Micah
Simula ng kausapin ko si babe ay medyo nagbago na ulit ito. Bumalik ang dating siya. Makulit. Masayahin. Malambing kaya laking pasasalamat ni mama sa akin.
Pero sa kabila ng lahat ay naroon parin ang pagdududa sa mga pinapakita niya.
Parang may pinagtatakpan siya. Bagay na hindi ko mahulaan.
Paalis na din si Eric. Saktong after ng birthday ni babe ang alis niya kaya naman inimbitahan ko na din siya.
Nakipag usap din ako kay mama tungkol sa plano ko.
"Talaga nak. God I'm so happy for both of you. I'm sure, this will the happiest birthday of my son. Thank you nak" saka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Me too ma. Masaya ako sa gagawin ko. I can't wait to be his wife" malapad ang mga ngiti ko ng humarap ako sa kanya.
"Is it ok kung ipaalam ko ito sa daddy Kevin mo at kay Loraine?" tanong nito.
"Kayo po ang bahala ma" sagot ko.
Doon na nga namin pinlano ang lahat sa kung ano ang mga dapat naming gawin para ma surprise si babe.
-
Hanggang sa dumating na ang araw na pinakaiintay ko. Excited din si mama habang kausap ko siya sa phone.
Nag dahilan ako na hindi ako makakauwi ng tumawag si babe. Nag kunwari din akong nakalimutan ko ang birthday niya.
Pero ang totoo, ng mga oras na yon ay nasa bakeshop ako at kinuha ang pinagawa kong special cake para kay babe. Kung saan nakasulat ang sagot ko sa nung nag propose siya.
Ito na yon. Ang pinaka iintay ni babe.
Kinakabahan ako na halos maihi sa plano ko.
Mabilis akong nag drive pauwi ng bahay. Pasado alas otso na ng gabi at alam kong naroon na ang mga bisita ni babe sa bahay nila.
Tinawagan ko muna si mama.
"Ma, si babe po nasan?" tanong ko agad dito.
"Nasa kwarto. Nagbihis lang at na late din uwi. Hindi niya kasi alam na may naka ready ng party para sa kanya. Nandito na din ang mga bisita niya"
"Ma. Punta po kayo saglit sa harap ng gate. Iaabot ko lang po yung cake. Pero wag niyo pong munang bubuksan. Saka wag niyo din pong sasabihin kay babe na sa akin galing. Magpapalit lang po muna ako ng damit" sabi ko dito.
"O sige nak. Lalabas nako"
Maya maya pa ay natanaw ko na si mama. Kaya mabilis kong kinuha ang cake na nasa passenger seat.
"Ikaw na po munang bahala ng magtago niyan ma. Magpalit lang ako "
"Ok sige. Bilisan mo ha. Pababa na yon" utos naman nito.
Sa kabilang parte ng kalsada ko pinarke ang kotse ko dahil pag nakita iyon ni babe ay malalaman niyang nakauwi na ako.
Mabilis akong nagbihis at nag ayos ng kaunti. Hinawakan ko ang kwintas ko at inalis. Saka ko tinanggal ang singsing na nakalagay don bilang pendant.
Ngayon, isusuot na kita. Oras na.
Dahan dahan ko itong isinuot sa palasing- singan ko.
Ang ganda!
Maya maya ay bumaba na ako.
Pero nasa itaas palang ako ay may naririnig na akong nag uusap.
"Jake, may karapatan ako. Kami"
"Don't you dare tell her about this. Ako ang magsasabi sa kaniya. Naiintindihan mo ba?" Boses ni babe yon at ni Heidi na nasa kusina.
"At ano. Mag iintay ako kung kailan mo kami bibigyan ng atensyon. Jake, mas may karapatan na ako ngayon dahil dito. Sabahin mo na agad sa kaniya dahil malalaman din naman niya na buntis ako at ikaw ang ama"
Nanlamig bigla ang pakiramdam ko sa mga narinig ko.
Buntis si Heidi at si babe ang ama.
Kaya pala palagi siyang tahimik at parang problemado.
Kaya pala sa tuwing tatanungin ko kung ano ang problema niya ay hindi niya masabi.
"Stop it Heidi. Sasabihin pero hindi muna ngayon. Hindi ko pa kaya. So will you please"
"Sige Jake. Pagbibigyan kita ngayon dahil birthday mo. Pero pagkatapos nito ay kausapin mo na si Micah at ipagtapat ang totoo kung hindi ay ako mismo ang magsasabi sa kanya ng katotohanan"
Nakakubli ako sa gilid ng poste ng bahay kaya hindi nila ako nakita ng magkasunod silang lumabas ng bahay.
Nanlambot ang mga tuhod ko at unti unti akong napaupo sa sahig.
Walang luha na lumalabas sa mga mata ko ng oras na yon. Nakatulala lang ako sa kawalan.
Nang mapadako ang mga mata ko sa daliri ko kung saan nakasuot ang singsing ay saka pa lamang nalaglag ang mga luha ko.
Bakit babe?
Bakit mo nagawa sa akin to?
Bakit ngayon pa kung kailan handa na akong magpakasal sayo?
Hindi mo na ba talaga kinaya at pumatol ka na sa ibang babae, at kay Heidi pa?
Dahil ba hindi ko maibigay ang gusto mo?
Bakit babe?
Bakit?
To be continued...
- ok. Alam ko masakit na tong part na to and I'm sorry. Kailangan talaga eh. Pag may nabasa akong comments na you hate me na, mag update ulit ako 😂😂😂
Hindi ko naman kayo bibiguin. Loyal to. Pero sasaktan ko muna kayo ng slight 😂😂
Tanggapin niyo muna ang masasakit na chapter dahil mas masaya kapag nasaktan ka muna...hindi di ba?
Wait for my next update ok...pero pag nabasa ko na yung comment na gusto ko😂
Love you all...don't hate me ok. Magalit lang kayo 😉
BINABASA MO ANG
Regrets from the past
Fanfic08/05/18 -#59 highest rank under Fanfiction Bestfriend...karamay, kasangga. Pero paano kung marealize mong mahal mo pala siya?