WHITE LADYThis experience happened noong 3rd year college ako. Ang subject namin ay F and B-3 ay last subject every Monday & Wednesday, 7:00pm-8:30pm at minsan umaabot pa kami hanggang 10pm kapag may laboratory class kami. Natutuwa kami kapag lab class dahil sa HM Building ang klase namin pero kapag lecture naman ay sa 4th floor main building. One Wednesday, lecture namin and as usual may dalawa o tatlong class na lang ang nagkaklase sa buong 4th floor. Nasa beinte siguro ang bilang ng classrooms. Pagkatapos sa pinakagitna ng floor ay nandoon ang elevator katabi nito ang hagdan, at may dalawa pang hagdan sa magkabilang dulo ng mga floors ng building. Kapag tumungtong na sa alas otso ay naglilibot na ang guards para patayin ang ilaw sa mga classrooms hanggang sa 5th floor. At iiwan ang natatanging ilaw sa pinakagitna ng hallway sa tapat ng elevator. Bawat classroom ay double doors. Isa sa unahan at isa sa likuran. Napasarap sa lecture ang guro namin kaya nilubos niya talaga ang oras kahit na panay na ang reklamo ng iba naming kaklase. Habang kaming magkakabarkada ay pasimpleng naghaharutan sa likuran ng classrooms. Pero napansin namin ang isa naming friend na panay ang tingin sa may pinto sa tapat namin. Kaya napalingon din kami doon. Sa tapat na classroom ay bukas din ang mga pinto at patay na ang ilaw. Kaya ganon na lang ang panlalaki ng mga mata namin nang makita ang isang babaeng nakaputi na nakalutang na paroon at parito sa loob ng classroom na iyon. Talagang tumatapat siya sa bukas na pinto para magpakita sa amin. Hindi kami nun nagpahalata pero inayos na namin ang mga gamit namin para makapag-1-2-3 agad. Dun din lang namin napansin na panay ang tingin ng guro namin sa may pinto sa may harapan. Habang nagle-lecture ay pasimple na rin niyang nililigpit ang mga gamit niya. Mukhang pare-pareho ang nasa isipan namin. Wala namang kamuwang-muwang ang iba naming kaklase sa totoong nangyayari. Panay pa rin ang pagpapakita ng white lady sa kabilang classroom. Sabi-sabi nila talagang nagpapakita ang mga multo sa university kahit pa hindi bukas ang third eye ng isang tao. Nabigla na lang kaming lahat. Oo pati kami, nang malakas na sumigaw ang guro namin nang "Class Dismissed!" saka kumaripas ng takbo papalabas ng classroom. Bwisit. Magpapahuli ba naman kami? E di takbo agad kaso yung isa naming kaibigan ay may pahabol pa siyang sigaw, "May white lady!" Kaya pati ang iba naming kaklase ay kanya-kanya nang takbo at sigawan dahil nagpakita rin yung white lady sa kanila. Ang masama pa, kami ni RJ ang naiwang dalawa dahil sa tulakan na nangyari. Punyeta. Parang isolated na ang univeristy nung oras na yun at mabibilang na lang ang bukas na ilaw. Mabuti na lang ay walang may nahulog sa hagdan sa tulakang naganap. Tapos sa back gate pa ako dapat dadaan papunta sa apartment unit namin habang si RJ ay sa front gate na nasa tapat lang ng main building. Eh ako? Dadaan pa ako sa student lobby area, sa canteen, sa covered court, sa gym, sa parking lot tungo sa back gate! Kaya mabuti na lang hindi ako ganun ka matatakutin kahit na parang may sumasabay sa akin sa paglalakad na nakaputi rin.
ROOFTOP
Ito naman kwento ng kapatid ko.
Nakaugalian na nina Kuya at ng mga kaibigan niya sa boarding house na tumambay sa rooftop ng bh tuwing gabi, minsan inaabot sila ng madaling araw. Nagkukuwentuhan sila at nag-aasaran. Sanay naman ang landlady nila kaya hinahayaan na lang sila nitong mag-ingay sa taas. May boardmate si Kuya noon na babae na itago natin sa pangalang Saddy na anak ng isang sikat na albularyo sa kanilang lugar at kagaya ni Kuya ay bukas din ang third eye nito. Ala una na ng madaling araw ay nandon pa rin sila sa rooftop. Parehong tahimik si Kuya at si Saddy habang yung iba ay nagkakatuwaan pa rin. "Matulog na tayo." aya ni Kuya sa kanila. "Mamaya na. KJ nito. Sabado naman bukas saka pareho naman tayong walang pasok." angil ni Jomar, ang kasama ni Kuya sa kwarto. Madaldal ito at makulit. Nanahimik ulit si Kuya dahil masyado ng mabigat ang pakiramdam niya sa mga multong nakapalibot sa kanila. Hindi niya mabilang kung ilang espiritu ang nasa paligid ng rooftop na nakikisali sa kasiyahan nila. Tila tuwang-tuwa ang mga ito sa nagaganap na kasiyahan. Hinihingal na rin si Saddy dahil parang nasu-suffocate siya. Napakabigat ng mga presensya ng mga multo. Pati hindi lang daw multo ang nakikisalamuha sa kanila ng mga oras na iyon. Napansin ni Kuya ang isang babaeng espiritu na tumabi kay Jomar. Maayos naman daw ang mukha nito. May kalabuan nga lang. Tinitigan nito ang guwapong mukha ng kaibigan ni Kuya. Tila bang manghang-mangha ito sa mukha ni Jomar. Patuloy pa rin sa pagdadaldal si Jomar kasama yung iba at walang kamuwang-muwang na sobrang lapit na pala ng mukha ng multo dito. Sinamaan ng tingin ni Kuya yung multo pero walang epekto. "Baba na tayo." aya na naman ni Saddy pero walang may pumansin dito. "P're, ang lamig." sabi ni Jomar at napayakap sa sarili.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree