Manang Daling

332 6 4
                                    


Kamusta spookifiers? Lemme share my last confession mamumuhay na po akong tahimik at sasayaw ng budots hehehe. Syempre may buhay pag-ibig si ateng nyo. Char. De joke need lang di muna mag-share si Ate nyo bukod sa pinapagalitan ako ni Ambrosio, nag-iingat lang din.
Maraming HUWAD ngayon. May nakausap akong tao, nagulat ako sa lahat ng mga nalaman ko about sa isang sikat na sender then I saw his picture and I read him na may double character sya. Storymaker si Gago hahaha. Basta guys alam nyo na yan kung anong story ang totoo sa hindi. Instinct o kutob pa rin ang the best kung legit o hindi.

***

Si Manang Daling ang manggagamot na tumulong kay Lola Cora sa pagsara ng third eye ko noong bata pa ako. Hindi lang pala nya sinara, hinigop nya lahat ng kakayahan ko pati bantay ko. Although bumabalik kasi nabuksan na ulit ang third eye ko pero hindi na tulad noon. Katulad ng sinabi ni Lola Cora naka-ilang manggagamot muna kami bago may handang magsara ng third eye ko lahat ng manggagamot na pinanggalingan namin hindi kayang gawin dahil ito nga ay regalo at mabuting mata dahil sa mabuting mata halos naisasama ko na mga espiitu na nasa daan papunta sa bahay namin.

Dahil sa bata pa ako hindi ko naman alam kung sino ang masama at mabuting espiritu at elemental para hindi papasukin sa bahay namin. Di naman talaga kasi nila ipapasara ang third eye ko kung hindi lang ako nakapagpasok ng Black Lady sa bahay na syang dahilan kung bakit napilitan sila mama at lola na maghanap ng manggagamot na kayang isara ang third eye ko.
Nanggugulo kasi si Blacky.

Itong nakaraang araw hinahanap namin ni Ambo si Manang Daling upang makausap lang, nothing more but unfortunately, patay na sya. Nakausap ko ang isa sa tatlo nyang mga anak, si Basyang ayon sa kanya walang pinagsalinan ng pagiging manggamot si Manang Daling ng mamatay sya at sabay ng pagkamatay nya halos lahat ng garapon na nasa baul ni Manang Daling ay nabasag. May ilan sa mga garapon ay nasa pangangalaga ng isa pa nilang kapatid si Nanette at si Manang Daling ay nasa Camotes Island nakalibing.

Nagtungo kami ni Ambo sa Camotes Island, natagpuan namin si Nanette kasama ang kanyang ama si Lolo Boy asawa ni Manang Daling at mainit ang pagtanggap nya samin at pinakita lahat ng garapon na may dahon, may tubig at crystal na maliit may ibang garapon na iba rin ang laman. Namangha ako di ko ma-explain kung bakit ganun ang nararamdaman ko eh ilang garapon lang yun nothing seems special kung titignan. Then may 2 garapon na I feel connected pagkahawak ko palang sa garapon parang na-grounded na ako. Yung isang garapon may tatlong rosas na red sa loob at may veins or ugat at yung isang garapon patay na bubuyog at paruparo na magkasama. Gusto ko sanang kuhaan ng picture pero pinalo bigla yung kamay ko bigyang respeto ko daw ang mga iyan literally yung mga garapon. Natulala ako hindi dahil sa garapon dahil kay Lolo Boy. Bulag si Lolo Boy.

Inalok ni Ambo ng dasal ang puntod ni Manang Daling dahil syempre priest sya at nandun na rin lang kami bilang pagrespeto nalang din sa kanya. Pumayag si Lolo Boy at sinamahan kami sa sementeryo kasama din namin si Nanette. Pagkarating namin tinulungan ko si Nanette na linisin ang puntod ni Manang Daling nang biglang magsabi si Nanette "Yawaa bakit basag na libingan ni Nanay?". Furious si Ate Nanette tinawag nya ang caretaker.

Nanette : Anong nangyari dito? Bakit basag ang libingan ng nanay ko?
Caretaker : Ma'am ang tagal nyo na pong hindi dinadalaw ang puntod. Matagal na pong may reklamo na basag ang libingan ng nanay nyo pero di po kayo sumasagot sa tawag ko.
Nanette : Anong ibig mong sabihin kasalanan pa namin?
Caretaker : Ma'am hindi po. Nag-imbestiga na po kami kung sino ang may gawa nyan nalaman po namin mga naniniktik po. Inantay ko po na dumalaw kayong pamilya dito sa puntod para kayo mismo mag-check sa libingan at coffin Ma'am.
Ako : Ano po yung naniktik?
Nanette : Sila yung magnanakaw ng mga patay. At saka yung ibang mga manggagamot na kukuha ng buto ng tuhod o bubutasin yung bungo at kukunin yung buto ang noo.

While checking sa ataul nagsabi sakin si Ambo na i-practice ko sa sementeryo ang third eye ko. Hindi ko ginawa syempre takot ako eh. Habang nangungulit si Lolo Boy nakita kong nagsasalita mag-isa nakalingon ng kaunti yung ulo nya para bang may kumakausap sa likod nya na pabulong. Dito ko na sinubukan, nag-meditate ako (yes napa-practice ko ng hindi basta-basta bubukas ang third eye ko. thanks to Ambrosio) hanggang sa napatingin ako kay Lolo Boy nakita ko ang maliwanag na babae sa likod nya napatingin sakin yung babae at unti-unting lumalapit iniwas ko ang tingin ko natakot kasi ako. paglingon ko sa ibang direksyon marami akong nakikita sa paligid hanggang sa may isang itim na anino ang sumuntok sa balikat ko or bumangga sakin di ko kaya yung bigat ng force nya then bang! wala na akong naalala hinimatay pala ako. Nagising na lang akong nasa isang bahay sa loob ng sementeryo. Binabantayan ni Lolo Boy at Ambo. Sobrang sakit ng ulo at hilo nararamdaman ko tinignan ko yung balikat ko walang pasa pero masakit literal na masakit.
Nag-sorry sakin si Ambo dapat di na nya pinasubok sakin sa loob ng sementeryo (actually di lang isang beses yan madalas akong pinagpa-practice ni Ambo lately sa loob ng simbahan na which is mas marami, napakarami, may crush nga akong multo eh kasi sobrang ganda nya name nya Olga kastila sya. Naka 2 beses na akong hinimatay dahil sa super force ng itim na anino kaya nga nagkasakit na rin ako now bale pang 3rd yung nasa sementeryo). Naririnig kong nagagalit si Nanette sa labas at may kausap yata, tinanong ko si Ambo kung anong nangyari.

Ako : Anong nangyari?
Ambo : Bigla kang sumigaw tapos hinimatay ka. Nung hinimatay ka. Sya ding nalabas na yung buto ni Manang Daling.
Ako : Ahh. May konek ba?
Ambo : Di ako sure pero baka meron. Yung bungo kasi ni Manang butas yung noo at wala din yung buto sa tuhod.
Ako : Hala? ano 'to Pee Mak ganern yung palabas? Bakit naman ginanon yung bungo ni Manang?
Ambo : Para gawing agimat o medium para maging malakas ang kakayahan nila.

Lumabas sya at may tinawagan sa cellphone. Kinausap ko si Lolo Boy kung gusto ba nya ng meryenda at bibili ako sa tindahan para din mailabas ko na sya sa bahay na pinag-stay-an namin nahihiya kasi ako tinitignan ako ng anak na lalaki ng may-ari eh I feel may pagnanasa joke lang pero basta nakakailang eh.
Nung makalabas na kami naka-wheelchair po pala si Lolo Boy di na sya naglalakad Bulag at matanda na sya bigla nya akong hinawakan sa kamay. "Kilala ko kung sino kumuha ng agimat ni Daleng". Lolo Boy. Hindi ako sumagot kumbaga may attitude pa rin ako ng pagiging rude kasi nasa isip ko paano malalaman nito eh bulag nga 'to. Pumunta ako ng tindahan at bumili ng biscuit at tubig binigyan ko si Lolo Boy at sinubuan mabait pa rin naman ako noh. Nag-aya ng umuwi si Nanette.

Nanette : Okay ka na ba Inday? Baka nahihilo ka pa.
Ako : Okay na po ako.
Nanette : Ah sige. Uwi na tayo baka gabihin tayo sa daan. nasaan na pala yung pinsan mo?

Lumabas sa gilid ng bahay si Ambo mga after 1 minute din at pumayag na syang umuwi kami. Nag-aya ng kumain si Nanette di na kami tumanggi gutom na gutom na ako saka favorite ko ang Lechon Manok nag-ulam kami bumili ng ulam ni Ambo para less hassle na di na matagalan sa pagluluto. Matapos naming kumain nagpahinga lang kami saglit para di sumakit ang tagiliran namin. Maya-maya lumapit sa kin si Lolo Boy may dalang papel at ballpen.

Lolo : Isulat mo ang sasabihin ko.
(malakas makapag-utos si Lolo para syang sundalo kung mag-command)
Ako : Ah sige po.

Isa-isang letra nyang sinabi sakin at nakabuo ako ng pangalan.

Lolo : Nasa kanya ang agimat ni Daleng. Taong tambay noon binigay sa kanya ang noo ni Daleng kaya nagkaron sya ng pilit na kapangyarihan. Kahit anong lakas ni Daleng noong nabubuhay pa sya hindi nya ginawang pamemera sa mga nangailangan sa kanya. Sa bahay ng taong yan maraming buto ng mga manggagamot hindi lang kay Daleng.

Nagulat ako dahil napakasikat nitong manggagamot (hindi ko na po sasabihin kung sino, pasensya na).

Umuwi kami ni Ambo na kahit parang kulang pa yung sagot pero sapat na kami sa mga nakita namin. Pinabaon sakin ni Lolo Boy ang 3 garapon sinabi ni Nanette "mababasag yan sa tamang panahon. Tanggapin mo yan sila ah sayo talaga yan".

Hanggang dito nalang po maraming salamat sa lahat ng sumubaybay. Sa lahat ng natulungan ko po sa chat thank you po hindi man ako totally all in package na nakatulong sorry po and need ko rin po deactivate yung dummy account may mga nagcha-chat kasi sakin na ang creepy lang kasi wala pa ang chat na Hi and Hello sinasabi na agad "ang ganda ng mata" "ang liwanag ng mata mo" atsaka "gusto ko yung mata mo". Baka kasi yan na rin yung sinasabi ni Papa Crush Amadz yung about sa mga ulikba or itiman. Saka kaya rin po ako magpapahinga kasi may sakit ako I dunno pabalik-balik lagnat ko every night papa-check up palang po sa Tuesday at saka dahil na rin yung mga nakikita ko po na mga gumagambala sa inyo o nagbabantay hindi man sila ma-invite sa bahay namin lagi silang invited sa panaginip doon sila pumapasok at saka meron po kasi akong niri-reach out na isang magandang sexy na babaeng elemental lagi sya sa panaginip ko I feel kasi gusto niyang makawala pero nagagalit sya sakin sinisigawan kasi ako sa panaginip tapos iiyak. Ang taray diba ng chapter ng buhay ko di ko expect na may ganyang pasabog si Lord sa life ko hahaha pero kahit ganun be grateful and be happy na lang.

Ate Rica 💕

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon