MicahHindi ako nakatulog sa buong magdamag kakaisip sa mga salitang binitiwan ni Poknat. Totoo ba lahat ng iyon o dahil lang sa lasing siya? Pero this past few days, nararamdaman ko na umiiwas siya kahit nasa kanila ako. He will smile or nod, talk a little, yun lang. Unlike before na kulang nalang eh hindi niya ako paalisin sa kanila. Dahil lang ba kay Kirsten kaya siya nagbago, or may nagawa akong isang bagay na ikinagalit niya. At kung meron, ano naman kaya iyon?
Next morning, naging bisita ko si Tanner. It was Sunday morning kaya off ko sa work, pati din siya.
Kung ibang babae lang ako, baka sinagot ko na agad si Tanner. Masigasig sa panliligaw, gentlemen, sweet, caring, idagdag mo na sobrang gwapo, at successful sa trabaho nito. May mga properties na siyang naipundar galing sa sariling sikap. Wala ka nang hahanapin pa. Pero dahil ako nga si Micah, ang babaeng sigurista. Ayaw kong basta basta nalang pumasok sa isang relasyon. Gusto ko, may kasiguruhan, yung hindi ka pang rebound or past time lang. Sa nakikita ko naman kay Tanner, he's deserving na mahalin.
"Gusto mo ng lutong bahay or pa deliver or kain tayo sa labas" tanong ko. Past 11 am na ng mga oras na yon. He bought me something for breakfast kaya ako naman sa lunch.
"I'd like to see how good you are at the kitchen. So, magluto tayo, I'll help you. Marunong din ako magluto" sagot nito na may ngiti sa labi.
"Sige. Pero punta muna tayo sa groceries, hanap tayo ng pwedeng iluto. Hindi kasi ako nag groceries dahil ako lang mag isa dito"
"Sure. Let's invite Ernest" sabi nito na nagpatigil sa akin. Palagi naming ini-invite si Poknat pag nandito si Tanner para makasalo sa pagkain. Even tita was happy joining us. Matagal na din kasi silang hindi nagkikita ni Tanner. Pero after that night, hindi ako sure. He's mad at me and I don't know why. Maybe he need space.
"Ahm next time nalang natin siya ayain. Lasing kagabi. Baka tulog pa yon saka may hungover" palusot ko. Well, half of it ay totoo. Sure ako na may hungover pa iyon.
"Sige. Let's go"
We walk out and get in his car para magpunta sa malapit na grocery store.
* * *
"Hello"
"Micah It's me. Fenech"
"Oh Fenech. Kamusta ka na. I heard ang ganda ng work mo diyan ah"
"Yup. And I called you because nagpatayo si tita ng isang malaking boutique. Now she's asking me kung may mai-rerecommend akong designer. So, sino pa ba ang kilala kong mahilig mag design ng mga dresses"
"Huh? Eh hindi naman ako professional saka hobby ko lang yon di ba"
"I know right pero girl, you're talented. Hindi mo lang alam. Kung gusto mo, just call me ok. Pero one month lang ha. Urgent na to girl"
"Sige pag isipan ko. Thanks girl"
"Sure. Sige gotta go. Bye girl"
"Who's that?" tanong nito habang kumakain ng ice cream. Kakatapos lang namin kumain ng lunch and ngayon, nasa garden kami. May two chairs and table doon na masarap gawing tambayan dahil sa lilim ng punong mangga.
"Si Fenech. College friend. She's offering a job"
"Where?"
"US"
"What?----- US?"
"Yup. Matagal na siya don. Noon pa niya ako sinasama pero ok naman ang work ko dito saka walang kasama si lola that time kaya hindi talaga pwede"
"Tatanggapin mo ba?
"I don't know"
Maya maya pa ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Micah, I may sound annoying but I want to asked you, may chance ba ako?"
"Tanner!"
"I'm sorry. I'm always asking you about this. Feeling ko kasi, may mali sa akin. Or may kulang. Just tell me. I want to be a better man for you"
"Tanner. You're a good man. Hindi mo kailangan magbago because of me"
"I'm just scared. Baka kasi maagaw ka pa ng iba"
I chuckled "Tanner hindi ako pang beauty queen para pag agawan ok. Ordinary lang ako"
"Ordinary yet so precious. You're beautiful Micah. You're different, and that makes me fall even harder. Basta wala akong kaagaw sayo, I'm willing to wait. Pero pag may nanligaw pa sa sayong iba, aagawin kita, kahit ayaw mo" then he winked kaya natawa nalang ako.
"Seryoso ka ba talaga Tanner?"
"Mukha ba akong nagbibiro. I never courted a girl. I've never been in any serious relationship. But now, it's different. When it's about you, I take everything seriously" sagot nito habang nakatingin sa mga mata ko.
I just nodd. Kumuha ako ng ice cream. Nag lagay ako sa plate ko ng dalawang kutsarang ice cream. It forms two zero. Saka ko ipinakita sa kanya.
"I've had enough ice cream. Baka tumaba ako, ipagpapalit mo na ako"
"Eat it"
"What?-----I'd still have ice cream"
"I said eat it"
"Paano. Eh lusaw na"
"Lick it. Wait----anong nakikita mo?"
"Ice cream"
"No. I mean, yung form niya. Wait did you see?"
"Melted ice cream, forming two zeros"
"Two zeros in letters"
"O O"
"Slow Tanner"
"Wait. OO means yes. You mean!"
"Yes Tanner. Slow mo"
"Oh God. Thank you" mabilis itong tumayo at hinila ako saka ako niyakap. Umikot ikot pa ito kasama ako habang mahigpit na nakayakap sa katawan ko.
"I love you so much babe" bulong pa nito saka ako mabilis akong hinagkan sa pisngi.
"I love you too"
Ernest
I love you so much babe...
I love you too...
Shit...
Those were clear to my ears, blurd my vision and stings to my heart.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfikce08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?