Senyales

1.8K 39 1
                                    


Early year of 2014 nakatanggap ako ng text mula sa pinsan ko na nakatira sa Pagsanjan na nasa ospital daw ang tito ko na daddy nya.

"Lana si daddy nasa ospital. Sobra na kasing laki at tigas ng tiyan nya di naman namin alam ang dahilan ng paglobo ng tiyan nya."

Nagkasakit si tito na kinahina nya. Biglaan ang lahat di maipaliwag kung anong karamdaman ang dumapo sa kanya. Madaming pagsusuri ang pinagdaanan nya at tumagal din sya sa ospital. Nagtulong-tulong kami para matustusan ang mga bayarin nya sa ospital. Pero hindi pa rin ito sumasapat para sa gastusin at mga gamot nya. June ng 2014 nagpasya ang pamilya nya na ilabas nalang ito sa ospital. Hiling na rin ng aking tito.

June 12, 2014 nakalabas sya ng ospital at namalagi sa bahay nila sa Pagsanjan.

June 18, 2014 nakatanggap ako ng tawag mula sa pinsan ko.

"Lana gusto ka daw kausapin ng daddy eto oh" ibinigay nya ang cellphone kay tito.

"Tito kamusta na. Maayos na ba pakiramdam mo?."

"Eto okay naman ako kesa sa ospital. Pwede mo bang padalawin ang nanay dito?"

"Oo naman tito. Kaso baka sa 21 pa kami makapunta diyan gawa ng may pasok ako sa eskwela okay lang ba?."

"Oo naman ang importante makakapunta kayo dito ng nanay. o sya hihintayin kita at ang nanay sa sabado."

Ibinaba na nya ang telepono.
Lola ko lang ang kasama ko sa bahay at ang aking tito. 86 na ang lola ko ng panahon na yun.

June 20, 2014 isang araw bago mag-sabado nakahiga ako sa aking kwarto. At naiwan kong bukas ang aking pinto. Tanaw na tanaw ko ang aming main door. Bukas yon ng oras na yun dahil maaga pa. Tatayo na sana ako para isara ng pinto ng kwarto ko. Nang biglang may  pumasok na naka-barong na puti at pantalon na itim. Di ko maaninag ang kanyang mukha dahil nakayuko ito at Nagdire-diretso ito hanggang sa aming kusina. Sinundan ko ito at pumunta ako ng kusina pero ang lola ko lang ang nandoon. Hindi ko nalang iyon binanggit sa lola ko.

Kinabukas maaga kaming umalis para pumunta sa aking mga tito.
Pababa palang kami ng sasakyan ay sinalubong na kami ng pinsan ko. Para alalayan ang nanay. Papasok palang kami ng bahay nila ay umiyak na ang lola ko. Niyapos ko ang tito at kinamusta. hinayaan ko silang makapag-usap ng nanay. Lumabas ako sa sala nila at umupo sa sofa na nasa tapat ng hagdan. Wala pang ilang minuto ng ako'y umupo ng biglang humangin ng malamig na tila nagmumula sa itaas na bahagi ng bahay. Nagtaasaan ang aking mga balahibo hindi ko ito pinansin. Pero sa pangalawang pagkakataon humangin muli ng malamig hindi ko na natiis at lumingon na ako sa itaas ng hagdan. Kinilabutan ako at di makagalaw sa nakita ko.

Nakita ko ang tito na nasa pinakataas na baitang ng hagdan, naka-barong na puti at naka-itim na pantalon. Umiiyak habang tinuturo ang kanyang asawa. Parang ibinibilin ang kanyang asawa. Tumulo ang aking luha at sinabing "Opo tito kami na ang bahala kay tita." Ngumiti sya at bigla nalang naglaho.

Makalipas ang tatlong araw nakatanggap kami ng text mula sa pinsan ko na pumanaw na daw ang tito.

Sender Maya!

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon