Paranormal Investigator : Blackhat (Part 1)

395 10 0
                                    


Share ko lang journey ko as a Paranormal Investigator. Back in 2009, I was 16 years old that time isa akong college student sa isang di kasikatang paaralan. Nung taon ding yun doon ako nagsimulang ma-involved sa paranormal. Nag-umpisa sa pagbabasa ng mga nakakatakot na libro, hanggang sa na-engage sa internet forums about Paranormal. Ginagawa kong magbukas ng isang site sa loob mismo ng aming computer laboratory kahit sa oras ng klase. Alam ko ang password ng internet access dahil SA ako sa school namin that time. Hanggang sa marami akong knowledge na natutunan. Naging beterano kumbaga hanggang maging 17 years old ako. Nung 17 years old ako nakilala ko ung isang babaeng itago na lang natin sa pangalang Ate Sha. Isa syang writer ng books na inilalathala ng PSICOM Publishing at isa ring sikat na psychic na iniimbita sa mga Halloween special sa TV programs. Nung time na yun ginagalang na ako sa site na sinalihan ko dahil marami na akong alam. Gusto ko namang patunayan sa sarili ko ang mga nalalaman ko dahil hindi naman talaga ako nakakakita ng mga multo. Sabi ko nga, "to see is to believe." Kaya ang ginawa ko minessage ko si Ate Sha.

Sinabi ko na gusto kong makakita ng multo. Gusto kong mabuksan ang ESP ko (third eye). Sinabi nyang hindi na bago ang tanong ko. Lagi daw syang nakakarinig ng ganung tanong at sinabi niyang kailangan kong patunayan sa kanya kung bakit ako karapat-dapat. Ito ang sagot ko "Sa napakasimpleng dahilan, gusto ng iba na makakita ng multo dahil, 'cool daw.' dahil gusto nila magkaroon ng kapangyarihan o maging unique. Iba ako sa kanila, kaya gusto kong makakita ay gusto kong patunayan sa sarili ko yung knowledge ko about paranormal. Paano ko mapapatunayan kung hindi ako nakakakita ng multo?".

Walang atubiling may itinuro agad na ritwal sa akin si Ate Sha. About ito sa psychic shielding. Sinabi ko na hindi iyan ang gusto ko. Gusto kong makakita. Ngunit sumagot sya na bago ako makakita ng multo, kailangan kong pag-aralan muna ito. Sumunod naman ako.

Ginagawa ko ang ritwal kapag may free time o walang ginagawa sa bodega ng school. Kapag may nakakita kasi ay siguradong mapagkakamalan akong baliw. Araw-araw yun hanggang sa ma-master ko sa loob ng isang linggo. Minessage ko agad si Ate Sha dahil tuwang-tuwa ako na nagawa ko nga, Nagulat sya. Bago daw ma-master yun ay isang taon ang bubunuin. Nagulat din ako sa sinabi nya, na simula daw sa araw na un ay personal mentor ko na sya.

Nagkaroon ng Cosplay event ang PSICOM. Sinabay namin sa forum ang aming Grand Eye Ball. Andun din sila Ate Sha. Pagdating ko sa venue ay ang sama ng tingin sa akin ng isang lalaki, si Carl. Pinakilala ako ni Ate Sha sa iba pang naroroon. Ang iba ay member ng paranormal group nya, ang iba ay cosplayer na kasama namin sa forum at mga simpleng miyembrong katulad ko. Kasama ko din ang dalawa kong kaibigan. Pagtabi ko kay ate ay nakaka-drain. First time kong makasama ang isang malakas na psychic. Pinakilala nya ako na may kakaiba daw sa akin. Ayaw daw nila akong mapunta sa ibang grupo dahil may kakayahan daw ako na wala sa iba at delikado kapag natutunan ko. Hindi ako naniniwala. Gusto ko ngang matawa noon. Pero di ko ginawa. Maganda ang kwentuhan hanggang sa sinabing magbubuo daw ng bagong grupo na kailangan sa Misteryo. Kasama ako sa mga sinali sa grupo at isa sa dalawa kong kaibigan. Nangyari ito bago mabuo ang grupo nila Anna at Sir Alex (BTW si Sir Alex ay mentor ni Ate Sha at affiliated din sa amin). Hanggang sa mag-uwian na. Pumunta muna kaming CR ng mga friends ko bago umuwi.

Kinaubukasan nag-log in ako sa forum at nabasa ko ang message ng mga ka-forum ko na ang sama-sama ko daw. Syempre nagulat ako kaya tinanong ko ano ang nagawa kong mali. Kinulam ko daw ung isa naming kasama si Johnny. Nagulat ako dahil wala akong alam sa pangungulam that time. Pinilit ko yun hanggang sa umamin sila na joke lang daw un. Sabi pa ni Jan (isa pa naming member) ay bilib sya sa akin. Malakas daw ako na psychic dahil kinulam daw ako ng leader namin na si Jay gamit ang palipad hangin pero imbes na ako ang tablan ay nag-bounce back daw ito at ang tinamaan ay si Johnny. Binuhat daw nila si Johnny pababa at palabas ng SM Megamall. Para daw silang nagbuhat ng Krus hanggang labas to think na maliit na tao si Johnny. Doon nag-start ang journey ko as one of the leaders ng group.

Marami kaming napuntahan na haunted places at maraming tao ang natulungan. Ako ang nagsilbing spokesman ng group maliban sa isang episode ng Misteryo na kasama ako dahil sa inis ko sa isang crew.

Doon din naranasan kong makakita ng batang pumasok sa isang istatwa, may kasamang makakita ng multong nakadamit ng guardia civil na tumagos lang sa gate, pinag-aralan ang multong nagsu-suicide sa simbahan at makakita ng babaeng kasabay na tumatakbo ng van kahit nakaupo at nakangiti. Ngunit hindi tumagal, umalis ako sa grupo ko sa kadahilanang kamuntikan na akong mabaliw. Gusto mo bang malaman, request mo muna.

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon