Compiled Stories 2

303 8 0
                                    


The Crying Lady

Hi Spookify. I've been a silent reader for a long time and somehow parang bigla ko lang na-feel na gusto kong i-share yung personal experience ko.

I think it's around 2010 nung nangyari ito. Around midnight na yun and I was about to sleep kaso umaatake ang insomnia ko. Dahil nga matutulog na ako nun, patay na ang ilaw. Wala kaming lampshade.

Maliit lang ang kwarto namin. Dalawa kami ng ate ko na natutulog sa kwarto namin. Double deck ang kama at ako ang natutulog sa itaas.

Madilim at tahimik na ang paligid dahil hatinggabi na. Si ate mas maaga lagi siyang natutulog. Yung kwarto namin ay may isang hindi naman kalakihang bintana. Kapag nasa kama ka, bandang kaliwa yung bintana.

Nakapikit na ako at naghihintay na dalawin ng antok. Pakiramdam ko napakahaba ng oras na yun. Kahit anong position ang gawin ko, talagang di ako antukin.

Hanggang sa may marinig akong parang umiiyak. Mahina lang. Hindi kasi ako matatakutin. Ako yung tipo na kapag may weird na nangyari, iniisipan ko muna ng mga dahilan kung bakit ganun ang nangyari. Kaya nung marinig ko yung iyak ang nasa isip ko baka TV ng kapitbahay. Dahil sa katapat ng bintana namin ay kwarto rin ng kabilang bahay.

Hindi ko na binigyan ng pansin. Nakapikit pa rin ako at umaasang antukin. Hanggang sa unti-unti naririnig ko medyo lumalakas yung iyak. Dahil medyo lumalakas na, nabosesan kong babae. Hindi pa rin ako natakot. Ang naisip ko naman, baka naman may nag-away sa kabilang bahay.

Hanggang sa pansin ko lumalakas ng lumakas yung iyak, kasabay ng lakas ng iyak ay biglang pangingilabot ko sa buong katawan at sa di malamang dahilan na pakiramdam ko nakataas na lahat ng buhok ko. Hindi na ako naglakas ng loob buksan ang mga mata ko dahil ginagapangan na ako ng takot.

Tuloy ang iyak, palakas ng palakas hanggang sa tuluyan ng naging palahaw ang iyak.. At sa hindi ko maipaliwanag na kadahilanan, yung palahaw na yon ramdam ko nasa tabi ko lang dahil ramdam ko sa tenga ko!.

Hanggang sa yung pinakahuling palahaw na sobrang lakas dahil pakiramdam ko nakatapat lamang sa tenga ko yung umiiyak na yun, bigla na lang nawala. Kasabay ng katahimikan na yun bigla yung pakiramdam ko para akong binuhusan ng sobrang lamig na tubig.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Iyon ang unang beses na naranasan ko yung ganun. Nung wala na ang iyak at kilabot sa katawan ko, tsaka ako naglakas loob na dumilat. Kinapa ko sa ilalim ng unan ko ang cellphone ko para tignan ang oras.

Eksaktong alas tres na pala ng madaling araw.

-Pinkz

Monde Nissin

Hello admin, gusto ko lang pong i-share yung mga panahong nagtatrabaho pa ako sa Monde Nissin sa Sta. Rosa, Laguna 4 years ago. Napansin ko lang yung mga building don habang nandon kami sa smoking area, may puno don ng mangga na medyo malaki, tapos mapapansin mo yung mga building iniwasan nya yung mga sanga. Nagtaka lang ako kung bakit ganon, hindi ba pwedeng putulin nalang? Kaya nagtanong ako sa operator/regular namin na halos dun na tumanda sa company na yun (50 something ang edad) kung ba't ganon ang pagkakagawa. Tapos kinuwento nya na binalak daw na putulin kaso wala daw nakagawa. Yung unang nag-try gumamit ng powered saw kaso kung hindi daw mapuputol yung chain masisira naman daw yung mismong makina. Ginamitan na daw ng backhoe yung puno kaso nung bubuwalin na daw bigla daw tumaob yung backhoe. Basta parang may pumipigil daw na maputol o masira yung puno na yon. Kung nakapagtrabaho na kayo sa Nissin, mapapansin mo din siguro yon. Tapos nagkakwentuhan pa din kami hanggang makabalik na kami sa line namin, tapos nung nag-oparate na kami puro trouble yung machine namin dahil siguro yun daw yung pinakamatandang machine don. Tapos sinabi pa nung regular namin na may bata daw dun sa taas ng nung machine kaya nag-e-error, nagkatinginan kami nung mga katrabaho namin tapos medyo natakot lang ako pati yung ibang katrabaho namin nung nahalata nyang natatakot na kami ng mga katrabaho ko, sinabi nya na nagbibiro lang daw sya tapos iniba na nya ang usapan. Tapos nilipat nya muna kami sa stickering, dun sa mga cup noodles na pang-export, kasama naming nag-i-sticker yung mga taga kabilang building, habang nag-i-sticker kami biglang tumili yung babae na taga kabilang building tapos umiiyak. Tapos nung tinanong nung mga kasama nya kung bakit, may humahatak daw sa paa nya na batang lalaki. Kinilabutan na kami kasi imposibleng magkabata don, napaisip na lang ako kung totoo kaya yung sinabi nung regular namin o nagkataon lang. Yun lang.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon