Regrets : part 56

1.9K 116 47
                                    

Micah

"Come on babe....please. Say it" utos nito.

"I-hindi ko alam" mahinang sambit ko. 

"Don't you love me?"

"No. It's not like that"

"Do you----love me"

"Oo pero---

"DO---YOU---LOVE---ME?"

"O-Oo

"Then say it. Say that you love me"

"Pero natatakot ako" pag amin ko.

"Don't you trust me?" batid ko ang hinanakit sa boses niya at nasasaktan din ako. Ang hirap din naman talaga kasing sumugal. Natatakot akong mauuwi kami sa wala pag nagkataon. Pero mahal ko siya. Mahal na mahal.

"I do. Pero paano kung---

"Stop---- I-its ok. I understand" bumitaw siya sa akin, lumayo ng dahan dahan habang nakatitig sa mga mata ko "sabi labas lang ako" huling sabi nito.

Doon na nalaglag ang mga luha ko. Mas nasasaktan ako sa nakikita ko sa kanya. Nasaktan ko siya. Pero mas masakit sakin dahil mahal na mahal ko siya.

"Ma-mahal kita Poknat" mahinang sabi ko bago pa siya makalabas mga pintuan.

"Again! "

"Mahal kita"

"Wala nang bawian" sabi pa nito habang nakatayo parin sa bukana ng pinto, dahan dahan itong pumihit paharap sa akin.

Tumango ako sabay sabi ng "oo"

"Say it again" sabi pa muli nito.

"I love you"

"Again"

"Mahal kita poknat" pag ulit ko na may ngiti sa labi.

Mabilis itong lumakad pabalik sa kinatatayuan ko.

"Mas mahal kita" sabi nito sabay ay ang paglapat ng mga labi niya sa labi ko na ginantihan ko din ng maalab at puno ng pagmamahal na halik habang mahigpit na magkayap.

Susugal ako. Bahala na. Mahal ko siya. Mahal na mahal. Ayaw kong magsisi sa huli, na baka mawala siya sakin. Pero batid kong mas magsisisi ako kung hindi ko masabi sa kaniya kung ano ang totoong nararamdaman ko.

Matapos ang isang mainit na halik niyang iyon ay niyakap niya lang ako ng walang kasing init at isinayaw sa musika na puso lang namin ang nakakarinig. Walang nagsasalita pero puso namin ang nag uusap mga sandaling yon. Habang magkayap ay batid kong umiiyak ito.

"Bakit?" alalang tanong ko.

"Masaya lang ako. Finally, tayo na. Wala ng bawian ha" natatawang sabi pa nito sa pagitan ng pag luha.

Na touch ako sa itsura niya. I remember, may isang babae na nagsabi na ang lalaking kayang umiyak sa harap mo ay hindi takot ipakita ang kahinaan o ang wagas niyang kaligayahan. Ang ganong klaseng lalaki daw ay mahirap matagpuan. Hindi naman sa bihira lang ang tulad nila, pero bihira ang lalaking kayang ipakita ang nararamdaman niya. Madalas kasi ang mga lalaki, ayaw ipakita ang kahinaan nila, o ayaw nilang may makaalam ng totoong nararamdaman nila. Ma pride sabi nga ng iba.

Napangiti ako.

Dalawang bagay ang dahilan. Nagmahal ako sa taong mahal din ako. At natagpuan ko ang lalaking may lakas ng loob para ipakita sa akin ang tunay niyang nararamdaman. At palagay ko, tama ang desisyon ko.

-

Ernest

"Babe si Pao. Ex ni Heidi"

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon