Standing sa Bus

241 5 0
                                    


(Kapit lang girl. Wala na kasing gentleman!)

Fresh na fresh ito.

So 'to na nga, biyahe na kami from Lucena sakay ng bus pauwi. Nag-take kasi kami ng exam doon. Kaming magkakatropa, sa pinakadulo nakaupo since lima kami, para magkakatabi na. Bale apat kaming babae, tas isang tunay na lalaki.

Naka-headset at nakapikit kaming tatlo maliban kay boy, call him Alvin at sa isa naming girl na friend, call her Mimi.

Si Alvin saka si Mimi nagkukulitan, medyo maingay pero sanay na kami. "Cat and dog" kasi talaga yung dalawa. By the way, ang upo namin ay ganito-- nasa pinakagitna si Alvin tas ako sa kaliwa niya at si Mimi ang sa kanan nya. Sa magkabilang dulo yung dalawa pang babae.

So eto na nga yung scenario, mga 1 hour na kaming nasa biyahe nang tumigil yung bus. Don't know why since nakapikit nga ako. Nagmulat kaming tatlo and tinanong ko yung dalawa ba't tumigil. Bumaba daw yung konduktor at ilang pasahero, iihi daw. Tinanong ko pa sila kung wala ba sa kanilang naiihi din, ako kasi ay hindi. Wala naman daw.

So yun, binalik naming tatlo yung headset at pikit ulit. Tapos si Mimi at si Alvin tuloy pa din sa asaran.

Naramdaman ko na lang na tumatakbo na ulit ang bus.

Napamulat ako dahil medyo kakaiba na yung pinag-uusapan ng dalawa. Pinapatayo pala ni Mimi si Alvin dahil may sumakay na babae nung tumigil ang bus. At dahil puno na, standing na yung babae.

Nakakaawa nga yung babae, medyo parang ang putla kasi, buhaghag pa ang buhok at ang dumi ng damit, kulay yellow pa naman. Mukhang galing talaga sa maghapong nakakapagod na trabaho.

Ang kaso ang katwiran ni Alvin, bakit daw hindi yung mga nasa unahan ang tumayo. Eh pagod din sya sa exam.

Napamulat na din yung dalawa pang babae naming kaibigan kasi nga nagtatalo na talaga ng bongga yung dalawa. As in tinutulak na ni Mimi patayo si Alvin. Kulang na lang eh hatakin.

At dahil naaawa na talaga ako kay Ate na ang dami pang bitbit sinabi ko, na ako na lang ang tatayo.

Eto namang si Alvin, tinamaan yata ng konsensya biglang tumayo. At sabi'y sya na lang daw ang magpapaupo. Ewan ko ba kung sinasadya ng tadhana o karma lang talaga. Bigla kasing umalog yung bus. Yung parang may mataas na umbok o humps na dinaanan. At dahil saktong tayo ni Alvin, ayun nawala sa focus, nawala sa momentum. Nawala ang balance. Nadapa, aray subsob si tropa!

Syempre kaming apat nagulat. All eyes on him. Yung konduktor nagbaling na din ng tingin sa amin at feeling ko halos lahat ng pasahero nakikiusyoso na. Tumayo kami ni Mimi para tulungang itayo si Alvin. Nagpipigil ng tawa. Sabay tanong kung ok lang sya. Lumapit na din yung kundoktor at nagtanong kung ok lang daw ba at kung bababa na ba.

Yung kaibigan namin sa tabi ng bintana sa kanan ang sumagot ng hindi. Tapos umupo na ulit kami.

Mag-e-explain na sana si Mimi sa konduktor kung bakit tumayo si Alvin nang bigla naming maalala yung babae. As in nanlaki ng bongga ang mga mata namin.

Tumigil ba yung bus?
May pumara ba?
Sa bintana ba dumaan yung babae?

Ikot yung mata namin kahahanap. Grabitii. Wala na yung babaeng nakadilaw sa bus. Wala na. Wala na yung nakatayong pinagtatalunan namin.

Nganga kaming apat na napatingin sa konduktor.

Binasag nung konduktor yung katahimikan namin. Tinanong nya kami, ano ba daw ang gusto naming sabihin. Syempre walang gustong magkwento na may babaeng nakatayo dun kanina na biglang nawala. Masabihan pa kaming baliw.

Tapos umimik ulit yung konduktor. Nakita ba daw namin. Nakita ba daw namin yung babaeng nakadilaw, duet pa kaming nagsabi ng oo. At kung kaya daw ba tumayo si Alvin e para paupuin yun. Syempre oo ulit sagot namin.

"Pinaupo ko sya dun sa unahan, kasya naman ang tatlo. Sige na mahaba pa ang biyahe."

Nakahinga kami ng maluwag. Akala namin kung ano na. Hanggang makarating kaming lima sa unang terminal walang nagsasalita. Yun pala, pare-parehas na kaming may ibang nararamdaman. Kami lang palang lima ang bababa dun sa lugar na yun. Hindi naman sya tunay na terminal, babaan lang ng bus sa bayan na yun. Pagkababa namin, lahat kami takot na takot na nagtinginan at sabay-sabay kaming apat ng sinabi..

"Sinilip nyo ba yung babae sa unahang upuan? Wala doon! Wala namang nakaupo doon na babaeng nakadilaw eh!"

Wala ulit gustong magsalita at kumilos. Kumapit sakin ng mahigpit yung isa naming babaeng kaibigan. Yung sa biyahe pa lang eh wala ng imik. Sadya kasi yung tahimik kaya walang dapat ipagtaka. Pero this time, nanginginig siyang nagsalita. Sabi nya, yung babae daw na nakadilaw na pinag-uusapan namin, yung nakatayo daw na sinasabi namin, una pa lang daw eh hindi na nya nakikita. Hindi nya daw magawang sabihin samin dahil takot na takot na siya dahil may nakikita kaming di nya makita.

Sa sinabi nyang yun ngatog lahat ang tuhod namin. Napaupo kami sa may antayan ng pasahero. Pagkaupo namin may lumapit samin, nag-aalok ng traysikel. At dahil tuliro pa mga utak namin sa takot. Halatang-halata sa mukha namin ang nerbiyos. Nahalata yata ni kuyang driver, kaya nag-usisa siya. Ano daw ba ang nangyari samin. Si Alvin ang sumagot. Naengkanto po yata kami sa bus na yun, sagot nya. Kung yun daw bang bus na tumigil kanina sabi ni kuya. Malamang oo.

Tapos nagkwento na siya.

Kaibigan daw niya ang konduktor nun. Madalas daw kasing tumigil yun doon sa babaan na yun. Ang hilig nga daw sa yosi eh.

Naikwento na daw nun sa kanya na may kababalaghan nga daw sa bus na yun. Lagi ang tinutukoy ng mga nakakakita e babaeng nakadilaw.

Syempre nung sinabi ni kuya yung babaeng nakadilaw naalerto kaming lahat. So sunod-sunod na tanong namin. Ang pinakanatandaan lang namin sa sinagot ni kuya ay...

Sadya daw nakikisakay yung babaeng nakadilaw na yun. Nagpapakita talaga sa magbabarkada, kagaya namin. Nanunubok kumbaga. Tinitingnan daw kung may tatayo para paupuin siya. Mabuti na lang daw at tumayo kami para paupuin yung babae dahil kung hindi baka daw naaksidente kami. Ganoon daw kasi ang nangyayari pag inisnab si ateng naka-yellow, naaaksidente daw yung bus. Ayaw lang daw siguro kaming takutin nung konduktor kaya nagsinungaling na lang sa amin.

*******

Kaya kayo huh, magbigay kung kaya naman. Hahayaan mo bang tumayo ang isang matanda habang ikaw ay nakaupo lang? Titingnan mo lang ba ang matandang hirap na hirap tumawid sa pagitan ng mabibilis na sasakyan? Masisikmura mo bang sipsipin ang tsokolate sa plastic cup na hawak mo habang may nakatingin sayong bata na walang tiyak na malinis na iinuman? Matitiis mo bang mag-fb ng mag-fb lang habang ang iyong ina na pagod galing sa trabaho ang naghuhugas ng inyong kinainan?

Aantayin mo pa bang makita siya?

-BLAYT-

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon