PART 1Hi guys! Salamat sa mga nagbasa at naka-appreciate ng story na ibinahagi ko last time (The Cadets). At ito pa yung ilan sa mga katatakutan moments ko noong college. Maiksi lang yung mga ganap dito pero share ko na rin sa inyo.
Dahil nga, part ng pagiging Cadet officer namin sa school, kailangang lagi kaming mas maagang pumasok kesa sa ibang mga estudyante. Kasi magre-report pa kami sa mga senior class officer namin. Kaunting training at kung anu-ano pa. Then one time wala pa talagang tao sa buong school, kundi ung mga guards palang at kaming mga cadet officer, specific yung batch namin, 3rd class na kami that time. Ang start ng mga klase is 7am. Kami nasa school ng mga 6am, minsan pa nga 5:00am/5:30am ang call time naming mga officers. Syempre part ng training namin ang maglinis ng office hehe (ito yung office for training staff and cadet officers). Yun na nga naglilinis kami ng room, at habang naghihintay sa mga 1st class officers or kahit sinong senior namin, panay kwentuhan kami at tawanan, mga anim or walo kami sa office. Maya-maya may napansin akong dumaan sa hallway kasi yung pinto ng opis may salamin sa gitna at kita mo ang dadaan. At yung opis namin na yun is malapit lang sa CR. halos katapat lang papunta ng CR. So dedma baka nag-CR lang yung dumaan diba. Then dumaan ulit pero mabilis yung pagdaan niya na parang hangin. Tapos isang beses pa ulit dumaan. Maya-maya may parang nag-tap ng mahina sa pinto ng office, so taranta kami, kasi baka mahuli kami ng mga senior namin na puro kwentuhan at tawanan ang inaatupag. Dahil mapapagalitan kami ng mga senior namin kapag wala kaming ginagawa sa opis tapos baka sabihing tumatambay kami dun, at for sure yun, mayayari kami at mapapagalitan, so alert kami nag-proper attention, para ma-greet namin yung senior namin kapag biglang pumasok ng opis. Pero after namin marinig namin ung tap sa pinto, e ayun wala namang pumasok. So it means walang tao. Dedma nalang kami.And maya-maya naji-jingle na ako at yun nga, ako lang ang babae sa mga batchmates ko, so sabi ko sa kanila "Mates, CR lang ako ahh". Sakto may dumaan papuntang cr, sakto paglabas ko ng opis natanaw ko pa yung anino ng papunta dun sa cr ng mga babae, kaya sa loob-loob ko, buti nlang may makakasabay ako sa cr, pagpasok ko sa cr, diretso ako sa pinakaunang cubicle. Then medyo sumilip lang ako sa baba ng mga cubicle habang nagji-jingle ako. at sa moment na yun halos muntikang umurong yung wiwi ko, pagsilip ko sa baba ng mga cubicles (hindi po ako namboboso minsan lang talaga curious tayo at gumagawa ng mga weird na bagay), at yun na nga wala akong nakitang ibang paa, so it means ako lang pala mag-isa sa cr ng mga oras na yun. Napaisip ako na may nakita akong shadow ng taong pumasok sa cr bago ako pumasok, kaya naloka ako na walang ibang tao at ako lang ang nasa cr. habang nasa loob ako ng cubicle, ang ingay dun sa kabilang pader ng cr, yung sa cr ng lalaki, parang nag-open ng gripo. Syempre magkadikit lang ang pader ng cr ng girls & boys. So dahil nga wala pang tao sa buong school, kami-kami palang syempre tahimik ang buong lugar, dinig ko yung paggalaw-galaw ng kung ano dun sa cr ng boys at pagtunog ng tubig sa gripo doon. Kaya talaga super madali ako, hindi ko nai-buckle yung sinturon ko. At nagtatakbo na ako pabalik ng office, at nakita ko nandun lahat ng mga kasama ko sa opis. Walang kulang, ibig sbihin walang nang-prank sakin na kahit sino sa mga batchmates ko. Kaya nanahimik na lang ako. Hindi ko na sinabi sa kanila.
Hindi siya masyadong nakakatakot, pero ito lang yung ilan sa mga karaniwang experiences at encounters natin sa mga unknown things na tulad nila. Share ko ulit yung iba pa next time. (part2 soon).
Thanks for reading. And thanks to the admins, esp miss Chai.---------
PART 2
Thanks admin sa pag-post ng mga naunang stories ko. At salamat din sa mga bumasa, at mga nag-comment. Nakakatawa, at nakakatuwang basahin ang mga comments nyo hehehe. Hindi naman talaga nakakatakot masyado ung ibang mga experiences natin, kaya pagtiyagaan nyo nlang po. Tatapusin ko lang muna itong about sa school ko ng college, at saka ko ise-share sa inyo yung iba ko pang experiences.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree