Huwag mong iwanan ang bangkay

487 20 0
                                    


Hi admin, isa po ako sa mga silent reader nyo. Gusto ko din sana magshare ng story. Ito pong kwentong ito ay galing sa Papa ko. Simula ng ikwento nya to, nagkaroon na ako ng takot sa patay.

Sabi ng Papa ko, kwento daw sakanya ito ng kamag anak nila. Noon daw meron silang kamag anak na namatay. Since medyo malayo sila sa kabihasnan kasi ibayong dagat, wala daw serbisyo ng punerarya. So, kapag may namatay, magtutulong tulong yung mga magkakamag anak na gumawa ng kabaong. Usually made of plywood tsaka cocolumber at kahoy lang. At hindi rin pinatatagal ang bangkay, within 24 hrs kelangan na din ilibing kasi di rin naembalsamo.

So yun nga, namatay yung kamag anak nila bandang gabi na, so inabot na sila ng hating gabi kakagawa ng kabaong. Dahil sa medyo malayo pa pinanggalingan nung ibang mga kamag anak, napagpasyahan nilang tapusin na lang kinabukasan yung kabaong since yung takip na lang din naman yung kulang.

Nung kalaliman na ng gabi, isa sa mga batang pinsan nya ang nakaramdam ng panunubig, nung babangon sana sya para umihi, nagulat sya kasi nakita nya yung bangkay nakatayo at hawak hawak yung metrong panukat. Nakaside view daw yung bangkay sknya, maya maya nagsimulang sukatan nung bangkay yung mga taong tulog. Sa takot ng bata, ipinikit nya ulit mata nya hanggang sa naramdaman nya pati sya sinukatan. Maya-maya, minulat nya ulit mata nya. Laking gulat nya daw ng pinasok nung bangkay yung metrong panukat sa loob ng bibig neto. Sa sobrang takot ay natulog na lang ulit yung bata.

Kinabukasan, nagsidatingan na yung ibang mga kamag-anak nung bangkay. Pero nagtaka sila kasi tanghali na daw pero yung mga tumatrabaho ng kabaong at yung iba pang mga kamag anak nila ay di pa din bumabangon. Kahit anong pagyugyog nila ay hindi daw magising-gising.

Hanggang sa nagkwento yung bata na bumangon daw yung patay kagabi at sinukatan silang lahat. Dahil nga bata pa, hindi sya pinaniwalaan ng mga nakatatanda sakanya. At sinabing baka panaginip nya lang daw iyon. At dahil alam nung bata na gising na gising sya nun, sinabi nyang tingnan ang loob ng bibig ng patay kasi matapos silang sukatan ay ipinasok nito yung metrong panukat doon.

Hanggang sa may isang kamag anak nila ang pinilit na buksan ang bibig ng patay, at nagimbal sila ng makita kung ano ang nasa bibig nito. Nandoon nga yung metrong panukat gaya ng sinabi nung bata.

Iniutos ng nakatatanda sakanila na sukatan ulit yung mga natutulog gamit yung same na metrong panukat na ginamit nung patay. Maya maya pa, paisa isa nang bumagon yung iba nilang kamag anak. At ang sabi pa, nanaginip daw sila na naglalakbay sila at halos pare-pareho ang mga panaginip nila.

Kung hindi dahil sa bata, baka habang buhay na din silang natulog..

Kaya siguro may pamahiin na wag na wag daw iiwan ang patay...

At kwento pa ng Papa ko, dun daw sa same na lugar na yun, kapag daw nakita mo na halos same size ang mga isdang itinitinda, ihampas mo daw ng tatlong beses at saka mo makikita na dahon lang pala iyon at hindi isda..

Minsan talaga may mga bagay na hindi maipaliwanag.

-Bellat

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon