Ernest
"Hey Ernest" tawag sa akin ng mga kaibigan ni Dad. Kilala ko na ang mga ito bata palang ako.
"Kamusta tito Alvin" sabi ko ng makalapit na ko dito. Kasama din sa table sina tito Duke, tita Marta, tita Belle at mga anak nito na matanda lang ako ng ilang taon.
"May I know who's that girl, yung nag se-serve ng drinks" ang tinutukoy nito ay si Heidi.
"That's Heidi. Friend and neighbor" magulang na sagot ko.
"Eh that one. She looks familiar" sabay turo naman kay babe na nag serve din ng food.
"She's Micah. My girlfriend" nakangiting sagot ko.
"Then why you didn't introduced her to us" sabi naman ni tito Duke.
"Babe" tawag ko dito dahil nasa malapit na ito.
Lumapit naman ito sa amin na bitbit parin ang tray ng pagkain.
"Babe" sabi nito "May kailangan ka?" Tanong nito.
"Gusto ka nilang makilala" bulong ko.
"Ah okay" ibinaba muna nito sa a vacant table ang tray na dala nito saka lumapit sa akin.
"Ahm everyone, meet Micah. My girlfriend. Babe, sila tito Duke, tito Alvin, tita Marta, tita Belle and mga na anak nila"
"Hello po" magalang na sabi ni babe.
"You look really familiar. I think I saw you somewhere else" Si tita Belle na kanina pa pinagmamasdan si babe.
"Maybe in a magazine tita. She's a fashion designer" sabi ko.
"Oh yes. Sa magazine. Wow, sikat naman pala itong girlfriend mo. Saka maganda sa personal. Matangkad pa. Model ka din ba iha" usisa ni tita Belle kay babe.
"During college days po. Scholar lang po kasi ako noon kaya nag part time model po ako para makapag aral" kwento nito.
"Really. I can't imagine but look at you now. Successful. Hardwork paid off right?" Sabi naman ni tita Marta.
"Siguro po" nakangiti paring sagot nito.
"Where did you meet? Bakit ngayon ka lang namin nakilala? " tanong naman ni tito Alvin.
"Actually tito. She's a childhood friend. Pero every summer lang kami nagkikita and this past years naman, naging busy naman kami sa trabaho" Ako na ang sumagot.
"Okay. Just tell as kung kailan ang kasal ha para makaisip na kami ng magandang gift" sabi naman ni tita Belle na halatang gustong gusto si babe.
"Ah babe. Alis na ko. Tulungan ko pa si mama eh" bulong nito kaya tumango na lamang ako.
"Sige po, asikasuhin ko lang po yung ibang bisita. Maiwan ko na po kayo" pagpapaalam nito na tinanguan naman ng lahat.
"Ernest wag mo nang papakawalan yan. Mukang mabait. Saka look, she will be a good wife" puna ni tita Marta.
Naupo ako sa tabi nito.
"Paano niyo po nasabi?" interesanteng tanong ko.
"Look how careful she is in everything. And how she keeps everything in place. That is a sign na magiging maasikaso siyang asawa sayo at sa magiging mga anak niya. And she will prioritize her family" sagot ni tita Marta.
"And she'll be a good mother too. Look at her" Si tita Belle naman "she carries that kid in her arms kahit pa hindi niya anak. She's affectionate. You're one lucky man Ernest"
Nakangiti ako sa lahat ng good compliment nila para sa babe ko.
And it makes me more proud.
And I will do everything para pumayag siyang mag pakasal sa akin as soon as possible.
-
"Bro, nandito din pala si heidi" sabi ni Miero.
"Ah. Right. She's living with Micah. They're cousin" kwento ko.
"Really. Hindi ba awkward. I mean, don't get me wrong. I know na she's into you umpisa palang" sabi ni Nielsen.
"Yes she is and yes medyo awkward pero we talk about it. And she's ok now. Tanggap na niya na hindi pwedeng maging kami" sagot ko dito.
Dumaan sa likuran ko si babe kaya pinigilan ko ito sa braso.
"Stop that. Pagod ka na. Hindi ka waitress dito bisita ka" pagsita ko.
"I'm okay. Kawawa naman si mama walang katulong don sa kitchen. Saka hindi naman gaano karamihan ang bisita. Keri lang" sagot nito.
"Kain muna kaya tayo" sabi ko.
"Later nalang. Pag tapos na yung lahat. You want food, dalan kita"
"Nope. Sabay nalang tayo mamaya"
"Okay. Sige na. Alis nako. I serve ko lang yung dessert ha"
"Okay. Pero last na yan ha" paalala ko.
"Ok po. Sige na--ahm kayo, Miero, Nielsen, may gusto ba kayo?" tanong nito sa mga kaibigan ko.
"No, we're good. Thanks" nakangiting sagot naman nito Miero.
Nagtaas lang ng kamay si Nielsen bilang sagot na wala naman na silang kailangan.
"O sige, maiwan ko na kayo " at tumalikod na nga ito.
"Wala ka talagang balak sabihin na may girlfriend ka na ano? Kung hindi pa nag birthday si tito Kevin hindi pa namin makikilala" umpisa ni Miero.
"We've been together only for days. What do you expect? May balak naman akong sabihin sa inyo pero hindi pa sana sa ngayon" sagot ko habang umiinom ng whiskey.
"Wala ka pa bang plano talagang pakasalan yon, eh muka namang approved sa buong angkan niyo?" usisa naman ni Nielsen.
"Kung ako lang, gustong gusto ko na pero ayaw pa niya. Masyado daw mabilis kaya pinagbigyan ko na. Pero hindi matatapos ang taong na to at ikakasal din kami"
"Sure na ba yan? Baka naman maagaw pa ng iba yon Sige ka" panunulsol ni Nielsen.
"Don't worry. Bantay sarado sakin yon. Saka may tiwala naman ako na hindi niya ako ipagpapalit sa iba"
"Eh paano kung ikaw?" Si Miero.
"Anong ako? Pagtatakang tanong ko.
"Ikaw! Paano kung may makilala kang iba?"
"Makakakilala ako ng iba pero wala akong ibang mamahalin kundi siya lang, itaga niyo sa bato yan" Pinal na sagot ko.
"Sana nga bro. Lapitin ka pa naman, you know what I mean " sabi pa ni Miero.
Makahulugan akong tiningnan ng dalawa.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?