Guys...when you see "To be continued" ending na ba.
Nasan ba yung pamalo ko!
Pag nakita niyo na po yung word na "Ending" end na po talaga. Hanggat hindi nito nakikita....tuloy tuloy parin tayo hane...o kuha niyo na :')
-
May mga bagay na mababaw lang ang dahilan para sa iba...pero big deal para sa ilan lalo na kung puso ang nasaktan...
Para kay Lorent po iyan...and tama kayo. Napaka babaw ng reasons niya di ba, pero minsan, yung mababaw na yan, malalim na ang sugat na iniiwan sa puso niya dahil nga nagmahal siya.
Will that explains why!
-
Ernest
That moment na muli kong naramdaman ang mga labi niya, parang naglaho lahat ng hirap at sakit na pinagdaanan ko nung mawala siya sa akin. Nung pinili niyang lumayo.
Totoo pala ang sabi nila, na kahit gaano pa kahirap at kasakit ang pinagdaanan mo, isang yakap at halik lang ng taong mahal mo, mawawala ang lahat sa isang iglap.
Nandito na siya, bumalik na siya sa piling ko.
At hindi na ako papayag na mawala pa siya.
Makakapatay na ako pag may humadlang pa. Anim na taon akong nag intay.
Kingina...bwiset ang mga humadlang sa kaligayahan ko.
Nakarami na sana ako.
Jusko Rudy.
-
Micah
"Kamusta na siya?" Kinaumagahan ay lumipat ako sa room ni Ash para makita ito.
"Ok na siya. Nagpapagaling nalang ng mga galos, saka nagpapalakas" sagot naman ni Heidi.
"Kailan daw siya idi-discharge?"
"Depende pa. Pag kaya na daw ni Ashia na makagalaw ng maayos. Pwede na siyang iuwi"
Tumango na lamang ako.
"Sige, babalik na muna ako sa room ko" pag papaalam ko dito.
"Enah" tawag nito kay lumingon ako.
"Pwede ba kitang makausap sandali?" tanong nito.
"Sige" Kaya bumalik ako saka naupo sa silyang malapit sa kinauupuan niya.
"Enah. Sorry ulit sa lahat. Tulad ng sabi ko, kahit paulit ulit akong mag sorry, hindi ko na maibabalik ang mga panahong inagaw ko sayo. Sorry kasi naging selfish ako, sobrang bait mo sakin. Sa amin. Pero ito pa ang iginanti ko. Tama naman sila mama eh, pati ibang kamag anak natin. Napaka buti mong tao. Hindi ko lang matanggap noon. Pero ngayon, mas napatunayan ko kung gaano ka kabuti. Napahamak ka para lang mailigtas ang anak ko. Napakarami ko ng utang sayo. At hindi ko alam kung paano ka susuklian sa lahat. Patawarin mo sana ako Enah" umiiyak ito habang humihingi ng kapatawaran ko.
At hindi ako masamang tao para hindi magpatawad. Everybody deserves a second chance, at kabilang si Heidi don. Si Lorent.
"Tapos na yon Heids. Napatawad na kita noon pa. Ipangako mo lang na aalgaan mong mabuti si Ash. Napakabait niyang bata. Napaka sweet. Swerte mo dahil may anak kang katulad niya. At sorry din kung ganon pala ang pinagdaanan mo noon. Pero tapos na yon di ba, move on na tayo. Magsimulang muli, pinsan" nakangiting sabi ko.
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?