Hi! Ako nga pala si Nic. Taga Davao City. Mag-18 na this coming November. Silent reader ako dito sa Spookify. Mga tatlong taon na yata. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para ibahagi ang aking mga karanasan dito sa aming bahay simula nung bata pa ako.Magsimula tayo sa kwento ng tita ko. Nung bata pa daw siya, ginagawa pa ang 2nd floor at 3rd floor ng bahay namin. Sa gilid ng bahay, may hagdan na mahaba papunta sa 2nd floor. Sa 2nd floor nandun ang Lolo ko at mga kaibigan niya na nag-iinuman. May party yata nun na time. Habang paakyat siya, may bata daw sa baba ng stairs. Nagsalita yung bata, "Ate laro tayo?". Sabi naman ng tita ko na "Sorry hindi pwede, magagalit si daddy kapag nakipaglaro ako sa hindi ko kakilala." At ayun nagpatuloy ang tita ko sa pag-akat, pero ilang hakbang palang naramdaman niyang hinawakan siya sa kamay ng bata. Malamig daw masyado yung kamay nung bata kaya kinilabutan ang tita ko. Pero kumawala ang tita ko sa paghawak. Dali-dali na siyang umakyat sa taas at sinilip niyang muli ang bata pero wala na yung bata.
Ito namang pangalawang karanasan at ako na mismo ang nakakita at nakaramdam. Bata pa ako nun, mga 6 yata ako nun kung hindi ako nagkakamali. Nandun kami sa kusina ng yaya ko. Nag-uusap kami. Maya-maya ay pumunta kami sa kwarto sa ibaba dahil nandun nakalagay ang bigas namin, sa cabinet. Pag-open namin ng cabinet, nanginig ang buong katawan ko. Na halos hindi na ako makgalaw at makapagsalita. Na ang tanging gusto ko na lamang ay ibaon ng lupa dahil halos hindi ko kinaya ang nakita namin. Isang lalaking nakabarong na nakatingin sa akin na nakangiti ng konti. Kamukha niya yung driver namin na relative din namin. Naglakas loob pa ring kumuha ng bigas yung yaya ko dahil patay siya sa Lola ko kapag di siya magsasaing. Dahan-dahan kaming lumabas sa kwarto na iyon at dumiretso sa kusina. Tahimik lang kaming dalawa habang si yaya ay nagsisimula ng magsaing at ako naman ay nakatulala lang at inaalala yung nakita namin. Wala munang nagsalita sa aming dalawa. Pero makalipas ang ilang minuto, hindi na ako nakapagpigil. "Yaya, nakita mo ba yun?", sabi ko. "Ha? Ang ano?" Sabi ni yaya. "Yaya naman eh. Alam ko na may nakita ka. Natatakot na ako", sabi ko. "Ahh, yun ba? Wag mo na pansinin yun. Wala lang yun." sabi ni yaya. Alam kong nagpipigil lang si yaya na umiyak para hindi ako matakot ng sobra. Pero kitang-kita sa kanyang mga mata na pabagsak na ang mga luha niya. Pagkauwi ng Lola Lolo ko at mga Tito, tita ko at kapatid ko, sinabi ko sa kanila ang nakita namin. Kaso as expected, hindi kami pinaniwalaan. Wala na kaming pake. Basta alam namin kung ano yung nakita namin. At hinding-hindi ko iyon makakalimutan. Kinabukasan, at around 5am, ginising kami ng isa ko pang yaya. "Nic, patay na driver n'yo. Kagabi lang. Nabangungot." Natulala ako sa narinig ko. Last memory ko kay kuya driver is yung sa bahay siya that night before namin nakita yung kaluluwa niya sa cabinet, nanghingi siya ng madaming rambutan. Sana lahat nalang yun binigay namin para man lang before siya kinuha ni Lord eh nakakain pa siya ng maraming-marami. Sobrang sakit dahil parang kuya ko na din siya. Kinabukasan, pinuntahan namin si kuya driver sa Anghel, dun ang haya. Hindi ko alam kung titingin ba ako o hindi. Pero makalipas ang ilang minuto, tinignan ko na siya. Nagpasalamat ako kasi nagpakita siya, although tinakot niya ako ng sobra! Kaya kapag nakakakita ako ng rambutan, o kumakain ako ng rambutan, siya ang naaalala ko. Dun siya nakatira sa company ng Lolo ko. May room sa 2nd floor na kung saan dun natutulog si Kuya driver. Makalipas ang ilang araw, yung sasakyan na minamaneho ni kuya driver ay umandar na lamang bigla at nag-on and off lahat ng lights ng car. Nagparamdam siya. At yun ang una't huli niyang paramdam, o pamamaalam sa mga katrabaho niya at sa pamilya ko. Kuya driver. Maraming salamat sa lahat.
Pangatlong karanasan. Year 2011. Nangyari into sa kuya ko. Nasa sala siya naglalaro ng games sa cellphone niya. Kami ni yaya nasa kusina nag-uusap habang nagluluto si yaya. Kwento ni kuya na may naaaninag daw siyang puti na naglalakad sa sala, pero binalewala lang niya yun. Maya-maya biglang lumapit sa kanya. Unti-unting tumingin si kuya sa nakaputi, babae na mahaba ang buhok pero malabo ang mukha. Pero sabi ni kuya na parang maganda ang babae kahit malabo yung mukha. Tila bang nakangiti. Pero sa di inaasahang pangyayari, biglang inilapit ng babae yung mukha niya sa mukha ni kuya at tuluyang naglaho. Gulat na gulat si kuya nun at takot na takot si kuya nun. Tumakbo siya ng sobrang bilis papunta sa amin sa kusina. Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil sa nakita niya. At simula noon, hindi na siya gaano tumatambay sa sala namin.
Pang apat na karanasan. Year 2013. Ako na naman ang nakaranas nito. May party sa bahay namin, reunion nun at New Year din. Umakyat ako sa 2nd floor para katukin ang Tito ko na kakain na sa baba. Pero bago pa ako nakaabot sa kwarto ng Tito ko, may humatak sa akin na tumingin sa may gym namin sa terrace. Malaki kasi yung terrace kaya may gym sa right side. May batang lalaki na nakatago sa likod ng mga set ng barbels namin. Sobrang puti ng bata at klaro ang mukha. Sobrang gwapong bata. Kinausap ko kasi baka anak ng relative namin or ano ba. "Bata, halika baba na tayo? Kakain na. Baka hinahanap ka na din ng mommy saka daddy mo." Sabi ko. Pero hindi siya nagsalita, nakatitig lang siya sa akin habang nakaupo at nakatago ng kaunti. "Sige ah? Sumunod ka na lang sa baba." Sabi ko. Tapos ayun tinawag ko na ang Tito ko. Bumalik ako sa gym namin, kaso wala na dun ang bata. Well baka bumaba na. So bumaba na din ako. Nagtanong-tanong ako sa lahat kung nasaan na yung batang lalaki. Ni-describe ko ang bata pero wala daw talaga silang kilalang bata na ganun. At kumpleto daw ang mga bata sa baba, which in fact lahat ng mga bata ay nasa sala. Kaya ayun Napasabi ako sa sarili ko na "naku heto na naman tayo. Nakakita na naman ako." Pero bakit ako? Bakit ako nalang palagi? Ba't sa akin nalang palagi?.
Panglimang Karanasan. Ito ay nangyari noong 2014. Nasa sala ako at around 12mn kausap ang palalabs ko (ex ko na ngayon kasi nga walang forever), habang naglalandian este nag-uusap kami, may narinig akong matandang lalaki na nagsasalita at tumatawa. Natahimik ako, maya-maya ay tinanong ko ang palalabs ko kung may kasama ba siyang matanda. Sabi niya wala. Dun na ako kinilabutan. Imagine ha, off lahat ng ilaw. At ako lang mag-isa sa sala nun. Madaling araw pa. Ayan kasi! Ang lalandi! Ayan tuloy minulto! Oo na!. So ayun na ngayon, dahan-dahan akong tumayo at tumingin-tingin sa paligid, may liwanag naman ng konti dahil medyo malakas ang ilaw sa altar. Pagtingin ko sa may dispenser namin ng tubig na katabi nito is sobrang laking salamin, nandun nakita ko mismo. Kitang-kita ko mismo ang matandang lalaki na parang may kausap pero wala akong nakikitang may kausap siya at tawa ng tawa. Gusto kong tumakbo, sumigaw pero ang tangi ko lang nagawa ay umiyak. Sinubukan kong pigilan ang paghikbi pero sh*t! Traydor itong bibig ko! Panghikbi ko, Napatigil ang matanda sa pagkausap at pagtawa. Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Pero hindi ko naaninag ng maayos ang mukha niya dahil malabo ito. Paggalaw niya, doon na ako tumakbo ng sobrang bilis at pumunta sa kwarto kung saan naroon si mommy at mga kapatid ko. Iyak ako ng iyak, kinuwento ko kaso sinabihan lang akong nababaliw na daw ako. Umakyat ako sa terrace at sumigaw, umiyak at nag-wild na ako. Tas naalala ko na kausap ko pa pala palalabs ko, pinagtatawanan niya lang ako. Wala eh, gago siya eh. Kung namatay ako siguro nag-celebrate na yun kasama yung babae niya. Kasi nanggago siya. Kaya ayun simula noon, di na ako gaano tumatambay sa sala kapag madaling araw.
Hanggang dito na lamang muna. Actually sobrang dami ko pang kwento pero ang sakit-sakit na ng kamay ko sa kata-type. Pero promise mag-share ulit ako ng iba ko pang mga karanasan, pero soon pa. Sa mga kwento ko halos na subaybayan nyo na ang paglaki ko. Pasensya kung sobrang haba na. Basta madami pa talaga akong mga kwento, baka gusto nyo chat nalang? Hahahaha!
PS. Hindi ko sure if bukas ba talaga third eye ko. Kasi di naman ako naniniwala sa third eye na yan. And I always pray na sana gabayan ako at protekahan ni God sa lahat ng masasamang bagay.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree