ErnestIt's been one week na hindi ko siya nakikita. Kahit ang kotse niya ay wala. I guess sumunod siya kay lola sa probinsya nila. Nasa bakasyon kasi si lola Ludy, sa Camiguin, sa mga kapatid at mga pamangkin nito. Nakapunta na ako doon once pero ang tagal na non. Hindi na naulit.
Hindi maganda ang huling pagkikita namin. Hindi maganda ang mga nasabi ko. Nasaktan ko siya.
-
Someone's pov
New place and work for me. No choice eh, mahirap mag hanap ng work lalo na at vocational lang ang natapos ko. Balak ko sana, mag abroad pero ayaw ni mama na malayo ako sa kanila ni Papa. Lalo na ngayon, may sakit si Papa, kailangan ni mama ang support ko. May ipon naman si Papa na nagagamit namin sa ngayon para sa medical assistance niya. Pero alam ko, darating ang oras at mauubos yon paunti unti kaya kailangan kong kumayod para matulungan sila.
"Miss, whisky please" anang bagong dating na costumer sa club.
Waiter ako ngayon sa Club Red. Kakilala ng pinsan ko ang may ari nito kaya ni-recommend niya ako. Kaya mabilis akong nakapasok bilang waitress. Maayos naman ang kita compared mo sa provincial salary. Libre din ang pa bahay sa amin mga trabahador. Mayaman daw kasi ang may ari nitong club Red.
"Coming sir" sagot ko at mabilis na kumuha ng isang bottled na whisky. Akala ko ay mag isa lang siya, pagbalik ko sa table ng costumer ay may mga kasama na itong dalawa pang lalaki at jusko, galing lahat sa angkan ni Adonis. Mga gwapo, matangkad, at halatadong may mga kaya base sa mga suot nito. Yung isa, naka black long sleeve folded unto his mid arms. Chinito ng bahagya, wavy ang buhok na clean cut, makapal ang kilay, mestiso at talaga namang gwapo. Yung isa naman, maganda ang mata pero hindi chinito, mestiso, makapal ang kilay, ang kinis din ng skin niya, ang labi, grabe parang naka lipstick sa pula, naka suot ito ng navy blue long sleeve at naka fold din hanggang mid arms. At yung nag order, chinito, he's not gwapo pero ang cute, oval face ang muka, makapal na kilay, maliit ang lips, he's not mestiso pero fair ang complexion.
"Are you done studying us?" tanong ni mestisong chinito.
"Ah- I'm sorry sir. Heto na po ang order niyo. Ano pa po?" nahihiyang tanong ko. Bakit ba kasi natulala ako sa ka-gwapuhan nila.
"Give me hard" sabi naman nung isang mestiso na may mapulang labi.
"Ok sir" sagot ko at umalis na para kunin ang order nila.
-
Miero
"Maglalasing ka na naman" sita ko kay Ernest.
"Pabayaan mo na, may pinagdaanan yata" sabad ni Nielsen.
"Bro. Two weeks ka nang ganyan. Dahil ba kay Kirsten"
"No. I'm not seeing her anymore" sagot nito sabay lagok ng isang basong whisky.
"So what is it this time kung hindi si Kirsten?" muling tanong ko.
"None of your damn business Miero" pairap na sagot nito.
"Hindi tungkol sa business or work yan. Hundred percent sure. I know you. You're a man with solutions. Pero when it comes to heart, doon ka mahina" sabi ni Nielsen.
"Who's the girl?" interesanteng tanong ko habang mataman siyang pinagmamasdan.
"Forget it" maikling sagot nito.
"Fine. When you feel you need to talk about it, you know where to find us" Si Nielsen.
Uminom kami ng uminom, pero mas grabe ang ginawang paglalasing ni Ernest. When he asked for hard drink, he mean it. Maglalasing talaga siya. Tipong hindi na siya makagulapay sa sobrang kalasingan. But good thing, we're always there. Hindi pa ito nag lasing mag isa. Takot mapikot.
He's just one of the youngest and richest eligible bachelor in town. And girls droll over him. Gwapo naman kasi talaga si Ernest. Kaya marami ang nag aasam na masilo siya.
Ang pagkakaiba naming tatlo, ako yung tipong seryoso sa relasyon. Si Nielsen, ayaw magseryoso. Baka daw makatagpo siya ng gold digger. Si Ernest, he's the playboy. Pero hindi siya ang lumalapit, mga babae mismo. Pero wala itong sineryoso. Dahil nga takot matali sa babaeng hindi niya mahal. What makes him to over drunk like this, it's something serious. At alam ko, babae ang pino-problema nito. Hindi siya ma-kwento kaya hindi ko alam kung sino ang babaeng yon.
-
Someone's pov
Umalis na yung tatlong Adonis. Lasing na lasing yung isa. Actually siya yung pinaka gwapo. Pinagtulungan na siyang ilabas ng dalawa pa niyang kaibigan. Siguro problemado kasi ang dami niyang nainom. Panay ang order nito ng hard drink. Hindi naman ako pwedeng tumanggi, costumer sila eh saka may tip naman. Ang laki nga, isang libo.
Nililigpit ko na ang table kung saan sila naupo nang mapansin ko ang isang wallet.
Binuksan ko ito at tiningnan ko kung kanino.
May ID
"Ang gwapo niya talaga. Hmmm Ernest Jake Berry. Ganda ng name. Ganda din ng position"
Tinanggal ko ito sa pinaglalagyan at isang litrato pa ang muli kong nakita.
"Ang sweet naman nito. Siguro girlfriend niya. May pa heart pa"Muling kong ibinalik ang ID sa kinalalagyan nito at ti-nurn over ko sa floor manager ang wallet.
Sakto naman dumating si big boss.
"Oh kamusta ang lahat" nakangiting bati nito.
"Ok lang boss" sabay sabay na sagot namin.
"Boss, may nakaiwan ng wallet. Kay EJB. Kayo na po magbigay" sabi ng floor manager.
Binuklat ito ni boss at napailing nalang.
"Ang batang to. Porket mayaman, bale wala kung mawala ang wallet. Puro credit cards pa naman saka mga important ID's niya ang laman nito. Ikaw na mag balik, babalik yon bukas sigurado" utos nito sa floor manager saka dumiretso sa opisina nito.
"Palagi ba dito yon?" usisa ko ko kay Kuya Ome.
"Oo girl, super. Madalang yon mag absent dito sa bar. Sige na, I gotta go, my Papa is waiting" kumekendeng pang lakad nito.
Napailing nalang ako. Nung una akala ko lalaking lalaki si kuya Ome. Hindi pala. Malandi pala ito. Pero siya ang una kong nakagaanan ng loob. Wala kasi akong kapatid.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?