A/N : minsan hindi natin kailangang gumawa ng mali para lang mahalin din tayo ng mga taong mahal natin. ang kailangan lang naman talaga ay matuto tayong maghintay dahil ang taong nakalaan para lang sa atin ay darating naman, hindi nga lang agad-agad dahil may panahon ang bawat pangyayari sa ating buhay.---------------------------------------------
Hello admins, hello readers! This is my first time na magse-share ng ganitong klaseng story. I hope ma-post.
I'm Sheena/Sheen (not my real name) and I have a friend, hindi lang basta friend Bestfriend/Sister ko na si Lia (not her real name) akala ko hindi kami magiging super close dahil lagi kaming nagtatalo sa pagiging honor student noon pero hindi. Si Lia yung tipo ng taong palaging nandiyan sa oras na kailangan mo as in mabait, matalino. nung gumraduate kami ng high school napagkasunduan ng parents namin na pareho nalang kami ng school sa college, same course. One time may naging crush sya classmate din namin hindi lang basta crush masasabi kong patay na patay sya dito. ang kaso yung crush ni Lia umamin na may gusto sakin na ikinagalit ni Lia sakin wala naman akong interest kay Harvi (name ng crush nya) pero galit na galit sya, ngayon ko lang sya nakitang magalit non ilang araw syang hindi nagpakita sakin kahit sa room ilang araw na siyang absent. eto namang si Harvi lapit ng lapit naiinis na ako. may time pa na pinipilit nya akong magpahatid sa kanya. yun yung araw na nakita ko si Lia na nakatingin ng masama sakin namumula ang mata nya, in short nakakatakot. tinatawagan ko si Lia pero laging pinapatay yung phone hanggang sa isang araw nakatanggap ako ng text galing sa kanya "Sheen kita tayo sa parking lot after class" naghalo yung nararamdaman ko kaba/takot. 7pm na nung natapos yung class namin hindi pa nagpapaalam yung prof bigla ng kumaripas ng takbo si Lia na parang may hinahabol. agad ko namang sinundan hanggang sa makarating ako sa parking lot. madilim at walang tao, nawala sa paningin ko si Lia kinakabahan na ako, nasaan na sya?. babalik na sana ako sa taas ng makarinig ako ng yabag na papunta sakin bumilis na naman tibok ng puso ko pinikit ko ang mga mata ko. narinig ko na sobrang lapit na ng yabag na naririnig ko, bigla itong tumigil napadilat ako nakita ko si Lia sa harap ko walang emosyon namumula pa rin ang mata nawala yung takot ko nung nakita ko yung kaibigan ko hindi ako makapagsalita. "Sheen wala ka namang gusto kay Harvi diba?" "wala" yan lang yung nasagot ko sa kanya biglang lumiwanag ang mata nya, ngumiti ng kaunti pero hindi ito yung ngiti ng Lia na kilala ko "kung ganon sumama ka sakin may pupuntahan tayo" agad nya akong hinila at hindi hinintay ang sagot ko sumakay kami ng jeep tulala sya medyo malayo yung biyahe at sa totoo lang hindi ko alam itong lugar na pinupuntahan namin pagbaba namin, sumakay pa kami ng tricycle tiningnan ko ang orasan ko 8:23pm na tinext ko lang ang mama ko na baka kanila Lia na ako matulog at agad namang pumayag. bumaba kami sa isang bahay, walang ilaw pero paglakad namin biglang bumukas yung ilaw na parang alam ng mga tao sa loob na may paparating. agad kaming sinalubong ng isang matandang babae ngayon ko lang ito nakita at laking gulat ko na kilala ito ni Lia. hinawakan ni Lia ang kamay ko na dahilan ng pagiging komportable ko. pinapasok kami sa loob. may mga manika, punong-puno ng manika ANG CREEPY MGA BES! gusto ko ng umuwi. tinawag ng matanda si Lia at ako ay pinaupo muna sa sofa habang pinagmamasdan ang mga manika kinikilabutan ako, tumayo yung balahibo ko sa katawan. MANGKUKULAM. Yes, mangkukulam ang unang pumasok sa isip ko pero ayokong maging judgemental malay ba natin na gusto lang ng matanda mag-collect ng barbies pero legit natatakot na ako. bago pa ako matakot ng sobra lumabas si Lia na may dalang tubig at ibinigay sakin nagdadalawang isip pa ako kung iinumin ko o hindi sinabi ko nalang na hindi ako nauuhaw kahit ang totoo tuyong-tuyo na ang lalamunan ko. umupo sa tabi ko si Lia na nakangiti habang yung matandang babae umupo sa harap namin. "Harvi ang pangalan nya. may gusto sa kaibigan mo pero mas nangibabaw sa kaibigan mo ang pagiging magkaibigan nyo" sabi ng matanda na nakatingin sa hawak nyang garapon. "maghawak-hawak tayo ng kamay para sa pagsang-ayon" sabi nya ulit hinawakan ni Lia ang kamay ko at hinila ng matanda ang isa kong kamay dalawa silang nakapikit hindi ko maipilit ang mata ko hindi ko alam ang gagawin ko. pasimple akong bumulong kay Lia "Lia ano 'to? pagsang-ayon saan?" pero imbis na sagutin nya nginitian nya lang ako. agad din itong natapos wala akong naintindihan sa nangyari tinignan ko ang orasan ko 10pm na.
Kinabukasan iba na ang awra ni Lia. ang saya nya kaya ang saya ko rin para sa kaibigan ko. nakita namin si Harvi at palapit ito samin nainis na naman ako kasi kukulitin na naman nya ako PERO MALI AKO! si Lia ang nilapitan nya inaaya nyang mag-lunch at ihatid pauwi masaya ako sa kaibigan ko lalo na nung nalaman kong umamin si Harvi na may gusto sya kay Lia pero may something akong napapansin simula nung pumunta kami ni Lia dun sa matanda nagbago si Harvi, laging namumula ang mata at habol ng habol kay Lia everyday ganon na si Harvi. natatakot na ako sa kanya. after ng graduation namin wala na akong balita kay Harvi at Lia hanggang sa nalaman ko sa batch namin noon na namatay si Harvi sa di maipaliwanag na dahilan pumunta ako sa burol nya kitang-kita yung mata nyang namumugto nakakaawa. nakita ko din si Lia na parang balisa na parang wala sa sarili at ang palaging sinasabi ay "DAHIL SAKIN YAN" paulit-ulit nya yang sinasabi at hanggang ngayon 3 years na ang nakakalipas hindi ko pa din alam ang dahilan. yun lang, sorry kung hindi masyadong nakakatakot
Sheena.-TourismSH"
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree