Kayomito

314 11 0
                                    


Hi! Nais ko ulit mag-send ng isa na namang nakakatakot na pangyayari. Pero this time, hindi na ito tungkol sa na-experience ko kundi kwento ito ng isang malapit na kaibigan ni mama. kinuwento lang din ito sakin ni mama, sa tingin ko mga first year high school pa lang ako nung kinuwento nya sakin ito.

9pm nang kauuwi lang ni mama galing sa inuman kasama ang kanyang bestfriend na si Ate G. Naaalala ko pa nun nanonood ako sa kwarto ko nun ng nakakatakot na movie translated sa tagalog sa channel 5. Tinawag ako nun bigla ni mama palabas ng kwarto ko. May dala-dala syang ensaymada na paborito ko at sopas. Tinanong nya kung gusto ko at kumain kami. Habang kumakain biglang nagsalita si mama.

Mama : Nak, alam mo ba. Nakakatakot yung kinuwento sakin ni Ate G mo kanina, tungkol dun sa asawa nyang si J. Kaninang madaling araw lang daw yun nangyari bago bumiyahe si J.

Taxi driver po kasi si Kuya J at madaling araw na sya bumiyahe. Kalimitan syang umaalis ng bahay pagka-4am na para maagang makabiyahe. Yung bahay nila ay napapalibutan ng napakaraming puno ng kayomito. Ang bahay nila ay gawa lang sa plywood. Maliit lang at kakarag-karag na. Sa tapat nila mismo ay daanan at katapat ng malalaking kayomito na kapag gabi ay nakakatakot lakaran sapagkat napakadilim at parang mala-gubat. Ganun din sa bakuran nila at likod bahay, puro malalaking puno ang nandoon at malayo pa ang katabing bahay nila. So yun, pagkatapos tinanong ko si mama anong nangyari.

Mama : Kasi kanina daw madaling araw, umalis na daw si Kuya J mo para bumiyahe. Inihatid pa nga daw ni G sa tapat nila tapos wala pa daw ilang minuto e bigla naman na nagkakakatok sa pinto ulit nila. Akala mo may humahabol sa kanya at takot na takot tapos pinagpapawisan ng matindi. Nagtaka itong si G at tinanong kung anong nangyari kung bakit makakatok parang sisirain na ang pinto nila. Binigyan daw ni G ng tubig tapos nang mahimasmasan nagkwento na.

Mama : Ang sabi daw ni J. Nung pag-alis daw nya naglakad daw sya papunta sa kanto, sasakay na sana sya ng tricycle.

Bago po makapunta sa kanto ng sakayan samin ng tricycle eh dadaan ka pa sa madilim at mapunong daanan. Walang kahit anong ilaw sa daanan, tanging buwan lang ang magsisilbing ilaw mo sa daan na yun at puro malalaking puno at talahib ang madadaanan mo.

Mama : Habang naglalakad sya ay may natatanaw daw syang may makakasalubong syang isang babae. Pinagmamasdan pa daw nyang maigi dahil parang nakalutang daw. May dala-dala daw na malaking kandila pero hindi daw nakasindi. Nakakulay puti tapos mukhang matanda na pero nakayuko daw tapos may suot-suot na belo. Medyo kinabahan na daw non si J lalo na nung nakaamoy daw sya ng amoy sampaguita. Habang naglalakad daw sya parang hindi sya nakakarating sa paroroonan nya. Pero tanaw na daw nya ang kanto at yung matanda papalapit na ng papalapit. Hanggang sa bumibilis na daw ang paglapit nung matanda. Habang napapalapit na naaninag na daw nya ang itsura nito dahil sa sinag ng buwan. Nakayuko daw ito pero wala daw talaga itong mukha, matanda at kulubot na, kulay itim na ang mga paa nitong nakalutang. Tumalikod daw si Kuya mo J patakbo tapos nagdasal daw sya pero hinahabol daw sya nung matandang nakabelo. Hanggang sa nagdasal lang sya ng nagdasal tapos nakarating na sya sa bahay nila. Pagkatapos nun, nag-text sya sa boss nya na hindi sya makakapasok at kanina lang nilagnat sya kaya pinatawas sya ni Ate G mo. Kaya ikaw huwag kang lalabas-labas dyan pag alam mong gabi na at wala ng tao sa labas. Baka mamaya ikaw naman ang makasalubong nun, sige ka.

Pagkatapos ikuwento ni mama sakin yon, kinilabutan ako at parang gusto ko ng tumabi sa kanya sa pagtulog. Naiwan ko pa naman ang tv sa kwarto ko ng nakabukas tapos nakakatakot pa ang palabas.

Ito pa, kwento naman ito ng dalawang kaibigan kong lalaki. Mga binata pa sila nun, kagagaling lang nila sa inuman sa malayong lugar. Mga 2am na daw sila nakauwi non, hindi naman daw sila masyadong nagpakalasing non at normal pa silang nakauwi nung mga oras na yun. Bago sila makauwi sa kanila ay dadaanan din nila yung daan na dinaanan ni Kuya J. Habang naglalakad daw sila at nagkukwentuhan, bigla daw napahinto yung isa sa kanila at napatingin sa taas ng puno ng kayomito. Takot na takot daw ang itsura nito kaya napatingin din yung isa, una ay parang wala lang. Pero nang dahil sa liwanag ng buwan kitang-kita daw nilang dalawa na meron daw babaeng nakabigti sa puno. Nakadilat daw ang mga mata nito na nakatingin sa kanila, nakanganga daw ito at nakasuot ng puti. Takot na takot daw sila kaya nag-unahan sila sa pagtakbo habang sumisigaw na parang mga bakla. Kaya simula non di na sila nagpapaabot ng ganong oras sa daan at kung maabutan man ay dun na lang sila natutulog sa mga kaibigan nila.

Braces

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon