilay na tanong ko.

"Me" at sumulpot mula sa kung saan si Poknat.

"Poknat" bulalas ko pa.

"O siya. Maiwan ko na kayo. Nga pala girl, siya ang ka share mo sa room" sabay kindat nito sa 'kin.

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Ayaw mo?" si Poknat na ang nagsalita.

"Huh-----

"O sige na alis na ako. Ayaw kong maging dakilang hadlang. Bye girl, Sige Ernest. Ingatan mo yang friend ko ha " paalala pa nito.

Naiwan nga kaming dalawa at ako'y walang mahagilap na sasabihin.

"Dito nalang ba tayo? Hindi mo ba ako papapasukin?" Boses ni poknat na nagpabalik sa huwisyo ko.

"Ay-----Oo nga pala. Sige pasok ka na. San gamit mo?" tanong ko.

"Buti pa yung gamit ko, naalala mong tanungin ako hindi" Himig pagtatampo nito.

"Para ka paring bata Poknat. Umayos ka nga. Teka nga pala----bakit nandito ka?" pagtataka ko.

"A-atend ng wedding" sagot nito saka naupo sa kama.

"Ganon ba. Hindi ko naman kasi nakita ang guest list ni Fenech. Abay ka din ba?" tanong ko saka naupo sa sofa.

"Yup. Im the Groomsmen" sagot nito kaya napamulagat ako.

"So ikaw ang partner ko?"

"Why? Don't tell me ikaw ang bridesmaid? "

"Oo"

"Good. Kala ko kung sino partner ko"

"So, friend mo ang groom?" takang kong muli dito.

"Yup. Aiken is a friend during college days. Parang planado lahat no. At least, solo na kita ngayon. At, hindi mo na ako matatakasan pa, hindi mo narin ako maipagtatabuyan pa sa iba?" Sabi nito habang matamang nakatingin sa 'kin.

"Huh? bakit?" kunot noong tanong ko dito na may halong pagtataka.

"Nag usap na kami ni Heidi. Once and for all, I admitted to her the truth. About what I feel" dahan dahan siyang lumalapit sa kinauupuan ko "sinabi ko na hindi ako nararapat sa kaniya. Dahil hindi ko siya mahal. Dahil may mahal akong iba------at" huminto ito sa dapat pa niyang sabahin.

"At----" I was waiting for him to continue.

"And that was you" sabi nito at mabilis niyang pinaglapat ang aming mga labi. Banayad, mainit at puno ng pagmamahal ang halik na 'yon. Hinila niya ako patayo habang magkahinang parin ang aming mga labi. Nang makatayo na ako ay mahigpit niya akong ikinulong sa mga bisig niya. Naging malalim ang bawat halik na yon. Hanggang sa nagawa niyang ipaloob ang dila niya sa loob ng bibig ko. Ang tamis. Yon ang nalalasahan ko. Nakakalasing. At unti unti na akong nadadarang sa bawat halik at pag galaw ng mga kamay niya sa katawan ko. Mas naging mapaghanap ang bawat halik niya.

Alam ko, hindi na kaya pang pigilan ng katawan ko ang kakaibang nararamdaman ko ng oras na 'yon.

"Poknat" sabay pigil ko sa paghalik nya.

Tumitig siya sa 'kin at muling niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry. Mis na mis lang kita" bulong nito sabay haplos sa buhok ko.

Tahimik lang ako. Mahal ko siya, yon ang katotohanan na hindi ko na maitatanggi pa. Pero yung takot, namamahay parin sa puso ko.

"Why?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko "Sorry. Galit ka ba?" bakas sa mga mata niya ang pag aalala.

Umiling ako.

"Kung hindi ka galit, natatakot ka ba?" natumbok niya ang problema ko.

Tumango ako.

"Poknat, mahal kita. Mahal na mahal. Noon pa. At dahil natatakot akong sabihin sayo ang nararamdaman ko noon, nasaktan kita. Pero sa pagkakataong to, gagawin ko kung ano ang tama. Kung ano ang makakapag pa saya sa 'kin. At ikaw yon. Ikaw lang Poknat. Kaya hindi ko na sasayangin pa ang pagkakataong ito. Poknat, I love you. Do you love me?" naluluhang sabi nito.

Tumulo ang luha ko. Dahil sa dalawang bagay, saya at pangamba.

Paano kung tama ang hinala ko na after nito, kung maging kami. Kung masaktan namin ang isa't isa. Mauuwi lang din kami sa wala. I can lose both. A friend and the man I love.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon