Totoong nangyari ito sa dating kapitbahay namin. Nagtatrabaho bilang waitress si Ate Marissa dito sa Recto Manila. Alam nyo naman maraming nagkalat na bar dito na maliliit na bukas pag disoras ng gabi. May isa silang kostumer na matandang lalaki na laging napupunta don sa bar nila tapos eh hindi naman nagte-table ng babae o ano kundi iinom lang ng beer at kakain ng sisig. Talagang regular customer yun don at walang ibang kinakain kundi sisig. Tahimik lang yung lalaki na kakain iinom tapos aalis na hindi gaya nung iba na nagbi-videoke na maiingay na manginginom. Isang gabi dumating yung matanda at umorder ng paborito nyang sisig kaso nung araw na yun natiyempuhan na ubos na yung sisig at hindi na available sa menu. Galit na galit ang matanda at pinagbalingan ng galit si Ate Marissa alam naman daw kasi na palagi sya don sya pa yung naubusan ng sisig. Ginawa ng matanda hinampas ang braso ni Ate sabay mura pa. Umalis din agad ang matanda at binalewala na ni Ate yun dahil normal lang na may customer na ganon ang ugali.Kinabukasan di na nakapasok si Ate Marissa sa trabaho nagsimulang sumama ang pakiramdam nya at nagsusuka siya. Buong araw syang nagsusuka at nanghihina na sya. Isang linggo syang nilalagnat at nagsusuka dinala na sya ng mama nya dito sa malalapit na ospital kaso reresetahan ng para sa lagnat at kesyo baka may nakain lang daw na panis na kaya nagsusuka. Isang linggo ng ganon si Ate Marissa at sa sobrang pagsusuka nya yung balde na sinusukahan nya halos mangalahati na sa dami ng suka nya araw-araw.
Hanggang sa humingi na ng tulong mama nya dito sa aming mga kapitbahay tinuturo na sila sa albularyo na pumunta. sakto naman may tita akong kakauwi lang galing bisaya na magbabakasyon dito marunong yung tita ko na yon. nanghihilot sya sa mga batang maysakit at may mga kaibigan syang di nakikita, yun yung mga tumutulong sa kanya pag nanggagamot sya nanghuhula din sya. nahulaan nya na ako dati nung 2012 pa yun pero nagkatotoo hula nya sakin.
Kwento ko na lang yun next time.So ayun pagpunta ng tita ko kila Ate Marissa una nyang tiningnan ang palad. pinagdikit ni tita kinilabutan kami hindi pantay yung hinliliit ni Ate. iba ang sukat ng kabila naging mas mahaba bigla yung isa pagkaganon daw ibig sabihin may sumasalbahe na sayo na masama.
Tinawas ng tita ko c Ate sa papel lang binuhusan ng langis na dala ng tita ko tapos tinupi ang papel na maliit dinikit sa noo ni Ate Marissa pagbukas ng papel yung natuyong langis nagkorteng muka ng lalaki sabi ni Ate Marissa kamukha nung customer na nagalit sa kanya bago sya magkasakit.
Ginawa ng tita ko binigyan ng pangontra sa kulam o bati si Ate Marissa tapos pinainom ng tubig na may orasyon ni tita tapos pinagpahinga. Ni-check din ni tita yung suka ni ate sa balde dahil nangalahati yung balde sa dami ng suka don napansin ni tita na suka eh may mga halong maliliit na laman n parang sa sisig nga. Sabi ng tita ko yun ang dahilan ng galit ng gumawa kaya yun ang sinusuka ni Ate Marissa.
Kinabukasan unti-unti ng naging ok si Ate Marissa tapos pina-stop na sya ng mama nya don sa work sa bar. Pinuntahan na lang ng nanay nya yung work nya at kinuha ang sahod nya di na bumalik si Ate Marissa don kasi siguradong babalik at babalik doon ang matanda.
Sa mga ayaw maniwala o walang paniniwala sa ganitong pangyayari wala pong pumipilit na maniwala kayo. ako din namn di naniniwala noon eh kaso talagang nakita ko kaya nagbago ang pananaw ko sa ganitong mga bagay.
Sunod ko naman po share eh yung sa Aswang naman po.
Thank you po
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree