Hello po ulit admins! Sana po ma-post, thanks po if ever!."Curiosity kills"
Yan na ngayon ang isa sa mga kasabihan na papaniwalaan ko habangbuhay. Dati kasi "To see is to believe". And that was one of the biggest mistakes I ever had. Bakit? Well, here's my story.
Itago nyo nalang ako sa pangalang Kate. I'm 19 years old and masasabi kong adventure seeker ako. Ako yung tipo ng tao na di mag-aaksaya ng 1minute of my life para lang ma-bore. Isa sa reasons yun kung bakit traumatized pa rin ako. So here it goes.
Taga San Jose del Monte Bulacan ang boyfriend ko and I'm just from Caloocan, so boundary lang at magkalapit lang naman. Lagi akong bumibisita sa kanila kasi medyo nakakatuwa lang, province style kasi sa kanila. At bilang isang dakilang ignorante tuwang-tuwa akong makakita ng mga kalabaw at baka sa bukid (puro kasi askal at pusa lang ang nakikita ko samin). So ayun na nga until one day, di ako na-satisfy na matanaw lang ang mga kalabaw at baka. Gusto ko na silang malapitan. Inaya ko si boyfie na pumunta ulit ng bukid. Narinig yun ng lola nya. At agad-agad kaming binawalan na pumunta dun. Bagay na ikina-curious ko. Tinanong ko sa BF ko kung bakit at saka sya nagkwento.
NV:
Me: Bakit ayaw tayong papuntahin ni lola sa bukid? Private property ba yun?
Him: Delikado kasi
Me: May rapist? Holdaper? Psh. Di naman siguro yan! Duterte na kaya tayo.
Him: Iba kasi yun babe. Basta di mo gugustuhing makita.
Me: Ano nga kasi?! Babe naman eh! Parang tanga. Ano nga?
Him: Tsk. Dahil dun sa babaeng baliktaran. hays.
Me: (Nagpipigil ng tawa) Ano? Hahahaha!! Babaeng what? Doble kara? Anong klaseng excuse yan? Hahaha.
Him: Diba napansin mo naman na sa gitna ng bukid may kubo? At yung kubo na yun ang bahay ng babaeng baliktaran.
Me: Eh ano naman paki ko don? Yung mga kalabaw lang naman titignan ko dun eh! Tsaka tao lang naman yun!
Him: Hays.. Diba nakwento ko na dati sayo na maraming namamatay dito samin malapit sa bukid?
Me: Oh? Ano naman?
Him: Lahat ng namatay na sa bukid natagpuan, puro kalmot lahat sa parte ng katawan. Luwa ang mata at nakapilipit ang ulo patalikod. Nung una akala ng lahat napagtripan lang ng mga adik. Hanggang sa may nakasaksi sa nakakakilabot na patayang naganap. At kumalat yun dito sa buong pabahay at kinatakutan na ng lahat ang pumunta sa bukid ng gabi.
Me: Eh malay mo naman adik lang yung nakakita?! Nagpapaniwala ka dun. At ano naman connect nung babaeng baliktaran dun?!
Him: Sabi nila, pag pumunta ka sa bukid ng dis oras ng gabi bago pumatak ang alas dose, sa kubo sa gitna ng bukid may isang babae. Makikita mo syang nakatalikod at pag naramdaman ka nya, magbebend yung katawan nya, parang gagambang nakabaliktad. Nakakahindik ang itsura nito. At hahabulin ka nito.. At syempre pag naabutan ka nya, isa ka na sa mga nabiktima nya. Sobrang nakakatakot nun babe, kahit di ko pa napatunayan ayoko na rin i-try.
Me: Masyado kang nagpapaniwala sa ganun! 20th century na tayo! Di na uso yun, ano ka ba?! Gusto mo pustahan pa tayo eh! Haha, puntahan natin yang sinasabi mo. Para mapatunayan ko sayo na bata nalang ang dapat ginaganyan nila.At yun na nga nagpumilit ako sa BF ko na puntahan yun. Ayaw nyang pumayag kaya nag-walk out ako at nagsabing kung ayaw nya, ako nalang mag-isa. Alam ko naman kasi na di ako matitiis ng mokong na yun. So ang ending pumunta na kami sa bukid. 11:48 pababa pa lang kami sa bukid. At tanaw na tanaw ko ang kubo na tinutukoy nya. Habang ako nama'y excited dahil alam kong mapapahiya itong BF ko mamaya, sya naman kabado. nagpupumilit pa rin syang huwag ng tumuloy pero di ako nagpapigil. Naglakad na kami diretso sa kubo at ito na ang sumunod na nangyari. Pagpasok namin ng kubo.
NV:
Me: Oh see? Walang tao diba? At kahit yung babaeng baliktaran na tinutukoy mo wala. So panu ba yan? Hahahaha! Masyado kang mapaniwalain kasi!
Him: Oh tara na uwi na tayo! Oo sige na, ikaw na ang panalo! Tara na!.
Me: Wait lang naman! Agad-agad? Masyado kang kabado eh! Asan na yung kinatatakutan nyo?! Papa-picture lang ako. Hahaha.
Him: Babe! Tara na kasi.. Ano ba.
Me: Oh bakit napatigil ka?!
Him: Sssshhh!! Pabulong (Di mo ba narinig yun?)
Me: Narinig ang alin?!Napatigil kaming dalawa sa kakaibang tunog na yun. Parang pintong umiingit, parang kahoy na nababali. At maya-maya pa. sandaling katahimikan. nakarinig kami ng ungol. Eenngggkk. eeenngggkk. Sa sobrang takot namin kumaripas na kami ng takbo palabas sa kubo! Halos magkadapa-dapa na ko sa paghila sakin ng BF ko at lumubog pa ang paa ko sa putik. Dahilan para mapatigil ako, pagkalingon ko sa likod. halos di ko kinaya ang nakita ko. May nakita akong babae. Nakatalikod sya.. At nagulantang ako sa sumunod na nangyari. Yung babaeng nakatalikod dahan-dahang bumebending!! As in parang inaabot nya yung lupa gamit ang kamay nya kaso patalikod. Nagtutunugan lahat ng buto nya na parang nababali. Napako ako sa aking kinatatayuan. Akala ko yun lang. Pero mas nakakakilabot pa pala nung nakita ko ang ulo nya!! Halos ga-pisngi na ang sakop ng mata nya. Itim na itim! Halos wala akong makitang puti! At wakwak sa laki ang bunganga nya habang nakalawit ang mahaba nyang dila! Maya-maya pa'y gumapang na ito papunta sa direksyon namin! Sobrang bilis! Nataranta na kami! Halos maiyak na ako sa sobrang takot. Hinila ako ng BF ko at tsaka sya nagsalita.
Him: Wag tayong tumakbo ng diretso! Dapat pa "S" yung takbo natin! Pa-zigzag! Maghiwalay tayo ng direksyon para di nya tayo mahabol!
Me: Ayoko babe! Ayoko please! Ayoko pang mamatay! Wag mo akong iwan!
Him: Babe kailangan nating maghiwalay muna ng direksyon! Akong bahala sayo. Magtiwala ka sakin. Mahal na mahal kita!Halong takot at kaba na, pero no choice, kailangan naming maghiwalay ng direksyon. Tumakbo ako tulad ng sinabi nya, pa "S" di ako dumiretso. Naramdaman kong nagdadapaan na lahat ng talahib sa likod ko kaya wala na kong nagawa kundi magdasal. Yun na lang ang kaya kong gawin, nagsisisi na ako. Sana pala nakinig at sumunod nalang ako. Sana di na ako nagpumilit pa, naririnig ko na ang ungol nya dahil sobrang lapit nya na sakin, nanghihina na yung tuhod ko. Nang biglang may humablot sa kamay ko at hinila ako sa gilid! Nakadapa kami ng BF ko sa mga talahib sa lumang gulong. Tinakpan nya ang bibig ko.
Nakikiramdam kami sa paligid. Sumaglit pa ang katahimikan nang bigla syang umungol ng sobrang lakas! Dahilan para kumaripas kami ng takbo. Takbo, takbo, yan nalang ang nagawa namin. Nang may matanaw kaming bahay na may ilaw, halos kalabugin namin ang pinto sa sobrang takot at kaba! At pinagbuksan kami ng pinto ng isang ale, takang-taka sya kung anong nangyari samin. Sa sobrang takot di kami makapagsalita at puro iyak nalang. Nang may maramdaman kaming parang kahoy na nababali ulit, agad na sinara ni ate ang pinto at pinatay ang ilaw. "Wag kayong magsalita o gumawa ng kahit na anong ingay. Aalis din yan" Pabulong nyang sabi. At ganun na nga ginawa namin. Sandali pang katahimikan at nawala na ang tunog. Dun na kami pinagpalipas ng gabi ni ate.
"Bukas na kayo umuwi pagsikat ng araw. Magpahinga na muna kayo diyan"
Kinabukasan kinuwento namin sa kanya ang lahat. Pinagsabihan nya kami pagkatapos mag-agahan. Sobrang thankful kami sa kanya. At nagpaalam ng uuwi. Di na namin nakwento sa parents ni BF ang nangyari, dahil alam namin na mapapagalitan lang kami. Isinikreto namin ang nangyari. At nangakong di na ulit pupunta dun. Nagsilbing lesson sakin ang nangyaring to. Simula noon, ayoko na ulit ma-curious sa mga bagay-bagay. Wala namang masama kung paminsan-minsan ay sumunod ka sa
babala at makinig sa mga nakakatanda. Dahil pabalik na sila, papunta pa lang tayo.A reminder sa mga teenager na katulad ko. Di masamang mag-seek ng adventure, know our limitations lang. Yun lamang! At salamat sa pagbasa!
EivedK
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree