Regrets : part 33

1.6K 120 36
                                    


Ernest

Hindi ko maintindihan  ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Hindi ko kasama sina Nielsen at Miero.  Nag stay muna sila sa hotel or kung saan man na pwede nila matuluyan. Susunod nalang ako siguro kinabukasan.

Parang kusang naghahanap ang mga mata ko sa isang taong nagbabakasakali akong nandito.

"Imposible kasi na wala siya dito. Nasan ka ba?" tanong ko sa isip ko.

Hindi parin mag sink in sa utak ko na wala na si lola. Matagal na din kaming walang balita dito. Nag bakasyon lang ito noon dito sa Camiguin pero hindi na bumalik. Nang lumaon ay si Poknat naman ang nawala. Dalawang taong sobrang mahalaga at malapit sa puso ko.

At ang isa ay tinangay pati puso ko 😔

"Jake, coffee oh" alok nito. Pasado alas nwebe na ng gabi. Medyo marami na ang taong nakikiramay. Nag stay nalang muna ako sa labas ng bahay nila para hindi ako makaistorbo sa iba  pa.

"Heidi, hinahanap ka ng pinsan mo. Kakagising lang" tawag ng mama nito.

"Sige po----Jake ipapakilala kita sa pinsan kong si Enah. I'm sure, magkakasundo kayo non. Sandali lang ha, puntahan ko saglit" saka ito tumalikod pabalik sa loob ng bahay. 

Kinuha ko ang cellphone ko at nag scroll lang muna. Naisipan ko biglang mag install ng mga social media accounts. May hinahanap ako at sa kasamaang palad, wala akong makitang impormasyon tungkol sa kanya. Parang sinasadya niyang magtago. Kung hindi pa sinabi ni mom na nasa US siya, wala akong kaide-idea kung nasan na siya.

"Jake" tawag ni Heidi.

Nag angat ako ng ulo ng marinig ko ang pagtawag ni Heidi.

"Ahm Jake pinsan ko si Enah" pakilala nito. Nasa likuran niya ang pinsan niya na nakayuko, may tinitingnan yata sa cellphone nito.

"Hoy Enah" pukaw nito. Nag taas naman ito ng ulo at gayon na lamang ang biglang bilis ng pag tibok ng puso ko. Parang slow motion nang tumingin siya sa akin. At batid kong nagulat din siya.

"Poknat" mahinang sabi nito pero malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko. Parang Musica ang dating non sa akin. Ang tagal kong hindi nadinig ang pag tawag niya sa kin ng Poknat.

"Poknat? Hindi Poknat pangalan niya pinsan. Siya si Jake" sabi ni Heidi.

"Heidi. It's ok. I know her" sabi ko.

"Huh? Magka kilala kayo?" takang tanong nito.

"Oo Heidi. Pero bakit Enah ang tawag mo sa kanya" tanong ko dito. Habang nakikinig lamang si Poknat.

"Enah. Short for Daenah. Micah Daenah ang full name niya. Tawag niya naman sa kin, Heids" paliwanag nito "Hindi ko alam na magkaka kilala pala kayo" napapantastikuhang sambit pa nito.

Paano kong na kalimutan na Micah Daenah nga pala ang full name ni Poknat.

"She's my bestfriend Heidi. My long time bestfriend" sabi ko habang matamang nakatingin kay Poknat na nakatitig din sa mga mata ko.

"O siya. Mag kakilala naman pala kayo. Diyan na muna kayo pinsan. Ako na muna tutulong kila tita sa pag istima sa mga bisita" saka ito umalis.

Tumalikod na si Heidi at naiwan kami ni Poknat na parehong naninimbang sa sitwasyon.

"Ahmm----parang naubusan ako ng sasabihin. Ang babaeng matagal ko ng hinahanap ay nandito lang pala "Kamusta ka na?"

"Kung sasabihin kong ok. Sinungaling naman ako" sagot nito na bakas ang lungkot sa mga mata gusto kitang yakapin ngayon pero maraming tao, at nahihiya ako. At saka baka magalit ka.

"Kailan ka pa dumating?" Sunod na tanong ko habang nakatunghay sa muka nito.

Lalo kang gumanda. Nahiyang ka sa US. Siguro todo bakod sayo si Tanner para hindi ka ligawan ng iba...laman ng isip ko na hindi ko kayang bigkasin.

"Kahapon lang. May kasama ako" sabi pa nito.

Sana hindi si Tanner dahil kung siya ang kasama mo, masasapak ko "Sino?"

"Si Fenech. College friend ko" sagot nito na nagpagaan sa nararamdaman ko.

Buti nalang...sabay hinga ng malalim.

"Poknat!" Mahinang tawag ko dito.

"Hmm" he mumbled.

"Bakit hindi ka nagpaalam nung umalis ka? Galit ka ba sa 'kin?" Ito na yon. Malalaman ko na din ang dahilan ng biglaang paglayo niya.

"Galit? Hindi----bakit naman  ako magagalit sayo" sagot nito.

"Pero bakit ka nga biglang nawala? Ni hindi ka tumawag. Buti pa kay mom, tumawag ka. Iniiwasan mo ba ako?"

"Hi----

"Girl. Kanina pa kita hinahanap" tawag ng isang babae na medyo may kaliitan pero cute.

"Pano tulog mantika ka" sabi ni Poknat. Ito siguro yung Fenech na sinasabi niyang kasama niyang umuwi galing US.

"Ako pa sisihin mo eh ang layo ng binyahe natin----hi" sabay smile nito sakin.

"Hi" sagot ko naman dito.

"Ahm Fenech si Ernest, bestfriend  ko. Ernest si Fenech" pag introduced nito.

"The one that let you go?" Dinig kong sabi nung Fenech, hindi ko lang alam kung paukol sa 'kin o kay Poknat.

"Fenech" saway ni Poknat.

Nag kunwari itong zi-nip ang mga labi niya saka naupo sa tabi nito Poknat na nag titinginan.

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon