Classroom

241 5 0
                                    


Hello Readers! My name is Cai. The story that I'll be sharing with you guys happened 6 years ago when I was in 4th year High School. Actually, hindi open ang third eye ko (ThankG! Naman diba?) pero marami akong nakakatakot na karanasan na sobrang hirap ipaliwanag. Yung mga experiences na ito yung lubos na nagpapaniwala sa akin sa mga ghost at different entities na nasa paligid lang natin, nakakasama araw-araw.

Year 2013 ng magkaroon ng retreat para sa lahat ng graduating students ng high school. Btw, ang school namin ay located somewhere in Quezon Province isa syang public school kaya naman marami din talaga ang estudyante. Friday ng hapon nag-start ang retreat namin at dahil nga maraming estudyante ay nahati kami sa dalawang batch. Isa ang section namin sa napabilang sa unang batch at kasama ko noon yung mga girl friends ko. Bale 5 kaming magkakaibigan itago na lang natin sa pangalang April, May, June and July haha! So around 5pm habang nasa function hall kami para i-explain ng teachers ang mga house rules and activities for the next 2 days ng retreat, pumasok ang isa sa mga facilitators na si Ms. Kat. Sinabi nya sa amin na kailangan naming lumipat ng sleeping quarters dahil nagkaroon ng problema sa kuryente sa building na supposed to be tutulugan namin. Agad kaming bumalik sa building para ilipat ang gamit namin. Hindi namin nagustuhan yung lilipatan dahil sa classroom ng Juniors kami in-assign. Guys kung meron man kayong HINDI papangarapin na maging room, dun yun sa area na yun I SWEAR! I'll briefly describe why, hindi kasi building yun isang row sya ng dikit-dikit na 8 classrooms. Yung dingding nya is sa bandang baba semento, tapos grills na bakal sa upper part hanggang ceiling. Tagos na tagos talaga yung hangin at kurtina lang ang nagtatakip sa grills na yon. Yung last room sa pinakadulo katabi ng isang malaking puno at sa bandang dulo pa yung matataas na damo. Yung gilid ng rooms ay isang malaking oval kaya wala kang makikitang kahit ano sa gabi kundi ang malalayong classrooms na matatanaw mo sa kabila ng school oval namin.

FF.
Ako, si April at si May lang ang magkakasama sa room, si June and July sa kabila. Medyo sad kami kasi syempre gusto namin magkakasama kami ng sleeping quarters. Btw, si Ms. Kat ang na-assign sa room namin para magbantay. Around 8pm, nawalan ng kuryente ang room namin nila April. Lahat kami ay gising pa that time since 9pm pa ang lights off. Yung iba nagsisigawan yung ibang kasama namin lalong nananakot sa mga takot na takot haha! Takang-taka kami dahil sa 6 rooms na occupied ng students, kami lang ang walang kuryente. At dahil hindi na nga naayos pinalipat kami sa PINAKADULONG ROOM! GUYS! PINAKADULO! The creepiest of them all! Ang katabi namin ay yung 7th room which were occupied by other facilitators kaya naman mas bantay sarado kami sa ingay. 10pm at lights off na, nakalipat na kami at ang iba sa amin ay natutulog na din. Kwentuhan pa din kami ng pabulong nila April at May ng magalit si Ms. Kat sa amin. Pinaghiwa-hiwalay kaming tatlo ng pwesto kaya wala kaming nagawa. Si May pinalipat sa malapit sa pintuan ng cr. Habang si April sa tabi ni Ms. Kat. Medyo natakot ako dahil malaki ang dala kong air bed at wala akong katabi. Ako ang naiwan mag-isa. Nakapwesto ako sa gilid kung saan tulad ng nabanggit ko kanina ay grills lamang ang dingding. Tuwing hahampas ang hangin ay tumataas ang kurtina dahilan para makita ko ang madilim na paligid ng school. Sobrang lamig sa pwesto ko at damang-dama ko ang hampas ng hangin na mas lalong nagpapakilabot sa akin. Hindi pa din ako makatulog nun kaya naisip ko i-text si May.

Ako: Psst! Lipat ka dito pag mahimbing na ang tulog ni Ma'am Kat. Natatakot ako dito.
May: Wahaha lagot ka! Sige lilipat ako mamaya pag tulog na si ma'am. Malikot matulog itong katabi ko eh.

Hanggang sa nakatulog ako ay hindi pa din nakakalipat si May. Nagising na lang ako ng biglang lumubog yung lower part ng air bed. It means may tao. So ako naman antok na antok pa din kaya saglit kong sinilip kung sino. Nakita ko si May nakangiting tumabi sakin, bale ang pwesto namin magkaharap ang mukha namin. Sabi ko sa kanya matulog na, baka kasi magising pa si Ms. Kat. Sinagot nya naman ako na babantayan kita matulog baka mamaya iba ang tumabi sayo. Sa totoo lang kahit medyo weird ang sinabi nya hindi naman ako naka-feel ng takot dahil si May ang pinaka-bully sa amin. Mahilig mang-torture ang luka-lukang yun kaya naisip kong tinatakot lang ako. Hindi ko na lang sya pinansin kaya nagtakip na ako ulit ng kumot at bumalik sa pagtulog.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon