High School : The Documentary

426 10 0
                                    


Part 1: Ang Babae sa CR ng Science Faculty

Note: Hi~ Actually, marami itong ise-share ko about sa mga nangyari sa school namin. Sa sobrang dami, hindi ka makakapili. Aware ako sa paranormal activities na nangyayari sa school namin. Kaso parang wala lang, parang sanay na yung mga estudyante at teachers dun. Alam nyo yun? No one believes. Hindi ko alam kung totoo ang mga istoryang ito since mga classmates ko lang ang nagkwento sakin nito (which is na-experience nila) and other stories na na-experience ng mga kakilala nila. Marami kaya naka-part. Hehe. [Medyo mahaba].

Hi, just call me Kaye. Taga-Cavite ako and nag-aaral ako sa isa sa pinakasikat na public high school sa isang city sa Cavite. Kilala itong school namin kasi isa ito sa pinakaunang high school sa Cavite. Dito na nga nagtapos mga tita at tito ko, pati na rin ang mama ko. May mga chismis rin daw na isang sementeryo or tapunan ng mga nasa-salvage yung lugar namin, lalo na yung school namin kasi ang laki nya talaga. Hindi ako naniniwala na may nagmumulto dito or what until nagkaroon kami ng documentary project sa Filipino. Napili ng mga classmates ko na Horror Documentary ang gawin namin and unfortunately, ako ang scriptwriter at director nun. So hiningi ko yung opinion and suggestion ng mga classmates ko. Sabi nila, mas maganda daw kung ang gawin namin eh yung makatotohanan so I asked my classmates kung may real experience ba sila dito na pwede naming i-document. I warned them na project lang ito and don't take anything seriously, lalo na sa topic na gusto nilang gawin. And I also reminded them na huwag silang magbiro dahil walang may gusto na makagambala doon. Then nag-share yung classmate kong si CJ (hindi niya tunay na pangalan) ng experience nya sa school na nagbigay sa kanya ng trauma.

One time, nag-CR sila sa Science Faculty. Kasi yun lang yung CR na laging bukas sa buong school tsaka yun lang yung CR na hindi nakakatakot puntahan. Kasi halos napapalibutan sya ng mga buildings and rooms na puno naman ng mga estudyante. So nung nag-CR daw siya, walang tao tapos yung mga kasama nya, iniwan sya mag-isa sa CR dahil bibili sa canteen (kasi sobrang lapit lang ng canteen doon). Chineck ni CJ lahat ng cubicles, tatlo lang actually ang cubicles doon, nakabukas lahat ang pinto indicating na walang tao and nag "Hello" rin sya pero echo lang meron. So pumasok na sya sa last cubicle, habang nagsi-CR sya, bigla daw may pumasok (kasi tiles ung floor, dinig mo yung footsteps) tapos malakas na sinara yung pinto ng CR at nung cubicle. Hindi pinansin un ni CJ kasi alam nya na may mga mapang-trip at mahaharot na estudyante don (Female CR). Nung lumabas na si CJ, chineck nya ung CR kung may tao kasi nga may narinig sya kanina na pumasok. At kung lumabas man ito ay maririnig mo dahil kahoy ang pinto, maririnig mo kapag binuksan or pag sinara ito. Alam nyo un, chine-check ung baba ng pinto ng cubicle kung may tao. Yun ung ginawa ni CJ kaso wala daw 'paa' sumigaw pa sya ng "May tao po ba?!" Kaso wala talagang nasagot.

Kaso nung binuksan nya ung nakaawang na pinto ng first cubicle, napatili na lang sya sobra at kumaripas ng takbo. Tinanong namin sya kung anong nakita nya, ang sabi nya ay isang estudyante na nakasuot ng uniform namin kaso ang dumi daw at putik putik. Dun daw sya nagtaka kasi nung tinignan nya yung baba ng cubicle kung saan mo makikita ung paa ng nagsi-CR, wala daw syang nakita sa first cubicle. Dun daw sya natakot. After that day nung nangyari un sa kanya, one week syang absent. Yung rason pala eh, nilagnat sya for ilang days then pina-ospital sya, walang nakitang problema sa resulta. Kaya pina-albularyo siya ng magulang nya, ang nakita sa tawas na may kasama daw syang babae wherever she goes. Kaya after she told us that secret, nag-research ako and nagtanong-tanong sa ibang students and teachers. Marami ng naka-experience ng nangyari kay CJ, totoo raw na may nagpaparamdam dun at hindi lang si CJ ang nakaramdam ng nangyari dun. Actually alam kong may nagpaparamdam sa CR ng Science Faculty kaso wala masyadong naniniwala dun kaya madami pa ring nagsi-CR dun.

Pero after ilang days, biglang isinara yung CR na un. Out of order daw palagi or what. Ilang months na ang nakalipas, September 2016 yung first taping ng documentary namin. We already asked Science teachers and ung ibang OIC dun na gagamitin lang namin ung CR for half an hour para sa documentary namin and we promised na hindi kami magsi-CR kaso sabi, bawal daw yung gagawin namin. Or madalas nagbibigay lang sila ng reason. So we decided na gumamit nalang ng ibang restroom. Kaso, yung female restroom lang talaga ng science ung maraming cubicle. Dahil dun, I asked for another story na pwedeng gamitin. And nung nagkwento yung classmate kong si Bernadette (hindi niya tunay na pangalan) ng storya nya, dun na nagsimula na magbago yung takbo nung buong section namin. Nag-iba ung atmosphere sa classroom and gusto na naming itigil ung documentary.

Sorry po kung bitin, mas mahaba po kasi ung istorya ni Bernadette.

PinkPanther

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon