Regrets : part 91

1.4K 97 111
                                    

I suggest...Punta po muna kayong lahat sa clinic or any nearest hospital around you. Pa BP po kayo 😂😂

Hindi ko po alam kung matatawa ba ako...isang pov lang ni Heidi...dumagsa na ang mga hate comments 😂😂

Yung totoo..hindi naman kayo masyadong galit sa kanya ano

Ernest

Nagising ako pasado alas nwebe na ng umaga. Kumikirot ang sintido ko dahil sa hang over. Uminom kami kagabi. Kasama sina Nielsen at Miero. Gabi gabi akong laman mg bar ni kuya nonong. Hindi ko man gawain pero na i-kwento ko sa mga ito ang pinag dadaanan ko. At kahit sila ay may galit sa akin. Pero kahit papano ay hindi nila ako iniwan. Kailangan ko daw harapin kung ano man ang ginawa ko.

Kaya heto, pilit man ay pinakikisamahan ko si Heidi. Inaantay ko lang na makapanganak ito para isagawa ang plano ko.

I went downstairs and found my mom in the kitchen. Pati siya ay apektado sa nangyari. Matagal din nya akong halos hindi kinikibo at naiintindihan ko. Mahal niya si Poknat na parang tunay na anak kaya ramdam ko na nasaktan ito para dito. Even my dad at lalo na si Loraine. I know how much they love Poknat and I hated myself because I've hurt the only woman I truly care and loved.

"Mom" bati ko dito.

"Maupo ka na at mag breakfast. Kanina pa tapos si Heidi. Nasa likod, sa may pool" sabi lang nito.

"Mom. Are you still mad at me?"

Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm not mad anak, and I've already told you before na I'm disappointed. Pero ano pa magagawa natin. Nandito na eh. Pangatawanan mo nalang" payo nito.

"But I don't love her mom"

"But she's carrying your child"

"Mom. Pwede naman siguro na after niyang manganak, I'll take the responsibility of our child. Then I will tell her to go" naisip ko na ito noon pa. She's pregnant but that doesn't mean na kailangan ko siyang maging asawa. I can raise our child dahil kaya ko naman. Bibigyan ko siya ng sapat na pera para makapag umpisa. Hindi ko naman aalisin ang rights niya sa magiging anak namin, ayaw ko lang talagang makasama siya sa iisang bubong na para kaming mag asawa. I'm not comfortable with it.

"If that's your decision then talk to her. Pero huwag muna ngayon anak. Baka maisipan niyang ilayo ang magiging apo ko. Hindi ko man masyadong tanggap si Heidi, iniisip ko parin ang magiging apo namin ng dad mo"

"Sige mom. After niyang manganak saka ko siya kakausapin tungkol sa decision ko" sana may magandang maging kapalit ang gagawin ko.

I want you back.

I am going to take you back.

Just give me more months, magkikita tayong muli.

Lumabas ako ng bahay after mag breakfast.

After ng pangyayaring yon ay ngayon ko lang ulit napagmasdan ang bahay nila Poknat.

Pero nanlumo ako ng makita ko ang karatulang "FOR SALE" sa harap ng gate nito.

Pumasok ako sa loob ng bakuran nila at ngayon ko lang din nakita ang mga halaman nito. Wala na itong buhay. Napaupo ako sa harap ng mini garden ni poknat.

"Pag buhay sila. Pipiliin ko kung ano ang tama at kung saan ako magiging masaya"

Wala na sila babe. Katulad mo, wala na. Iniwan mo na ako. Iniwan na din tayo ng mga halaman mo.

"Ernest" tinig galing sa harap ng pintuan nila Poknat.

"Tita Luna!" Nabigla ako ng makita ko ito doon. Hindi ko alam ang na lumuwas pala ito ng Maynila  "Kailan pa po kayo dumating?" Tanong ko agad dito.

"Kahapon lang. Kamusta iho?" batid kong alam na nito ang lahat.

"Kung sasabihin ko pong ok. Alam ko naman pong napakalaki kong sinungaling" sagot ko "tita, si-si Poknat po. May balita po ba kayo sa kanya?" umaasa akong may malaman man lang ako kung kamusta na ito. Alam kong nasa US na ulit ito dahil nakita nga ito noon nila Nielsen at Miero na kasama si Eric.

"Sinungaling din naman ako kung sasabihin kong wala akong  alam. Kaya nga ako nandito. Pinalagyan niya ng "for sale" Ang bahay niya. Nilinis ko na rin para kung may magka interes, mabilis ng mabebenta" sagot nitong lalong nagdulot sa akin ng ibayong lungkot.

Isa lang ang ibig sabihin nito. Tuluyan na siyang lalayo sa buhay ko.

"Kamusta naman po ang lagay niya. Ok naman po ba siya?" concern parin ako dito at hinding hindi mawawala iyon.

"Oo iho. Wag kang mag alala. Malakas ang batang yon. Matatag sa mga problema. Iyakin lang pero pagkatapos non, babangon yon. Hindi yon marunong sumuko" sagot nito.

"Eh sa akin po. Sumuko na kaya siya Tita?" gusto kong makatanaw kahit ga-tuldok na pag asa. Umaasa akong sa oras na balikan ko na siya ay hindi niya ako itataboy palayo.

"Hindi ko yan kayang sagutin iho. Siya lang ang nakakaalam. Sa nangyari sa inyo, mahabang panahon ang kailangan niya para makalimot. At ikaw, nandiyan na ang magiging mag ina mo. Sila ang kailangan mong isipin at planuhin ang magiging buhay mo kasama sila. Alam mo iho, tuwang tuwa ako noong sinabi niya nong umuwi siya na kayo na. Sinabi din niya na sa araw ng birthday mo, sasabihin niya nang papayag na siyang mag pakasal sayo. Alam kong masakit sa kanya ang nangyari dahil kahit ako, nasaktan ako. Akala ko kasi, kayo talaga ang magkaka tuluyan. Pero ganon siguro talaga. Hindi natin hawak ang kapalaran"

"Pero hindi ko po mahal si heidi" pagtatapat ko dito.

"Hindi mo nga siya mahal. Pero sya ang magiging ina ng anak mo. Isang malaking responsibilidad ang kailangan mong harapin"

Napayuko na lamang ako sa mga sinabi nito.

"O sige. Ako'y magpapaalam na. Kailangan ko na ding bumalik sa probinsya" tumayo ito at kinuha ang maliit na bag na dala nito.

"Tara po muna sa bahay. Para naman makita kayo ni mama. Sigurado akong mis na din kayo non. Ihahatid ko na din po kayo. Wala naman po akong trabaho ngayon"

"Sigurado ka ba. Malayo yon"

"Ok lang po. Tara po" at naglakad na kami patungo sa bahay namin.

Nagkasalubong sila ni Heidi sa may bukana ng pinto. Nagmano naman ito at tinanggap naman ni tita.

Pero ramdam ang ilangan sa pagitan nilang dalawa.

To be continued...

Ano sa tingin niyo...may pag asa pa ba.

 Regrets from the past Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon