Alabang BPO

212 5 0
                                    


Hi. Trainee po ako sa isang BPO sa Alabang. Ewan ko kung dito ba ko dapat mag-send e. Nakakatakot na kasi. Not a good writer, (may issue sa probing at rapport), so please bear with me. So describe ko muna ung building para ma-imagine nyo. Sa 9th floor training room namin. Then nasa 8th flr ung locker ko. Ang ginagawa ko kasi e pag open na ung elevator kahit paakyat e sasakay na ko para di mag overload pagbaba sa 8th flr (hanggang 9th flr lang kasi).

So eto na nga. About sa elevator. Tapos na shift ko. Punuan as usual. Pagpasok ko may feeling na hindi tama. Kinakabahan ako. Hindi ako takot sa enclosed spaces so no reason para kabahan diba. Then nag-decide ako na lumabas na lang at maghagdan. Nakaka-5 hakbang pa lang ako palayo sa elevator. May lumagabog. Ewan ko kung ano basta sumigaw yung mga tao sa loob ng elevator pati na rin mga nasa labas. So, good thing na lumabas ako.

Then, this one, 2 weeks ago lang yata. Elevator pa rin. Pagsakay ko sa 8th umakyat pa-9th. Nagpasukan na mga tao, tapos overload. E group of girls ung last na pumasok, 4 sila, mukhang new hire sila. Lumabas ung 2, e di okay na di na overload. Dahil nga grupo sila, sumunod pa yung 1, tas sumunod din ung 1 pa. Pagtapak na pagtapak nung last girl, sumarado ung pinto ng elevator, as in malakas. So lahat kami nagulat, napasigaw. At boom. Na-stuck kami. Yes. Oo. Stuck. So mga tenured na kasama ko sa loob. Pero mas grabe, kung nahuli lang ng step ung girl, baka naipit sya. As in. So eto na. Mga tenured, pressing the alarm. Calling for help. And at last! After the longest 5-10 minutes of our lives e nabuksan din. Lahat kami nakaharang ung kamay sa may pinto ng elevator every time na may lalabas samin. Nakaka-trauma din ng konti. Pero fault talaga ng elevator. Sana regularly chine-check naman or calibrate or whatsoever na term basta ayusin.

Next e sa restroom. Breaktime. Yes we are informed about Junjun. But that time, 2 kami ng wavemate ko sa loob. Nag-aayos ako ng buhok ko that time. Dun ako nakaharap sa salamin sa ibabaw ng lababo. Then sa left side ko, may salamin na malaki. Yung kita whole body ganern. So habang more chika, more fun kami. May nakita ako sa peripheral vision ko. May something na nagalaw dun sa may salamin. Parang black na something tas sinisilip kami tas mawawala tas sisilip ulit. Hindi ako sigurado. Alam ko lang kulay itim. Imposible kasi kita ko ginagawa namin nung kasama ko. So napatingin ako sa left ko. To my surprise, wala naman. So sabi ko sa kasama ko, tara na balik na kami. Pinipilit nya ko na kung ano daw ba yun, kung bakit daw ba, ano nakita ko. Again. Hindi ako sigurado sa kung anuman yon.

Last. Well, eto recently lang. Sa sleeping quarters. Sa 9th flr muna. Graveyard shift ung training namin. Since di pa ko masyadong sanay. Antok na antok ako. So I tried muna matulog. Pasok na ko sa loob. Dim light. Malamig. 2 lang ang tao na nakahiga. So ako, dun ako pumwesto sa pinakadulong part which is katabi ng pader. Paghiga, tulog. Then naalimpungatan ako kasi parang nagse-shake ung kama ko. Yeah. Shaking. Tapos may tao na sa katabi kong bed, nagre-ready pa lang ng kumot, jacket, etc. nya. Gusto ko syang tanungin kung nalindol ba? Kasi nagse-shake talaga. Tapos pinapawisan ako. Bumangon ako. Umupo saglit. Sh*t. Hindi nalindol. E di lumabas na ako. Okay naman. Walang unusual. Pero dahil antok pa rin ako, sa 8th flr na sleeping quarters na ako natulog.

Yan lang muna for now. Wala pang nadadagdag e. At sana wala na. Hindi ko kasi alam kung bakit ako nakaka-experience ng ganito. Sabi ng wavemates ko, baka lapitin lang talaga ako. Well, baka. I do have a different story about dun.

So ewan ko kung nagpo-post ba kayo ng ganito o hindi. Gusto ko lang i-share. So just in case lang. Please, hide my identity. Thank you so much!

Lens
Alabang

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon