Hello Admin. Gusto ko lang sana i-share yung kwento ng papa ko, sana po ma-post ito. Actually di talaga ako naniniwala sa aswang noon kasi para sa akin gawa-gawa lang yun ng mga matatanda para panakot sa mga bata. Bago ko umpisahan hihingi lang ako ng paumanhin baka maguluhan kayo sa story hindi kasi ako marunong magkwento tsaka di din ako magaling magtagalog.It all started when I was in Elementary. Noong araw na yun nasa bahay lang ako. Tapos si papa naman paalis, suot nya yung white polo nya. Nagbebenta si papa ng mga tools like screw drivers, etc. pumupunta sya sa ibang baryo sakay ng bicycle nya tapos gabi na sya umuuwi. Bago sya umalis biniro ko pa si papa non sabi ko sa kanya "Uy Pa, mukha kang si Lapu-Lapu. " sabay tawa. Ngumiti lang sya tapos non nilagay nya yung Face towel na kulay puti sa ulo nya at sinuot ang kanyang cap, hinigpitan nya para di liparin ng hangin yung face towel na nakaipit.
Mga bandang alas otso ng gabi nanonood kami ng TV ni Mama kasama ng mga kapatid ko. Noong time naman na yon may kumatok sa pinto, si papa pala. Nagulat nalang kami noong sumigaw si mama na "Bakit ang daming dugo sa damit mo? Anong nangyari?." Nag-aalala na si mama. Lumapit ako sa may pinto ayun nakita ko na parang naligo si papa ng sarili nyang dugo. Yung suot niyang white polo kanina naging kulay red na, pati mukha ni papa may dugo din. Yung mukha ni papa halatang nagulat hindi pala sya aware na halos naligo na sya sa dugo, doon lang nya nalaman noong sinabihan sya ni mama. So takang-taka naman kami kung bakit di nya alam, hindi naman daw sya natumba habang sakay ng bicycle nya, wala din daw syang naramdaman na kakaiba normal lang naman daw nung pauwi na sya tapos tanging cap nalang yung natira, wala na yung face towel na puti na inipit nya.
Hatinggabi na, tulog na ang lahat nagising nalang kami nung biglang umungol si papa na nauwi sa sigaw. Sobrang sakit daw ng ulo nya. Laging ganyan ang eksena every night. Sisigaw si papa sa sakit ng ulo nya, pati mga kapitbahay namin nagigising sa ingay. Kinabukasan kinausap ng kapitbahay namin ang ate ko, bakit daw laging sumisigaw si papa tuwing gabi naiingayan daw sila kinuwento naman ni ate yung nangyari kay papa. Sabi naman ng kapitbahay namin baka daw inaswang ang ama namin. Dahil na-curious si mama, tiningnan nya ang ulo ni papa. Doon namin nalaman na may mga kalmot yung ulo nya.
Isang gabi himala na mahimbing yung tulog ni papa. Tatlo kami na sa kwarto natutulog, si mama, ako at si papa, sa papag lang kami natutulog. bigla kaming nagising ni mama ng may narinig kaming kaluskos sa may paanan ni papa sa silong. Hindi po semento ang bahay namin. Kinabukasan umalis si mama para puntahan yung kilala sa bayan namin na magaling na albularyo. Pero ilang oras lang bumalik agad sya, lumipat na pala sa kabilang barangay yung albularyo, doon na sa bukid tumira. Kaya ayun sinamahan si mama ng pinsan ko para pumunta sa bukid kung saan doon na naninirahan yung albularyo. Suspetsa talaga ng mga pinsan at kapitbahay namin na baka inaswang talaga si papa.
Kung anu-ano yung ginawa ng albularyo. Tapos bigla syang nagsalita. "Noong araw na nangyari yun may dala ka bang barya?"
Sagot naman ni papa. "Oo, puro barya ang nasa bulsa ko." "Mabuti naman, dahil kung wala di ka na makakauwi sa pamilya mo. Kung makakauwi ka man hindi na ikaw mismo." sabi ng albularyo. "At bakit naman? Anong koneksyon nung barya?" tanong ni mama.Isinalaysay naman ng albularyo kung bakit. Mabigat daw kasi sa mga aswang yung barya kahit piso lang yung dala. Kaya daw kung aalis kayo tuwing gabi dapat may dalang barya. Nagtanong naman si papa kung bakit wala syang naramdaman nung time na yon kahit kunting kirot, tapos yung towel wala na sa ulo nya, may mga kalmot na pala yung ulo nya. Sagot naman ng albularyo na ganon kalakas ang power nila kaya nilang kontrolin yung isip at sarili mo na parang wala lang. Maswerte ka kasi yung time na yun may barya ka at nakauwi ka pa. Yung towel naman daw kinuha daw yun ng aswang para masundan si papa kasi di nya madala si papa sa bigat dahil sa barya, kaya kinuha nalang yung towel para sundan sya.
Kaya pala every night parang may malaking ibon sa bubong namin. Tapos kinuwento na ni papa yung mga nangyari may suspetsa kasi sya kung sino yung Aswang. Noong bandang alas 3 ng hapon bigla daw umulan nakisilong muna sya sa may tindahan tapos sa harap naman ng tindahan may kubo. Tingin daw ng Tingin sa kanya yung matandang babae sa kubo, di nalang nya pinansin bumili sya ng tinapay habang hinihintay na tumila ang ulan. Kilala ni papa yung babae, ina ng kapitbahay namin na usap-usapan din na "aswang" daw. Pero anong oras na di pa rin tumila ang ulan napilitan si papa na umuwi nalang baka mas lalo pa daw lumakas baka di sya makauwi bicycle lang naman sinasakyan nya tapos malayo pa ang sa amin.Salamat po sa pagbasa. Alam ko magulo yung story, sabi ko naman di ako magaling magkwento.
-💠-
AlexisD
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree