Regrets : part 101

1.7K 97 68
                                    

Micah

Pagmulat ng mga mata ko ay naramdaman ko ang pananakit ng ulo ko at ng balakang ko. Nakaamoy din ako ng alcohol.

Pinagmasdan ko ang paligid ko at nakumpirma kong nasa hospital ako. Bigla ay naalala ko si Ash.

Babangon sana ako ng may pumigil sa mga braso ko.

Si Poknat ang nasa tabi ko. Nasa couch si mama.

"A-anong nangyari? " Naguguluhang tanong ko.

"Nabundol ka din ng sasakyan. Katulad ni Ash. Sinundan mo siya para mailigtas pero hindi mo din napansin na pati ikaw ay masasagasaan. Salamat Poknat, sa kagustuhan mong mailigtas si Ash, pati ikaw, nadamay.  Nasa presinto na ang dalawang nakabundol sa inyo. Hindi ko na sila dinemanda dahil nakiusap sila at hindi naman nila sinasadya, sila ang sasagot sa lahat ng gastos sa ospital" kwento ni Poknat.

"Si Ash. Nasan siya. Kamusta siya" hirap man magsalita ay nakuha ko pa ding alalahanin ang bata.

"She's ok now. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya kinailangan niyang masalinan ng dugo. Nasa kabilang room lang siya" sagot naman nito.

Lumapit sa akin si mama.

"Nak, kamusta ka? Pinag alala mo kami" naluluhang tanong nito.

"Don't worry ma. Ok lang ako. Si Ash ang dapat na puntahan niyo ni Ernest. Mas kailangan niya kayo don" sabi ko.

"It's ok. May nagbabantay sa kaniya. Nandoon si Heidi" sagot ni Poknat.

"Lalabas muna ako. Pwede ka naman daw kumain. Minor lang naman daw yung mga sugat mo. Pwede ka na din daw ma discharge sa susunod na araw" sabi pa ni mama.

Tumango na lamang ako dito.

Pagkaalis ni mama ay mahigpit na hinawakan ni Poknat ang mga kamay ko at dinala sa mga labi nito at hinalikan.

"I thought, mawawala ka na sa akin ng tuluyan" nangingilid ang mga luhang sabi nito "akala ko, wala na. Na wala nang pag asa" tumingin ito sa mga mata ko at bakas ang paghihirap ng kalooban nito. Gusto kong punasan ang mga luha sa pisngi nito pero hinayaan ko muna siyang makatapos sa mga gusto nitong sabihin.

"Alam ko na ang lahat. At may kailangan ka ding malaman" dugtong nito.

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok si Eric.  Mag isa lang ito.

"Can I talk to her?" tanong ni Eric.

"Sa labas lang ako" paalam ni Poknat.

"Hi, kamusta ka na?" naupo ito sa silyang binakante ni Poknat.

"Ok lang. Medyo masakit lang ang ulo ko saka balakang" sagot ko.

"Glad you're ok. Kung hindi----hindi na muna kami aalis" sabi nito kaya napalingon ako dito.

"Ano aalis, sinong kami? " Sunod sunod na tanong ko.

"Kami ni Quen. Pero don't worry, babalik kami. Dito na kami mag settle. My uncle offer me a job and sa tingin ko,  ok naman kasi masusuportahan ko naman si Quen. And my mom, is coming with us pagbalik dito"

"What do you mean? Naguguluhan ako" sabi ko.

"Micah. I owe you a lot. Mula pa nung ipinanganak si Quen. You never left us kahit pa hindi ko hinihiling na mag stay ka. Salamat dahil tumayo kang mommy kay Quen simula ng mawala si Hope. And I know, kahit saan man siya naroon ngayon, she's happy now. At sinusubaybayan ang anak namin. Now, it's time for you to be happy. Kahit ayaw mo, Quen and I are setting you free. Nasa sa iyo na yon kung paano ka liligaya. Follow your heart Micah. Do what makes you happy. Choose who will make you happy at alam naman  natin kung sino yon. Nag usap na kami, he knows everything kaya wala ka nang dapat pang ipaliwanag sa kanya. Mahirap umalis kasi nasanay na akong kasama ka, lalo si Quen pero kailangan na naming masanay na wala ka sa tabi namin dahik hindi ka namin pag aari. Pero don't worry, magkikita parin naman tayo dahil dito na nga kami titira. And Quen knows everything kaya hindi na siya mahihirapan na tanggapin ang lahat. You raised him well kahit hindi mo siya anak. And I'm so thankful to you, sa lahat lahat. I love you friend" nakangiting sabi nito bago ako niyakap ng mahigpit.

"Hear his side Micah. And you will understand everything. You both need to be happy. Dahil kayo talaga para sa isa't isa" huling sinabi nito bago ako iniwan.

Maya maya pa ay bumukas muli ang pintuan at niluwal non si Ernest. Kasunod si Heidi at Pao. Si Loraine at Lorent.

"Bakit nandito kayong lahat?" nagtatakang tanong ko.

"Ahm sis, you need to know something. And please, makinig ka muna" pauna ni Loraine.

To be continued...

Oh may clue na...nandiyan na yung clue.

Sino sa kanila?

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon