Regrets : the final chapter

2.7K 131 147
                                    

Biitinin ko pa ba kayo!

This is it guys..I hate to say this but I have too.

This is the #teampoknat the final chapter...

-

Mabilis na lumipas ang mga buwan at heto, bilog na din ang tiyan ko. I'm three months pregnant. I'm so lucky to have them as my new family.

Si mama na halos sa bahay na tumitira para lang may kasama ako. Para daw hindi ako mapagod. Si dad na every three months daw ay uuwi to check on me. So Loraine, kahit may pamilya na ay always on call. Palaging nakikibalita tungkol sa akin at sa baby ko. Si tita Luna na once a month ay lumuluwas ng Manila para bisitahin ako.

Si Eric, once a week ay nasa bahay din kasama si Quen. Kasabay non ay ang pagbisita din nina Heidi at Pao. They make sure na sabay sabay silang pupunta sa bahay para makapag bonding si Quen at Ash.

Kinasal na din sina Heidi at Pao. Kinuha na din nila ang custody para kay Ash. Nahirapan ang bata lalo si Ernest at mama, dahil napamahal na talaga sa kanila si Ash. Kaya ganito ang set up, it's either sila ang bibisita para makasama namin si Ash or ihahatid nalang si Ash at mag stay dito sa house during weekends dahil may school din naman ito.

At si Quen, na sadyang matalino. Hindi naman nahirapan mag adjust nung nawala ako. Nandiyan din naman kasi ang mama ni Eric at we make sure na araw araw kaming nagtatawagan. 

Si babe, ang laki ng pinag bago. Kung dati may pagka isip bata. Ngayon, ibang iba na siya. Nag matured na talaga. Ang family business nila ay pinalago niya sa sariling sikap.

Bagay na nakaka proud bilang misis niya.

At he makes sure na maaga siyang nakakauwi sa bahay para mahalagaan ako.

"Babe I'm home" bati agad nito pagbungad palang sa pintuan ng aming munting tahanan.

Bitbit ang pasalubong nito para sa akin. Kahit three months na kasi ang pinag bubuntis ko, feeling ko.  Naglilihi parin ako.

"Hi babe, how's work" ganitong bati ko dito.

"Good----Hello baby, daddy's home.  You miss me?" kausap nito sa tiyan ko. Saka hinalik halikan.

"He do" sagot ko.

"He? Hula mo lalaki ang baby natin" sabi nito saka yumakap sa akin.

"Oo. Lakas ng feeling ko na lalaki to. At pag tama ako, we will name him after you. Para may junior ka na" nananatiling sabi ko.

"Really! I'd love that. Pero kung girl, gusto ko sanang ipangalan sa kanya, Angeli"

"Bakit Angeli?" Tanong ko.

"Dahil siya ang magiging angel natin. She will bring laughter and joy to our family. At kung lalaki, he'll be our protector lalo na sayo kapag nasa work ako"

"Ahhhh sweet naman ng babe ko.  Palit ka muna ng damit then kain na tayo. Nasa banyo na yung isusuot mo. Then yung slipper mo, nasa gilid ng kama" pahabol ko pa bago ito umakyat sa kwarto.

Naramdaman ko nalang ang mga braso niyang yumakap mula sa likuran ko.

"Oh, Kala ko nakapanik ka na" sabi ko.

"I can't help. Ang swerte ko sayo" huling nito.

"Ako din naman. I love you babe"

"Mas mahal kita"

-

"Babe!" Tawag ko dito mula sa kusina.

"Bakit babe?" Sigaw nito mula sa kwarto. May tinatapos itong trabaho ng araw na iyon kaya na kaharap ito sa laptop maghapon.

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon