Hi admin, I'll be very thankful kapag nagkaroon ng chance na ma-i-post itong story ko. Hopefully!.I'm a graduate of BS Marine Transportation in Sta. Mesa (secret ung name ng school namin hehe) Maritime Campus year 2015. And I'm a female, na kumuha ng course na pang lalaki, pero masaya ang naging buhay kolehiyo ko at pagiging estudyante ko. And gusto ko lang i-share sa inyo ang ilan sa mga naging creepy experiences ko.
This happened when I was 2nd year college. Part kasi ako noon ng Corps of Midshipmen Officers, kaya may mga time na pumupunta kaming mga officers na taga-Manila sa Dasma Campus namin para mag-training. Ang training namin is after class ng Saturday, sasabay kami sa school bus na babalik ng Dasma para doon nga sa Dasma mag-training. So aalis kami ng Manila ng mga 7pm siguro ng gabi makakarating kmi ng Dasma mga 9pm or 10pm ng gabi. Training or drillings siguro kami ng humigit kumulang isang oras tapos kain and then time to sleep na. Kaya mga 11pm nasa barracks na kami para matulog. Noong time na yon, kaming mga 2nd class officer kasama namin yung mga junior namin na 3rd class officer doon sa barracks. Yun ang tulugan ng mga trainees and students. While yung mga senior officers namin na 1st class doon sila sa office natutulog kasi may space naman dun para matulugan nila.
Ang arrangement ng barracks namin madaming double deck hindi ko sure kung ilan lahat yun, pero tansya ko 40 ang double decks, kaya it means 80 ang taong pwede ma-accommodate sa isang room/barracks. (Guys yan lang yung pag approximate ko, pero malaki talaga yung barracks namin. Madaming kadete kasi ang nagte-training lalo na mga graduating students na may MMRP). By the way, that time ako lang yung babaeng 2nd class officer. So ang ka-buddy ko is yung ka-mate ko na lalaki. Every time na lalabas ako at magsi-cr, nagpapasama ako. Tapos magbabantay sila sa labas ng pinto. Kasi ung cr lalakarin mo pa, dahil walang cr sa loob ng mismong barracks. Pero super nagmamadali ako, kasi yung mga batchmate kong officer na taga Dasma Campus madalas magkwento ng mga kamultuhan sa school nila. Syempre haller, nasa Dasma Campus kami, every Saturday night training at dun matutulog and kami lang ang tao sa buong school. ilan lang naman ang mga officers eh, kaunti lang kami. Ang lamig pa ng hangin kapag nasa probinsya diba?. At yun nga sabi ko sa buddy ko, "mate hintayin mo ko diyan sa labas huwag kang aalis diyan! Wag mo kong iiwanan dto!" Sagot niya, "oo mate bilisan mo lang". Sa unang cubicle lang ako pumasok. Pero noong mga time na yon nagmamadali talaga ako to the highest level kasi, alam nyo nman mga lalaki, mahilig mang-trip baka i-prank ako at takutin, tapos maya-maya parang may narinig akong maingay sa likod ng pader ng cr. Na parang may kumakaluskos na ewan. Tapos may mga gamit na parang ginagalaw doon. Inisip ko baka ung ka-mate ko yun, baka i-prank ako. Kaya sabi ko, "Mate! Nasaan kana?" Sigaw ko habang nasa loob ako ng cubicle. Sumagot naman siya, "Bakit, hindi ka pa ba tapos? Bilisan mo naman! Isang timba ba yang ihi mo?" And to my surprise yung boses niya nandun ko pa din naririnig sa unahan, sa may pintuan sa labas ng cr. Putsa! Tapos parang may tao dun sa likod ng pader ng cr na parang may mga gamit na inaayos. Buti nalang hindi ako napatakbo palabas ng cr.
Syempre dedma nalang ako sa nangyari. Hindi ko na sinabi sa ka-mate ko. At habang pabalik naman kami ng barracks, naglalakad na kmi parang ang dami ng tunog ng footsteps (i-share ko din yung about sa mga footsteps na yan. Isisingit ko nalang po.) E dalawa lang naman kami. So nagkatinginan kami. Tpos tumawa. Sabay sabi ng ka-mate ko, "Mate, gago iba ung lamig, kinikilabutan ako" sabi ko naman, "baliw bilisan na natin" tapos para kaming tanga na nagmamadali bumalik sa barracks. (Insert ko lang ito, unang experience ko doon sa Dasma, mga 1st year college pa ko nun. Tatlo kaming magkaka-mate, galing din kaming cr and pabalik na kami ng barracks napansin namin madaming footsteps kaming naririnig. Then sabi nung isa kong ka-mate parang may kakaiba. Sabi ko naman, "feeling ko din" at sagot ng ka-mate ko "parang ang dami nating ksabay ah." Taragis kinakabahan na kaming tatlo. Then dedma lang, baka praning lang kami. Maya-maya iba talaga naglalakad kami bigla kaming humintong tatlo sabay-sabay, tangina may nahuhuling footsteps na nasa bandang likuran namin nanggaling. putsa halos tumambling kami kakatakbo pabalik ng barracks!).And balik na nga tayo sa mismong story, nasa barracks na kami, oras na para matulog pero mga 12:45 na ng hatinggabi, hindi pa kami tulog ng mga ka-mate ko. Ung mga junior namin tulog na. Dahil kami ang senior na nasa barracks, kaya feeling batas kami, panay kami kwentuhan at asaran. Nga pala, ung mga junior namin nun sguro mga 16 sila, tapos kami ng mga batchmates ko nasa mga 12 kami. So 28 kami lahat, kaya bale 14 double decks lang ang ginamit namin. Super dami ng kama na hindi nagamit. Kaya isang hilera lang ang na-occupy namin hindi naman kami hiwa-hiwalay. Magkakatabi lang ang mga double decks, na ginamit namin, hindi pwede ang watak-watak. Ung iba kong batchmate naisip nila, pagdikitin ung tatlong double deck. So nasa gitna ako, puro lalaki ang katabi ko, pero walang malisya yun, kasi brotherhood kami, para kaming mgkakapatid. At sympre sikreto ko, natatakot ako! Haha! Kaya pabor sakin yun. Nagkukwentuhan kami kami about sa mga sawing pag-ibig ng mga ka-mate ko. Maya-maya tulog na sila. Ako kasi may insomia mahirap akong makakuha ng tulog. Nakita ko na tulog na ang lahat bandang 1:30am. patay ang ilaw, may ilaw lang sa labas ng barracks kaya medyo may liwanag sa bintana sa barracks. Kaya kita mo pa din yung kabuuan ng kwarto namin. Maya-maya mga 2am antok na ako, at sa wakas nakatulog din matapos kong mag-soundtrip sa cp. kaso nga lang mga bandang 2:55am naalimpungatan ako. Medyo lutang ako syempre, tapos bumangon ako ng kaunti. Sinilip ko mga kasama ko. Ok naman sila. Tulog at himbing ang lahat. Sabay naisip ko, "may training pala mga cadet ng MMRP ngayon buti nalang ang dami naming kasama at napuno namin ang isang buong barracks. Tapos higa na ulit ako, and check my cp. aba puta 2:59am na. Malapit na mag-3:00am! Saka nagising ng tuluyan ang diwa ko! Nawala ung pagiging lutang ko! GAGO TANGINA! walang training ng MMRP. PUNYETA NA-REALIZED KO , KAMI LANG ANG TAO SA BARRACKS! 28 lang kami at 14 double decks lang ang gamit namin. PAANO NAPUNO NG TAO ANG LAHAT NG KAMA NG DOUBLE DECK? Tangina talaga! Bakit may mga nakahiga sa ibang hilera ng double deck? Puta bakit napuno kami? Saan galing ung mga nakahiga sa 26 pang double decks na natitira? Punyeta talaga yung mga oras na yun. Imagine nung oras na yun may 52 na nakahiga dun hindi naman namin kasama kanina! Bakit naging 80 na kami lahat?. Paksiyet po talaga that time hanggang ngayon kinakabahan pa rin ako tuwing naaalala ko! Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko, bakit ang daming nakahiga sa mga kama? Nakakaiyak sa takot. 'Angel of God' na nga dinadasal ko at 'Our Father' na hindi ko matapos-tapos. Ung ka-mate ko, halos kurutin ko na pareho para magising grabe mga tulog mantika sila. So super pikit ako at talukbong ng kumot kahit alam nyo yung feeling na hindi ka na makahinga sa init ng kumot, tapos naliligo ka na sa pawis dahil sa takot. At hindi na ako nakatulog.Buti na lang 4:30am ang call time namin. At 4:00am gising na mga kasama ko. At pagbangon ko, 28 lang talaga kami. Nakuwento ko sa mga kasama ko pagbalik na namin ng Manila.
Next time share ko din yung iba ko pang experiences.~LadyBarracuda20
Tondo, Manila
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree