Joyride and Angkas

239 7 0
                                    


Joyride

Hi spookify, I just wanna share my boyfriend's story. Actually, my boyfriend has an ability na makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng ordinaryong mata. Yes, may third eye siya and itong ise-share ko ay isa pa lang sa maraming na-experience at nakita niya.

Yung family niya kasi mahilig mag-roadtrip. And they always go as family or basta group palagi kasama mga pinsan, kapatid, parents even yung mga tito and tita niya and madalas naka-motor. So, one time naisipan naming mag-joyride somewhere in Laguna. From Rizal nagbiyahe kami more or less nasa 3-4 na motor kami with kids na mga pamangkin niya. Umalis kami ng early morning. Okay naman yung naging biyahe namin papunta. Nakarating kami sa falls sa Laguna ng before lunch, may 3-4 hours din siguro biyahe namin. Kumain at nakapag-swim naman yung mga bata. Hindi kami masyadong nakaligo dahil bukod sa dami ng tao that time eh sobrang lamig pa ng tubig as in freezing cold.

Late afternoon, mga 4pm nag-ready na mag-pack up at medyo malayo pa ang biyahe. Nag-decide ang papa niya na sa shortcut kami dadaan. First time ko makadaan doon kasi usually Tanay ang route namin pag nagbabiyahe pa-South. Itong way na ito konti lang ang nadaan pero mabilis since bihira na may makakasabay kang sasakyan. Maganda din yung view kasi halos gilid lang ng Laguna Bay kaya tanaw na tanaw yun. Papa niya ang nag-guide since siya ang nakakaalam ng way na yun. Since medyo late na kami nakaalis ng Laguna, ginabi na din kami sa daan.

Smooth naman yung biyahe until mapadaan kami sa mapunong lugar. Medyo creepy pati kasi walang bahay sa part na yon at talagang madilim dahil hindi naman siya regular route even ng mga private vehicles. And yung boyfriend ko kasi pag nagra-ride kami madaldal talaga siya nag-uusap kami, kumakanta ganun para di siya antukin at hindi din ako antukin (kung hindi nyo naitatanong eh may talent kasi akong makatulog kahit nakaangkas sa motor hahaha pero bad yon! huwag tularan). Pero eto na nga, nung dumaan kami sa part na yon biglang tahimik na siya. Naging seryoso yung jowa ko tapos siyempre medyo nagtaka ako.

Ganito kasi yung position namin, nasa unahan yung papa niya, asawa ng kapatid niya na may angkas din, sunod yung kapatid niyang si Ken tapos yung pinsan niya si Bry (walang angkas), kami yung sweeper. Ang creepy kasi as in para kaming hinahabol ng dilim kasi walang street lights sa part na yon (sinilip ko talaga yung likod feeling strong hahaha!) Grr. Tapos yun nga tahimik siya since nasa dulo kami nagulat ako kasi bigla niyang hinabol si Bry na that time nagwo-worry na kasi parang may something sa motor niya. Tinapatan namin yun tapos sinabihan niya na alalay lang mag-drive at mag-ingat siya. Um-oo si Bry pero siya di pa din siya mapakali. Dun na nag-start magkaaberya yung motor ni Bry. Nawawala-wala na yung ilaw tapos parang nagkakaproblem na sa makina kaya itong si Ken na nasa unahan umalalay na din.

Tinanong ko na bf ko bakit ganun siya tahimik siya pero nase-sense ko na may nakikita siyang kakaiba (isa pa naniniwala kasi siya sa signos, na pag may nakikita siya sa biyahe, may mangyayaring hindi maganda). Ang sabi niya lang sakin may batang nakaangkas daw kay Bry. Walang mukha kasi parang anino lang pero hugis bata. Doon nagtayuan ang balahibo ko at todo talaga pagpe-pray ko na ingatan kami sa biyahe. Ayoko siyang tanungin kung nakikita pa niya kasi natatakot talaga ako. Good thing wala namang nangyari kay Bry. In-inform din namin ang parents niya about sa situation nga kaya alalay nalang din ang takbo nila. Kaso mga ilang minuto pa, yung motor naman ng parents niya ang nagkaaberya, na-flat-an, naiwan kami ng parents niya kasi nagpa-vulcanize pa. After nun wala naman ng naging aberya. Pero parang may something pa din sa jowa ko eh.

Pagkauwi namin, tinanong ko ulit siya kung ano ba talaga ang nakita niya, kung wala ba talagang mukha or something pero sabi niya wala daw mukha pero mas nanindig yung balahibo ko sa sinabi niya na kaya pala parang namumutla na siya eh yung position nung bata, nakaangkas siya sa likod ni Bry pero samin siya nakaharap.

Angkas

Thank you admin at na-post po ang story ko.

Hi guys, this is Yuri and nabasa ko yung mga questions nyo sa Joyride story so I will answer few. Apologies po since I forgot to mention kung saan nakaangkas yung mga bata. Bale 2 po yung kasama naming kids yung isa nasa parents ng bf ko and yung isa na kay Ken naka-ride. May nakaangkas din sa asawa ni Ken na pamangkin nun pero nasa teenage na. And sorry din kasi nakasanayan lang talaga nila na magsama ng kids sa long ride dahil bata palang din sila sinasama na sila (don't judge them please). Medyo sabaw din ako at na-realized ko na 5 na motor nga pala kami hehe di ko nabilang yung samin. And yung way na tinutukoy ko, pwede ding shortcut yun if galing ka ng Real, Quezon.

Actually, pangalawa na po yan sa kwento ng bf ko na na-experience niya.

Ito yung unang beses na nagkwento siya sakin, going to Antipolo pauwi na siya nun, along highway (di ko na babanggitin yung highway baka matakot na kayo dumaan) may part na malayo yung pagitan ng naunang street light sa kasunod. Bigla daw siyang nakaramdam ng lamig (though malamig naman talaga sa part na yon) pero iba daw yung lamig. Pagtawid niya sa kasunod na street light napalingon siya sa shadow niya, and bigla siyang kinabahan kasi nakita niya na may aninong nakaangkas sa kanya. Ang description niya ay babae daw yun na mahaba ang buhok tapos naka-side view yung upo. Halos ilang seconds daw na nakaangkas yung anino kaya mas binilisan niya yung pagda-drive (nagalit ako nung kinuwento nya yun kasi imbes na mag-pray siya binilisan pa niya yung takbo which is nakakatakot knowing na accident prone yung area) hanggang sa nakatatlong street light na, nawala na yung babae. Dun palang siya nagbagal ng pagda-drive. Salamat nalang din sa Diyos at safe siyang nakauwi that night.

And that time sinabi niya nga sakin yung about sa signos thing na naalala ko during our trip pauwi from Laguna kaya sobra-sobra yung takot ko nun. One thing I learned is that always pray kung may biyahe or kung saan man kayo pupunta effective yun kasi lagi kong ginagawa yun before namin bumiyahe para safe ride palagi. Thank you po sa mga naka-appreciate nung story.

-Yuri

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon