Aswang

287 7 0
                                    


Nakagawian na naming pamilya na umuwi taon-taon sa aming mga lolo't lola sa side ng mama ko para doon magpasko o magbagong taon. nangyari ito noong sinasalubong namin ang taong 2014.

Inutusan ako nila tito kasama ang pinsan kong lalaki na bumili ng alak, by the way itong lugar na binabanggit ko ay sa Quezon di ko na imi-mention yung exact na lugar kung saan sa Quezon noong time na ito kakaunti palang ang tao doon at di pa gaanong civilized yung lugar. Maraming puno, mabundok at madilim kapag gabi dahil wala pang mga street lights probinsiyang-probinsiya talaga ang datingan.

So eto na nga inutusan nila ako para bumili ng alak sinama ko yung lalaki kong pinsan medyo malayo-layo ang bilihan dahil layo-layo talaga ang bahay bago ka makabili dadaan ka muna sa tabi na parang bangin at ang huhulugan mo ay sapa, mapuno at sobrang dilim at tanging flashlight lang liwanag namin

Noong papunta kami wala namang kakaiba, maririnig mo lamang ay mga huni ng kulisap, (fast forward ko na) pauwi na kami dahil nakabili na kami ng pinabibili sa amin medyo ako yung nauuna sa paglalakad at ang pinsan ko ay nasa likuran ko.

Nang biglang nagmadali yung pinsan ko maglakad at sya na yung nasa harapan ko at ang sabi sakin...

"Zeph! Huwag kang titingin sa baba.

Eto na yung sa may tapat ng parang bangin at parang takot na nagwika.

"Zeph! Diretso ka lang sa paglalakad bilisan mo!( pabulong niyang sinabi ito sakin).

Syempre dahil sa masunurin ako tumingin pa rin ako sa baba at bigla akong parang binuhusan ng malamig na malamig na yelo sa nakita ko. May isang pulang mata na papalapit samin pagapang itong palapit sa amin (na-i-imagine nyo ba yung gapang ni spiderman kapag nagapang siya sa pader? ganun na ganun).

Nagsisisigaw na ako pati yung pinsan ko nakisigaw na din dahil sa takot at buti nalang inaabangan kami ni tita sa bungad at agad kaming tinanong kung ano daw nangyari sa amin.

Ang sabi ko may aswang pula ang mata papalapit sa amin.

Simula noon di na kami umuwi sa probinsiya nila mama hanggang ngayon dahil sa pangyayaring yun.

-----------

Nakagawian na ng lola namin na igala kaming magpipinsan tuwing mga bandang 2:00 ng hapon papuntang baryo dahil doon maraming bata at upang makipaglaro. Ang bilin sa amin di kami pwedeng gabihin sa daan kaya may oras lang ang paglalaro namin dahil bago ka makarating sa baryo ay aabutin ka ng 30 minuto kung lalakarin mo lang ito.

Napasarap ang paglalaro namin sa ibang bata sa baryo at inabot kami ng 5:00 mahigit noon at napagdesisyunan ng umuwi na kasama si lola.

Naabutan na kami ng kagat ng dilim sa daan habang naglalakad kami si lola maya't maya ay lingon ng lingon sa mga puno at talahiban (ito yung damo na matataas) at parang may binubulong.

Malapit na kami sa bahay nila lola at paakyat na kami sa bundok ng biglang nagmura si lola ng malakas.

"Peste ka huwag ang mga apo ko!" "Hayup ka makakatikim ka sakin. Huwag mo kong susubukan!"

Sinabihan ni lola yung pinakamakatanda kong pinsan na sa edad 15 na mauna na kami at huwag lalabas sa bahay at si lola ay naiwan pa rin sa baba at nagmumura.

"Huwag mo talaga akong subukan!"
"Baka di mo ako kayanin"
"Subukan mo lang galawin ang mga apo ko!"

At ako naman nakatingin lang kay lola dahil takang-taka ako kung sino ang kinakausap niya.

"Ako ang harapin mo kung matapang ka!"
"Ako ang subukan mo demonyo ka!"
"Hayup ka!"

At para bang bumubulong si lola na parang may binibigkas ba? maya-maya pa ay umakyat na ang lola ko at tinanong ko sya.

"Lola ano po yun? ba't ka nagagalit?" ang tanong ko.

Sabi niya Aswang daw yun. kanina pa nakamasid sa amin at sinusundan kami at ang sabi niya huwag daw kaming matakot dahil nandon sya para bantayan kami at di kami mapapahamak.

Sa susunod kong ikukwento ay yung mga naririnig namin na pagaspas sa kalaliman ng gabi. nangyari ito 2 linggo makalipas at never ko ine-expect na makikita ko itsura ng nilalang na yun.

Zephyrus
Tanza, Cavite

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon