Embalsamador

570 21 0
                                    


Madalas na kwento ng kababalaghan ay nanggaling sa mga kapamilya natin na malakas ang paniniwala sa mga multo o masamang elemento. Mga kwentong opisina na biglang may magpaparamdam o gagalaw na gamit, taxi driver na pinara umano ng white lady, "Jun-Jun" sa Call Center, Mga mountaineer na nililigaw umano ng tikbalang, mga yaya na nakakita umano ng black lady at iba pang mga kwento. Eh paano kung ang trabaho nyo ay maging isang embalsamador, ano ang gagawin nyo?.

Bata pa lang ako, madami ng kwentong kababalaghan ang bumabalot sa pamilya namin. Tita ko na nabaliw dahil umano nanghamon na magparamdam sa kanya ang mga elemento sa Mt. Cristobal, pinsan ko na madalas makakita ng mga premonition sa kanyang mga panaginip or ang tawag ay "clairvoyant", nanay ko na kahit saan pumunta ay may nakasunod na dwende. Minsan napapaisip nalang ako bakit ganito itong pamilya na ito kahit na ako hanggang pagpaparamdam lang naman ang nangyari sakin.

March 16, 2017. Nagkaroon kami ng reunion na pamilya kung saan lahat ng kamag-anak-an na hindi ko naman kilala. Meron akong isang tito na hindi ordinaryo ang trabaho, yun ay ang isang embalsamador. Nalaman ko palang ay hindi na maganda sa tenga at nakakatakot kung iisipin. Sino ba naman ang gusto ng ganun diba? Papakialaman mo yung patay na? Hindi ko maiwasang hindi magtanong sa tito ko dahil sa sobrang curious ako kung ano ang worst experience niya.

Ayon sa kwento ng tito ko. Embalsamador siya ng mahigit tatlong dekada na at sa bawat bangkay ay nakaka-P800 siya. Dahil sa paninimula ng war on drugs madalas ay marami ang kanyang na-i-embalsamo mula 3-6 na tao kada gabi. Aminado ang tito ko na hindi siya immune sa pagiging matatakutin kahit na sanay na raw siya sa kanyang trabaho. Isang araw na maulan ay meron daw isang matandang babae na dinala sa funeraria para ipa-embalsamo. Tirik ang mata dahil umano namatay sa atake sa puso, mag-isa lang daw siya nun kasi wala daw yung senior niya. Kapag daw namatay ng ganun dapat daw talaga pinipikit yung mata at hindi na dapat mumulat. Nilinisan daw niya, nilagyan ng cotton ang bibig para mas magkaroon ng natural na expression yung namatay at pagkabaon niya ng tube para kunin ung dugo doon sa katawan, bigla daw bumangon. May mga ganun daw talagang pangyayari pero yung nangyari sa kanya hindi normal. Pagkabangon daw nung matandang babae eh nakadilat pa din kahit na pinikit na ng tito ko yung mata nung babae. Dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang takot at kilabot, ay hiniga niya yung matandang babae para ipikit ulit ang mga mata nito at kumuha ng bimpo para itakip sa mukha nung matanda. Patuloy lamang siya sa paglilinis, nang mapansin ng tito ko na yung dugo nung matanda na hindi niya namalayan na napunas nya sa bimpo ay kulay itim umano na dapat daw kapag ang dugo napunas sa ano mang tela ay magkukulay pula pero yung sa matanda ay itim. Sa takot ng tito ko ay tumalikod umano siya doon sa matanda para kahit papano ay magdasal ng 'Our Father'. Habang nagdadasal siya, hindi pabulong ang dasal at naririnig niya na may sumasabay sa kanya, inaalis niya sa isip niya na baka yung matanda yun pero nadidinig niya na palapit ng palapit yung boses sa tenga niya habang sinasabayan siya ng 'Our Father'. Pumikit ang tito ko at tuloy lang sa dasal hanggang sa matapos pero may sumasabay pa din sa kanya, humarap siya at sobrang hindi niya makakalimutan ang nakita niya. Nakabangon yung matanda, nakadilat ang mga mata, demonyong ngiti at malalim na boses habang nagdadasal ng 'Our Father'.  Kinuha ng tito ko ang scalpel sa likuran niya at sinaksak sa bandang puso habang may binubulong ang patay. Tumakbo na paalis ang tito ko tapos hindi na daw siya kahit kailan babalik sa ganun klaseng trabaho. Hindi niya makakalimutan ang bulong ng patay, "Kukunin ko ang mag-ina mo at magsasama-sama tayo sa impyerno." Kakilabot diba?.

Jaime
Cavite

***
Shared by Vanny

Share ko lang din yung kwento ng friend ng papa ko na embalsamador. Katatapos lang daw niya mag-embalsamo noon kaya lumabas muna sya sa punerarya para manigarilyo. Pagbalik niya, may nakasalubong siya na matanda na binati siya habang paakyat na siya ng hagdan. Kaso bigla siyang kinilabutan nang maalala niya na yung nakasalubong niya ay ang mismong taong inembalsamo niya.

Kaya saludo ako sa mga embalsamador! Bukod sa malakas ang sikmura, matatapang pa! 😊

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon