Regrets : part 24

1.5K 108 47
                                    

Dahil sabi niyo bitin...here's another update para po sa inyo dahil labs ko kayo 😊

Someone's pov

Ang minsan na paglabas namin ay naulit pa. Aaminin  ko, masaya ako. Umaasa. Mabait pala kasi siya talaga. Sweet pa nga kahit hindi naman kami or wala naman siyang pinapahiwatig na nanliligaw siya. Sino ba naman  kasi ako, isang hamak na waitress sa club, samantalang siya, para siyang bituin na mahirap abutin.

-

Ernest

"Zuppp bro" Si Nielsen.

"Hey man. Si Miero?" tanong ko dito dahil mag isa lang itong dumating sa club Red.

"May lakad. Remember Valerie, yung friend ni Kristine. He's dating her now" sagot nito.

"Really huh. Seryoso na ba?"

"Ewan. Siguro. Kilala mo naman yon, mapili din sa babae" sabi nito sabay tawag sa waitress.

Lumapit sa amin si Heidi.

"Scotch on the rocks" order ni Nielsen.

"Coming sir" nakangiting sagot nito sabay sulyap sa gawi ko. Tumango lamang ako bilang tugon dito.

"Type mo?" biglang tanong ni Nielsen.

"What?" takang tanong ko.

"Yung waitress. Type mo no" panunukso nito.

"What? No" mabilis na sagot ko.

"She smiled at you, may kakaiba" sabi pa nito.

"You're imagining things Nielsen" napapailing na sabi ko.

"Really----ok. If you say so" pag sang-ayon nalang nito.

My heart is with someone but she's with someone now.

Kung masaya siya, I should be happy for her.

Pero t******ina lang talaga. Bakit masakit?

Then my phone rung...

"Hello mom"

"Hello son. How's everything in there?"

"Fine mom. Bakit ka napatawag?"

"I'm coming home tomorrow so fetch me up ok"

"Got it mom. Say hi to daddy"

"I will. Love you son. Bye"

-

"Bakit maaga ka yata? Hindi ka na pumasok sa work mo?"

"Hindi na. Nag OT ako kagabi" sagot ko sabay halik sa pisngi nito.

Inilagay ko na sa compartment ng kotse ko ang mga bagahe niya at umalis din kami agad sa airport.

"Iba talaga pag nandito si Micah anak no. Maingay tayo. Masaya" komento nito pero nanatili akong tahimik.

"Sayang. Nasa US na siya" mahinang sabi nito pero malinaw na malinaw iyon sa pandinig ko.

Nasa US siya? I thought nandito lang siya sa Pinas. Sa Camiguin. Anong ginagawa niya sa US. Ni hindi man lang siya nagpa alam. Ang layo na pala niya sakin. Baka nga kasama niya pa si Tanner

Gagong 'yon. Bakit ba kasi nakilala niya pa si Poknat?

Sa inis ko ay bigla kong nadiinan ang busina ng kotse ko kahit nasa highway kami.

"Nak, may problema ba?" Tanong ni mom na nakatingin sa rear view mirror.

"Nothing mom. Puyat lang to" pagkakaila ko.

"Sige. Pagka uwi natin, magluto lang ako then pahinga na tayo pareho. Pagod din ako sa byahe"

"No mom. Daan nalang tayo sa resto para hindi ka na magluto pa" sabi ko kaya dumaan na kami sa paborito naming British cuisine.

Si mom na ang nag order dahil sa totoo lang, wala akong gana kumain dahil sa nalaman ko.

One year. One year na din mahigit nawala si mom. One year akong naghahanap sa kawalan. Kaya pala. Kaya pala hindi ko na siya nakikita. Buti pa si mom alam kung nasan siya. Samantalang ako, parang tanga. Ni ha ni ho wala. Kaya pala kahit anong kontak ang gawin ko, hindi niya yon masasagot. Kaya pala pati bahay nila, tagalinis nalang ang nakikita ko. Pati yung mini garden niya, na mahal na mahal niya, iniwan niya na.

Parang ako. Ang pagkakaiba lang namin ng mga halaman niya, 'yon mahal niya, samantalang ako 😔

To be continued...

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon