Another update...Para sa mga nasasaktan sa story ko. Sad to say, hindi pa po tapos 😂😂
Pananagutan ko kayong lahat. Jusko dami niyo 😂😂
Sa nagtatanong kung paano ko naisusulat ang ganitong klaseng kwento, hindi ko din po alam.
Impromptu po kasi ako. Hindi pinag iisipan ang mga sinusulat ko. What comes in my mind, yun na po yon. Pag biglang may nag pop out sa utak ko, then type agad. Pag wala, hindi ko pinipilit. Mahirap din po kasi yon.
Actually, light story lang sana to. Hindi ko alam kung paanong napunta sa ganito 😂😂
Sensya na po sa mga nasaktan at masasaktan pa.
Yan po eh sinadya 😂😂
Pero hindi ko kayo bibiguin.
Kapit lang ala tarsier
Hate me but don't leave me. Love you all
-
Micah
Hindi ko alam kung saan ako pupunta ng oras na yon. Basta ang gusto ko lang ay makalayo. Nag drive ako. Paikot ikot. Habang hilam ang mga mata ko sa luha na tila ba hindi na nagsawa sa pagdaloy. Ang hirap mag isip. Para akong bata na naligaw at hindi alam kung nasaan. Hindi alam kung saan tutungo.
Hanggang sa dinala ako nito sa bahay na tinutuluyan ni Eric.
"Micah" gulat pa ito ng mapag buksan ako "Anong nangyari. Bakit ganyan ang itsura mo" takang tanong nito. Inimbitahan ko ito sa birthday ni Ernest pero hindi siya nakarating.
"Pwede bang dito muna ako?" Walang buhay na tanong ko.
"Oo naman. Sige pasok ka" niluwangan nito ang pagkakabukas ng pintuan.
Pagka upo sa upuan at saka ko naramdaman ang pagod.
Inabutan niya ako ng isang basong tubig.
"Ano bang nangyari. Kanina lang ang saya saya mo bago ka umuwi" usisa nito.
Ikinuwento ko ang lahat ng nangyari at nakita ko ang galit sa mga mata nito.
Pero sinabi kong ok lang ako. Na malalagpasan ko din ang lahat.
Niyakap niya ako ng mahigpit bilang pagdamay sa pinagdadaanan ko.
"Bukas ang alis mo di ba" tanong ko.
"Oo"
-
Bumalik ako sa bahay pasado alas tres ng umaga. Sinadya kong tulog na ang lahat.
Kasama ko si Eric ng oras na iyon. Hindi niya ako hinayaang magmaneho pa dahil daw baka mapaano pa ako.
Nakapagpasya na ako. Inempake ko ang lahat ng importanteng gamit na kakailanganin ko sa pag alis ko. At iniwan ang mga bagay na makakapag paalala sa akin kay Ernest. Ang mga damit na bigay niya, mga stuff toy at kung ano ano pa.
Paglabas ko ng bahay ay napukaw ang mga mata ko sa maliit na hardin na ginawa ko. Ang mga halamang inalagaan ko. Ang mga halamang saksi sa lahat ng pinag daanan ko.
Sabi ko noon, pag nabuhay kayo, pipiliin ko ang tama. Kung saan ako magiging masaya. Kaya ginawa ko. Naging masaya naman ako, pero panandalian nga lang. Ngayon, heto na naman ako. Mag isa. Malungkot. Sorry ha, kung kailangan kong gawin to. Sorry kung kailangan kayong madamay sa desisyon ko.
Isa isa kong binunot ang mga halaman na nakatanin sa mga paso. Sinugurado kong walang maiiwan kahit isang buhay.
Hayan. Mamatay na din kayo. Katulad ng pagkamatay ng puso ko. Hindi naman na siguro kayo mabubuhay dahil sa ginawa ko. Magagalit sa akin ang lola alam ko dahil minahal niya din kayo. Inalagaan. Pero wala na. Wala nang pag asa ng maging masaya ako. Sorry talaga.
Tumalikod na ako at sinalubong ako ni Eric at kinuha sa mga kamay ko ang mga gamit ko.
Bago ako sumakay ng kotse ay muli kong ni lingon ang bahay na naging saksi sa lahat lahat sa buhay ko.
Mga malulungkot at masasayang alaala.
Huling tanaw sa lugar kung saan naging masaya kami ni Ernest.
Nilingon ko din ang bahay nila Ernest at mama.
Huling tanaw ng pamamaalam.
Makalipas ang ilang minuto ay sumakay na ako sa kotse.
"Sure ka na" tanong ni Eric.
"Oo. There's no backing out" sagot ko.
Habang palayo ay napansin ko ang pagbukas ng ilaw sa kwarto ni Ernest.
Paalam mahal ko.
Mahal kita kahit nasaktan mo ako.
Mamahalin parin kita sa puso ko.
Hinding hindi kita makakalimutan.
Paalam babe.
Malaya ka na.
-
Ernest
May tila ba kung anong kabog sa dibdib ang naramdaman ko nang makarinig ako ng tunog ng makina ng kotse. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay babe yon.
Mabilis akong tumayo at in-on ang ilaw.
Pagbukas ko sa bintana ay tanaw ko ang papalayong kotse nito.
Nag madali ako sa pagbaba. Nag baka sakaling abutan ko pa ito.
Pagkarating ko sa labas ay wala na ito. Ni anino nito ay wala na.
Napaupo ako sa tabi ng kalsada at doon na tuluyang bumuhos ang luha ko.
Kasabay ay ang malakas na buhos ng ulan.
Nakikisabay ito sa pagdadalamhati ko.
Ngunit hindi ko alintana kung mabasa man ako.
Mas gugustuhin kong mawala nalang.
Ang mamatay.
"Nak. Sa palagay mo ba, makakatulong yang ginagawa mo sa sarili mo. Tumayo ka diyan. Pumasok ka sa loob at magbihis ka. Ayusin mo ang sarili mo. Ayusin mo ang gulong nagawa mo. Huwag kang duwag. Oras na malaman ito ng daddy at kapatid mo, higit pa sa mga sinasabi ko ang maririnig mo. Tumayo ka diyan" paninita ni mom. Alam kong galit ito sa nagawa ko. At tanggap ko yon. Dahil mali talaga ako.
"Ma" parang bata akong umiiyak saka yumakap sa binti niya.
"Halika na" hinawakan niya ang kamay ko tinulungang makatayo.
"Ma" iniwan niya na ako.
"Bukas tayo mag uusap. Matulog ka na muna" utos nito.
Pagkapasok sa kwarto ay nagpalit ako ng damit. Ang damit na regalo niya sa akin.
Hinanap ko ang cellphone ko at sinubukan kong tawagan siya.
Pero nakapatay ito.
Ilang ulit kong sinubukan pero wala talaga.
Ayaw niya akong makausap.
Bukas na bukas, pupuntahan kita sa shop.
Alam kong doon lang siya pupunta.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?