Thread of Hairs : True Story (Parts 1-3)

556 22 0
                                    


PART I

Minsan sa ating buhay, may mga bagay na napaka-misteryoso na tila walang kalinawan. Minsan sasabihin ng iba, guni-guni o kathang isip lang natin, na tayo lamang ang gumagawa. Mga bagay na hindi maipaliwanag ng siyensya o ng eksperto. Sa kabila nito, tayo lamang ang tanging makakatuklas ng kakaibang pangyayari.

Hello admin Chai, this is my first creepy story. Itago niyo na lamang ako sa pangalang Isa, 17 years old, grade 11 student sa isang pambuplikong paaraalan dito sa lugar ng Bicol.  Isa ako sa mga nakaranas ng hindi maipaliwanag na pangyayari. Sa unang araw ng aming pasukan alam namin na magiging masaya ito. Yung mga kaklase ko dati, magkakaklase pa rin kami ngayon dahil same strand lang naman ang kinuha namin. Syempre, usual lang ang nangyayari sa first day of school, pero ako yung tipo na tahimik lang sa isang tabi at nagmamasid lang sa mga pinaggagawa nila. Nasa last row ako ng upuan kaya kitang-kita ko ang mga nangyayari sa unahan.

/Fast Forward/
Uwian na non, unang pasukan kaya syempre, makalat 'yung classroom namin at wala pang cleaners, so I decided na linisin 'yung kalat dahil dalawa na lang kaming natira sa room. Habang nililinis ko ang first row, nilagay ko ang headphone ko dahil nakasanayan ko na kapag tahimik ang place ay nakikinig ako ng music. "You'll be safe here-" nang biglang may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, 'yung baguhan na kaklase ko lang pala. Sabi niya, "tulungan na kita diyan" na agad ko namamg tinugunan dahil may kalakihan ang room at medyo matatagalan kung mag-isa lang ako. Pero ang pinagtataka ko ay 'yung nililinis ko ay may mga mangilan-ngilang hibla ng buhok. Mahahaba, maitim at may kakapalan kung ikukumpara sa ibang buhok. Hindi ko naman ito pinansin dahil baka nalagas na buhok lang ito ng iba kong kaklase. Napansin naman ito ng kaklase kong kasabay kong maglinis. May sinabi pa siyang medyo hindi ko naintindihan, na malas daw yon. Hind ko naman ito inintindi dahil hindi ko naman iyon close. Pero ang nakapagtataka lang ay araw-araw may mga hibla pa rin ng buhok kahit araw-araw naman naming nililinis ang aming room. Hindi ko na lang ito inintindi pero ang iba kong kaklase ay napansin na rin ito. Sinabi nila ito sa aming guro, pero, baka sa mga kaklase lang naming babae ito nanggagaling. Pero sabi pa ni ma'am ay huwag na lang itong pansinin bagkus ay linisin na lamang ang mga nakikitang buhok. Bigla pang nagsalita 'yong parang may alam kong kaklase sa mga ganito, bigla niyang sinabi "Hindi ka po ba ma'am nagtataka dahil kahit nililinis naman na po namin ang room tuwing umaga bago pumasok ay parami ng parami ang mga hibla ng buhok?" Imbes na sagutin ni ma'am ang tanong ng aking kaklase ay ngumiti lang ito at tuluyang nilisan ang apat na sulok ng silid na iyon. Nakapagtataka lang talaga ang aming guro. Habang patagal ng patagal at padagdag ng padagdag ang araw, dumarami at may mga hindi na rin kami maipaliwanag na kababalaghan. Ngunit ang mga kaklase kong hindi naniniwala sa mga kung anong kababalaghan ang nangyayari kaya mas pinili nilang isisi ito sa klaklase naming may mahaba, makapal at buhaghag na buhok. Tahimik lamang ito, at sa kanya palagi sinisisi ang mga nalalagas na buhok. Tanda ko pa kung paano nila ito ipahiya sa harap ng aming section at pagbintangan na sa kanya ang mga hibla ng buhok. Kaya sa hindi na makatiis ang isa kong kaklase, si Angelie. Si Angelie 'yong kasama kong naglinis noong first day at ang nagtanong kay ma'am. Lahat ng kaklase naming babae ay kinunan niya ng sample ng buhok at idinikit ito sa isang notebook, bawat hibla ay may pangalan. Tanda ko pa noong ako na ang hihingian niya ng sample ng buhok, sabi ko sa kanya imposibleng ako iyon dahil maikli at medyo gray ang buhok ko. Pero mapilit si Angelie kaya wala akong nagawa kundi ibigay na lamang ang nabunot kong buhok. Bago pa man siya nakaalis ay hindi na ako nag-atubiling tanungin ito kung ano ba ang gagawin niya. Sinabi niya lang na pag-aaralan at ikukumpara niya lamang ang mga nakuhang sample ng buhok. At sinabi niya pa na kung walang buhok ang magma-match dito ay maaring tama siya na baka may kababalaghan talagang nangyayari. Patuloy pa rin ang pagdami at paglala ng mga hibla ng buhok sa hindi maipaliwanag na dahilan. Sinabi ni Angelie na wala sa buhok ng mga kaklase namin ang nagkapareho kaya mas tumindi pa ang kutob ni Angelie na mayroong kababalaghan. Pero ang hindi ko lang maintindihan ay mas lumala pa rin ang pangbu-bully ni (itago na lang natin sa pangalang) Agatha. (baka kasi kapag nabasa niya ito ay malaman niya, pero alam kong hindi naman siya nagbabasa sa page ng Spookify. haha.) Patuloy pa rin ang pambu-bully niya sa mga kaklase namin kahit ang buhok ng iba ay kulot at ang hibla ay straight na maitim. Hanggang isang araw, nabulabog ang section namin dahil hindi matigil sa pag-iyak si Agatha na tila takot na takot. Sinabi niyang walang sinuman samin ang may gawa ng mga hibla ng buhok kundi isang dalagang naka-uniform, kalbo na palaging nagpapakita sa kanya sa silid namin. Akala namin noong una ay gawa-gawa lang ni Agatha ang mga bagay na iyon. Simula no'n, hindi na palaging pumapasok si Agatha. Isang araw, nagpunta ang mga magulang niya at usap-usapan na lilipat na si Agatha ng school dahil kahit na daw sa pagtulog ay ginagambala siya ng babaeng walang buhok. Dahil doon naging usap-usapan ng buong campus ang nangyayari sa aming section. Tila walang pakialam ang paaralan sa mga nangyayari at bukambibig ng ibang guro na guni-guni o kathang-isip lamang iyon. Napansin ko rin na parang pakaunti ng pakaunti na lamang ang pumapasok sa aming room kaya nagpasya ang aming guro na kausapin ang mga magulang namin tungkol dito. Kinabukasan pansin ang pagpasok ng iba kong kaklase pero tulad ng dati, ayan na naman ang hindi maubos-ubos na hibla ng buhok. Kaya nag-usap-usap ang aming guro na tumawag ng albularyo para palayasin kung totoo mang may nanggagambala at para na rin daw sa katahimikan ng mga estudyante. Ewan ko ba pero habang isinasagawa noong albularyo ang ritwal kuno parang natatawa ako kasi parang hindi naman kapani-paniwala ang ritwal niya at sinabi niya pa na lumayas na daw ang masamang ispiritu kaya dapat na kaming maging panatag. So, iyon, pagpasok namin nagulat na lang kami dahil wala na talaga ni isang hibla ng buhok.
Lumipas ang buwan na wala na kaming buhok na nakikita sa aming room pero pansamantala lang pala ang mga iyon dahil mas kagimbal-gimbal pa pala ang mga susunod na pangyayari.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon