Una sa lahat hindi ako matatakuting tao. Pero iba yung na-experienced ko kanina.Grab Driver ako ngayon. 11:44pm may pick-up ako sa BGC TAGUIG, ang type ng booking ay 6 Seater. Sumatutal lagpas sila sa tatlo or apat.
Okay pinuntahan ko ang pick-up location. Na-pick-up ko na sila. Puro babae sila walang lalaki. Binilang ko sila nung sumakay hindi ako nagkamali anim sila "Oo, ANIM (6)" lahat sila. Ako nag-ayos ng upuan para makaupo sila ng maayos mula sa likod, sa gitna, okay na, nakasakay na lahat. ako si driver gagawin na ang trabaho na maihatid sila ng maayos sa kanilang destinasyon.
ADMU - University Dormitory, sa Katipunan. Habang na-biyahe kami medyo maiingay sila nagbibiruan. After 10mins tumahimik na lahat, galing gimikan pagod. Ako focus sa. pagda-drive. nung makarating na kami sa Destination Entrance Gate may Guard na kinuha mga I.D. namin para i-log. Okay na papasok na kami sa Dormitory. napansin ko na medyo seryoso na sila lahat mag-usap walang biruan oh nagtatawanan. Mahaba-haba din ang binaybay namin para marating yung tower nila na tinutuluyan. Nung nakarating na kami bumaba ako ng sasakyan para pag buksan sila ng pinto at ayusin yung mga bangkuan sa loob ng sasakyan para makalabas sila lahat. Binilang ko sila ng dalawang beses dun nag-start na medyo tumayo ang balahibo ko, LIMA (5) lang sila! Di na ako nagtanong. Tapos sinasabihan nila ako na kuya ingat ka pauwi aah. Medyo may kakaiba sa pagsabi nila ng ingat. Di ko na pinansin yun. Important sabi ko makalabas na ako ng Dormitory na yun. Sobrang iba pa yung itsura ng Dorm, medyo may kalumaan na at sobrang dilim. Walang mga tao bukod sa mga guard na layu-layo ang posisyon. Nung nasa bandang kalagitnaan na ako nung daan palabas. Sinubukan kong suotin yung HABAK na gabay na galing sa isang kaibigan. Walang masamang maniwala sa kakayahan nun. Mas lalo akong kinilabutan dahil uminit yung HABAK. Base sa paliwanag sakin na kapag uminit yun may kakaiba sa paligid. Sabayan pa ng biglang bumigat yung batok ko sobra. Parang may nakadagan. Putsa 'di na normal' sabi ko. Nung napatingin ako sa likod gamit salamin (o rearview mirror). Maluh-luha ako. May sakay pa ako na isang BABAE sa pinakalikod. Harurot ako sabay busina. Dalawang beses ko tinanaw, dalawang beses ko nakita. Pero walang mukha. Nung palabas na ako malapit na sa Exit sa Guard. Kinausap ako bakit nagbubusina ako. Sabi ko "Sir may kasama pa ba ako sa likod?" Sabi nya "Bakit?" Sagot ko "Sir, may sumasama sakin palabas dito." Sabay sabi ng Guard "Hindi na bago yan dito. Marami ng ganyang kwento dito. Dahil bago ito maging Dormitoryo ay dati itong SEMENTERYO." Tangina lalo tuloy akong kinilabutan. Sabi ko "Sir, ilan ni-log mo saka kanila?" Dahil gusto kong makasigurado. 'Anim (6) daw'. Sabi ko "Anim (6), kasama ako?" Sabi nya "Oo anim kayo lahat sa sasakyan. Sumatutal sakay ko Lima 5 lang?" "Oo Lima lang." Putangina ayoko ng bumalik dun. Sobrang Creepy!
Grabe yung experience na yun.
Di ko na nagawang humawak ng cp para kuhanan kung anuman yung nakita ko. Dahil ikaw din kung nasa sitwasyon ko, hindi mo na magagawang humawak pa ng cp.
At yun share ko lang yan. Nangyari yan kanina, mga past 12mn na. Hirap makatulog nito. PRAY LANG.#GrabDriverExperience
09/11/19ctto:LouieSimbriaReyes
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree