Hi po sa mga admins and avid readers ng page na ito. Recently ko lang nadiscover ang Spookify nung isang gabing hindi ako makatulog. Naghahanap ako ng mga mababasa habang nagpapaantok pero lalo akong hindi nakatulog kababasa ng mga kuwento dito. haha Anyway, na-enjoy ko ang mga stories ninyo and I think it's time for me to become a contributor at hindi lang silent reader.Na-discover ko na nung bata pa ako ay mayroon pala akong third eye (hindi lang ako, halos lahat kaming magkakapatid) pero hindi naman siya ganun ka-open. May levels rin po kasi kung gaano kabukas ang mga "mata" natin. May mga paranormal stories rin po akong gusto kong i-share sa kanila.
Ang mga unang paranormal stories ko ay nangyari sa province namin at naririnig ko ang mga kwentong ito sa tuwing bibisita ako doon. Yun naman kasi ang madalas naming gawin pagkatapos maghapunan. Palibhasa wala pang kuryente ng mga panahong iyon, maliban sa pagtingin sa milyong-milyong nagliliwanang na bituin sa langit, ang pinakamasayang bahagi ng aming pagbisita ay ang pagkwentuhin ang mga relatives ko ng mga bagay na "kakaiba" habang umiinom ng kape sa tanglaw ng liwanag ng gasera.
I. Foresight
Just a brief history lang po. Nanggaling kami sa angkan ng mga mangingisda at magsasaka sa Catanduanes. May mga iilan pa rin naman kaming kamag-anak na ganoon pa rin ang trabaho hanggang sa ngayon pero ang family ko ay nag-migrate na dito sa Manila since 1970's pa lamang. Madalas kong naririnig ang kwentong ito sa dad ko and sa lola ko. Ang lolo ko daw sa tuhod ay nahulaan or alam na raw kung kailan ang kanyang magiging kamatayan.
Noong bata pa lang ang lola ko, napapansin daw niya na madalas niyang nakikita ang tatay niya na sa tuwing magpapahinga ay nakatingin sa mga puno na parang may kinakausap. Dahil sa bata pa lang ang lola ko at nakagisnan na niya ang ganoong gawi ng tatay niya, hindi na niya ito masyadong pinagtutuunan ng pansin. Hanggang isang araw, dalagita pa lang ang lola ko ng mga panahong iyon, pumasok ang tatay niya sa loob ng bahay at sinabing "oras na." Bigla daw humagulgol ang nanay niya at binihisan ng damit ang tatay niya. Humiga daw ito sa papag at hindi na nagising pa.
II. Gintong Kalabaw
Ang lolo ko naman, maliban sa pagsasaka ay isa ring mangingisda. Naikuwento sa akin ng lolo ko na nung minsang nangingisda sila kasama ng tatay niya, mayroon daw silang nakitang nagliliwanang na gintong bagay sa ilalim ng tubig na sa pakiwari nila ay "isang gintong kalabaw na tumatakbo." Nung dumaan daw sa ilalim ng kanilang bangka, instead na yabag ng mga paa ang narinig nila, para daw itong humuhuni o nagha-hum. Lately ko na-realized na may possibility na UFO iyon. Since wala pa namang idea ang mga tao noon tungkol sa UFO, ang magiging reference nila or mapagkukumparahan lamang nila ay ang mga bagay na "common" sa kanilang pananaw noong mga panahong iyon tulad ng isang kalabaw.
III. Mga Sulo
Narinig ko naman ang kwentong ito noong high school na ako. Isang madaling-araw na bilog ang buwan at nangingisda ang lolo ko kasama ang tatay niya, napagpasyahan nilang mamingwit malapit sa may paanan ng bundok. Matagal na rin silang nag-stay doon ngunit kahit isang isda wala man lang daw kumakagat. Bilang bata, naiinip na ang lolo ko at sinabi sa tatay niyang umuwi na lamang sila.
Maya-maya daw, may nakita silang animo'y mga bata na isa-isang lumalabas sa kuweba (wala naman daw kuweba doon) at may dalang mga sulo or "torch" (yung may apoy sa ibabaw ng kahoy) na parang mga naglalaro. Nagtataka sila kung sino ang mga batang iyon at anong ginagawa nila sa bundok sa dis-oras ng gabi. Naisip na lang ng tatay niya na baka mga anak ng kapitbahay nila ang mga iyon.
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro, bigla na lang daw silang nakarinig ng dumadagundong na tunog na parang may isang napakalaking batong gumugulong pababa papunta sa kanila at kasabay nito ay ang panginginig ng tubig. Natakot ang lolo ko at sinabi niya na "umuwi na tayo, baka tayo mabagsakan at madurog." Sinabihan siya ng tatay niya na tumahimik na lang.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree