Because hindi naman ako busy today. Here's another update para po sa inyo. Alam ko na lame ang mga past chapters, kahit po hindi niyo sabahin hehe. As I promise, babawi po ako. Sa paraang alam ko . At sana maging happy kayo 😂
-
Someone's pov
"Hundred thousand pesos. Just do what I say"
"Paano kung ayoko"
"I know you will. It will favor you and me"
"Anong kapalit?
"Wala akong hihinging kapalit. Basta gawin mo lang sinabi ko. Alam ko naman na hindi ka makakatanggi, tama ba?"
"Bakit gusto mong gawin ko to kung wala kang hihinging kapalit?"
"Let's just say. Masaya ako pag nakita kong malungkot siya"
"Yun lang?"
"Oo. At alam kong pag nagawa mo to, mas magiging masaya ka "
"Right!"
"I am not dealing with you. I'm just doing us a favor, lalo sayo"
"Sige. Sabi mo eh. Pero pano pag pumalpak"
"Well----do your best kung ayaw mong mawalan ng silbi ang plano. I need to go. I will call you. Don't call me in anyways. I don't have any business with you anymore. Just this once. And keep in mind---you don't know me"
-
Ernest
"Ma---I'm going" tawag ko dito mula sa garahe.
Nakita ko namang lumabas ito mula sa likuran ng bahay. Naglinis ito ng pool.
"Nagpaalam ka na ba kay Micah?" Habang palapit ito sa kinatatayuan ko.
"Pupuntahan ko siya sa shop" sagot ko.
"I'm ready" dinig kong sabi ni Heidi.
"We're going na ma. I'll call you once we get there ok" saka ako humalik sa pisngi nito.
"Ok sige. Ingat sa pag drive" reminder pa nito.
"Sige po tita. Alis na po kami" pagpapaalam ni Heidi kay mom.
"Sige Heidi. Ingat kayo"
"Salamat po" saka ito sumakay back seat.
Nilagay ko kasi yung laptop sa passenger seat. I intend to.
Tahimik lang kami sa buong byahe ni Heidi. Minsan napapansin kong tinitingnan niya ako sa rear view mirror.
Inisip ko nalang na baka hindi naman sinasadya.
Nang makarating kami sa shop ay nakita din pala ni babe na parating kami kaya lumabas agad ito sa shop.
"Hi babe" masayang bati pa nito sabay yakap.
"Hindi pa ako nakakaalis mis mo na ko" pagbibiro ko.
"Ikaw ba hindi?"
"Of course I am. Kung pwede lang kitang isama ginawa ko na"
"Basta ingat ka sa byahe ha. Tawag ka agad pag nandoon ka " paalala pa nito.
"Yes madam. O pano, dumaan lang talaga ako dito para magpaalam. Aalis na din kami. Baka gabihin kami sa byahe"
"Sige. Love you babe"
"Love you too" Kahit alam kong nakikita kami ni Heidi at si Eric na nasa may bintana, na nakatanaw sa amin ay hinalikan ko parin ito sa labi. Matagal at malalim.
Mami mis ko to. Sobra. Ang malambot niyang labi at matamis na bibig.
Kung pwede lang na hindi ko na bitawan pa ang labi niya ginawa ko na.
"Babe" sabi niya sa pagitan ng halik ko.
"Ahm" paungol na sagot ko.
"Nakalimutan mo na yatang aalis ka. Ayaw lang bumitaw" panunukso nito.
Huling halik saka ko kinagat ang pang ibabang labi nito.
"Aray" kinurot na naman kasi ako sa nipple ko.
"Ikaw kasi. Ang kire mo. May nakakakita kung makahalik parang solo ang mundo"
"So! I'm just marking what's mine. Mahirap na. Two days din akong wala. Baka may sumingit"
"Ikaw kung ano anong naiisip mo. Baka nga ikaw diyan? Yung usapan ha. Aalis ng single, uuwi ng single. Walang sabit Ernest Jake Berry " naniningkit ang matang paalala nito.
"Yes madam. Sige na alis na kami. Bye babe, love you love you love you" paulit ulit ko itong hinalikan sa labi hanggang unti unti akong tinulak ni babe palayo.
"Sige na. Hindi ka na makakaalis" tumatawang sabi nga nito.
"Ayaw ko naman talaga. Kung pwede lang na hindi ako umattend "
"Sos. Sige na. Two days lang naman. Bukas na din alis ko" paalala nito.
"Oo nga pala. Ingat ka sa byahe ha. I'll call you when I get there ok And dont forget to call me ha" bilin ko pa bago sumakay sa kotse.
"Yes sir. Ba bye---bye pinsan. Ingat"
-
Someone's pov
"Dapat na talaga kayong mag ba bye. Dahil yan na ang huli."
Nakangiti ako habang pinapanood sila.
To be continued...
Who's the stranger?
Any guess?
Girl or boy?
Ano ang plano niya?
Si Heidi nga ba o ex ni Ernest?
![](https://img.wattpad.com/cover/133890773-288-k786745.jpg)
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfiction08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?