Unli rice pa more!

846 22 0
                                    


Ohayo Spookify! Thank you sa pag-post sa unang story kong "Babae sa Boarding House." Magkukwento lang ulit ako ng mga experiences ko. Di naman nakakatakot pero share ko na lang din. Haha.

Nagtatrabaho ako ngayon sa isang quick serving restaurant  (term namin) or fast food chain na obvious naman na kung saan title pa lang. Haha.

Tungkol ito sa lahat ng stores kung saan ako na-assign dahil sinuwerte akong maging part ng management team. FYI lang po, mall based po lahat ng naging store assignments ko.

First store, trainee pa lang ako nun at kakatapos lang ng peak hours. (3-4pm yata yun) May isa kaming counter crew na bigla na lang lumapit sakin at mangiyak-ngiyak na. Tinanong ko kung bakit. Tapos sabi niya. "Sir, kanina nung magsi-CR sana ako, nagulat ako kasi may batang lalaki na kulay gray na nasa UR (Utility Room yun, naka-fetal position raw at nakaupo sa sahig yung bata) , lalapitan ko sana kasi akala ko anak ng isang customer natin. Biglang tumingin sakin tapos kulay red yung mga mata niya."
After nun, nakapag-duty pa naman yung crew namin kasi bukas third eye nya at di nya lang yata ine-expect na ganun kaaga may magpapakita sa kanya lalo na may mga customers pa kami.

Second store. Ang kwento sakin ng mga crew dun, may bantay din dun, bata rin sya pero kulay itim naman. Mahilig maglaro kasi patakbo-takbo lang raw sya kung saan-saan. Kaya pala pag may overtime ako para sa repair ng equipments or other agendas, madalas may mahahagip yung mata kong tumatakbo at dumadaan sa harap ng manager's office habang gumagawa ako ng reports. Minsan feel ko sumisilip-silip sya. Nag-aaya makipaglaro.

Sa mismong mall na ring yun kung saan second store assignment ko maraming kuwento yung mga security guards lalo na pag pang gabi ang duty nila. Andyan na kusang umaandar yung elevator kahit wala namang bumababa or umaakyat sa mga kasama nila. Madalas bumubukas mag-isa kahit madaling araw na.

May babae rin daw na pagala-gala sa second at third floor ng mall. Pinagtripan din nung babaeng multo yung 2 naming stockman minsan.
May extra storage kasi kami sa mall at nasa third floor yun. Umakyat yung 2 naming stockman para mag-replenish ng stocks namin. Kalagitnaan ng pagkuha nila ng stocks bigla na lang nalaglag yung isang box na nakalagay sa isang stainless shelf. Meron ding pagkakataong di nila mahanap yung susi ng storage namin sa taas kung saan nila nilapag. Makikita na lang nila pag naki-usap sila na huwag na silang paglaruan or takutin.

Third store. Nangyari naman ito sa boarding house malapit sa pangatlong store kung saan ako na-assign. Apartment type yung b-house na yun at nagsilbing remote stock room na rin namin. Gabi na nun at tapos na yung duty ko, nasa labas ako ng boarding house nanunuod ng anime. Dumating ngayon yung isang crew namin na lalaki dahil tapos na ang duty nya at naka-park kasi sa tapat yung motor nya. Kasama nya GF nya at nakipagkuwentuhan ako saglit.

Bigla na lang nagtanong yung GF nya kung takot raw ba ako sa multo. Sabi ko naman hindi kasi di naman na ako nakakita pero nakakaramdam pa rin ako.

Sabi nya, nung isang gabi pa raw nya gustong sabihin na may white lady sa harap mismo ng pinto ng boarding house namin at ang sama ng tingin sa kanya. As in nanlilisik. Sa kwarto rin kung saan ako natutulog, may isang anino na nakatambay lang dun. Wag na lang daw ako matakot kasi di naman sila nananakit at mas malakas pa rin talaga yung faith mo kay Lord.

Fourth store. Ito naman 2-storey sya. May inventory kaming ginagawa nun at ang naiwan na lang sa store is yung OIC ko, Ako, Dalawang auditors from our franchisee at 1 crew na nandun for possible recount ng stocks.

Malapit na rin kaming matapos nun at pinauwi na namin yung crew namin. Bago umalis yung crew namin, nagbiro pa ako sa kanya, sabi ko. "Oh ingat ka na lang sa pag-uwi, magpagpag ka bago pumasok ng bahay nyo baka kasi sumunod yung white lady dito sa store." Saktong andun yung isang auditor, sabi ba naman samin. "Ay nakita mo rin ba yun sir? Kanina kasi nung andun ako sa taas nakita ko sya palibot-libot. Ngayon wala naman na. Baka umalis na. Pero wag na lang tayong mag-ingay. Ayaw nila yun eh." Napamura na lang ako sa isip ko kasi akala ko ok na magbiro ako ng ganun eh totoo naman pala. Haha.

Fifth store. Current store assignment ko. So far wala pa naman akong spooky experiences dito. Pero sabi ng mga crew namin na nakatira malapit sa mall kung saan ang store namin ngayon, bakanteng lote yun na sobrang lawak at minsan na rin yatang tinapunan ng bangkay. Malay ko naman kung totoo pero nakakatakot isipin na baka isang gabi ng overtime, baka magpakita yung kaluluwa ng bangkay sakin. Huwag naman sana. Hahaha.

Oh sya, pasensya na po at mahaba. Sorry rin po kung pangit pagkaka-kuwento pero totoo po lahat yan. Sayonara minasan! Mwah mwah!

-Monkey D. Luffy

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon