Jollibee

553 16 0
                                    


Hello spookifiers and admins!! It's my first time to share a creepy story. Di man ito kagaya ng iba na sobrang nakakatakot but, for me nakakatakot pa rin. Babae pala ako fyi.
Ito na sisimulan ko na. Wag atat okay?. Hahaha.

Nagsimula ito nung last month lang (September 2017) Fresh na fresh pa besh. Kasama ko ang kapatid kong bunso namin. Pauwi na kami nun galing school. Sasakay na sana kami ng tricycle pero gusto niyang daan muna kami sa Jollibee, bibili daw siya ng Float. (Paborito niya yun.) So ako naman walang magawa kasi naglalambing. Kaya ayun pumayag nalang ako kasi kailangan ko ding gumamit ng restroom. Nasa loob na kami ng Jollibee sabi ko kaagad sa kanya na punta muna ako sa restroom. Ayaw naman ni bunso magpaiwan kasi di niya alam paano um-order (nasanay kasi kami na si mama lagi umu-order kapag kakain kami sa mga fastfood) kaya tinuruan ko siya kung pano. Ayaw niya pa rin kaya sinama ko nalang siya.

First time ko mag-cr sa fastfood na yun kaya nagpaturo ako sa kanya kung nasaan ang restroom. Alam niya cr dun, kasi nag-cr na siya dati dun.
Pagkabukas namin dun, makikita mo kaagad ang dalawang cubicle. Yung isang cubicle may tao. Kaya dun ako sa isa. Yung kapatid ko nag-aantay lang. Nag-poopoo ako kaagad. Habang nagpu-poopoo na ako. Sinilip ko ang katapat ko na nagsi-cr rin. Paa lang ang nakita ko pero parang lalaki ang laki kasi ng sapatos niya tapos converse na red pa. Tapos biglang tinawag ako ng kapatid ko.

Non-verbatim.

Bunso: Ate bilisan mo naman! (Pasigaw)
Ako: Wait lang nag-poopoo pa ako eh!.
Bunso: Sa labas nalang ako maghihintay ah?
Ako: Sige

Natagalan ako kasi sakit ng tiyan ko.
Habang ang sa katapat ko lalabas na.
Natakot ako na parang yung tainga ko tumaas bigla. Nanlamig agad ako.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko dun sa banyo.

Nang walang anu-ano'y biglang may tumunog. Alam nyo yung tunog ng sapatos na pinipidpid sa sahig? Yun yung narinig ko. Pero nagtaka ako kasi ako na nga lang dun sa loob.
Naulit na naman yung tunog kaya mas lumakas yung kabog ng dibdib ko. Sobrang matatakutin pa naman ako. Kaya dali-dali na akong nagpunas at flush agad-agad at nagmamadali akong buksan ang pinto ng cr. Pagkabukas ko walang tao kundi ako lang! Binuksan ko agad ang pinto at lumabas ako agad-agad.

Bunso: Ate ba't namumutla ka?
Anong nangyari sayo?
Ako: Kasi may kakaiba dun sa cr.
Bunso: (Tumawa) Ate naman, guni-guni mo lang yan.

Um-order na kami at umuwi agad kasi gabi na.

Fast Forward.
Nangyari ulit iyon this month lang October 8, 2017. Pero mas natakot ako dito. Iba na kasama ko dito, pamangkin ko na. Dahil sa gutom kaming pareho, napagkasunduan namin na kakain sa Jollibee. Kaya ayun gora agad kasi nga gutom.
Pumila na kami ng biglang sumakit tiyan ko. Kaya ayun balik na naman sa banyo nila. Takot na ako pumasok this time pero no choice kasi lalabas na siya. Magpapasama sana ako sa pamangkin ko pero mga bes ang haba ng pila baka abutan pa kami ng madaling araw bago maka-order, kaya ayun di ko nalang sinama.
Bes, ako nalang magbabanyo!
Pagkapasok ko, yung isang cr is out of order na. Yung isa okay at yun yung ginamit ko dati. Huhuhu I kenat but no choice talaga ehhh. Ayun pagpasok ko sa banyo upo agad.
Lumabas agad si bes. Pero di ako mapakali that time. Yung mata ko nililibot ko kung saan-saan Sa baba, gilid, likod ko, sa taas. Paulit-ulit ko yung ginawa. Yung isipan ko di na mapakali kasi baka may tutunog na naman. Pak!!! Di nga ako nagkamali!
That time ako lang talaga eh. As in ako lang. Huhu. Nataranta na ako.
Pero yung poopoo ko labas lang ng labas ayaw paawat. Tumunog ulit yung parang sapatos na pinipidpid talaga sa sahig. Huhuhu.  Akala ko isang beses lang! May pangalawa pa
Natakot na ako ng sobra at nagdasal ng hindi nakapikit kasi yung mata ko nililibot ko na naman. Baka kasi may lumbas bigla, may lilitaw na multo!
Tapos tumunog ulit sa pangatlong pagkakataon. Parang papalapit ng papalapit siya sa ginagamit kong banyo. Huhuhu! Parang lalabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito
My ghaddd!!! Tumunog ulit sa pang.apat na pagkakataon! Kaya nagpunas agad ako at di ko na hahayaan na tutunog ulit sa pang limang pagkakataon baka mahimatay na ako sa takot kaya ayun flush agad-agad. Bubuksan ko na sana ang pinto pero baka lilitaw siya sa harapan ko!.

Kung anu-ano na inisip ko non. Pero naglakas loob pa rin ako buksan ang pinto tapos pagkabukas ko diretso agad-agad sa pinto ng restroom para lumabas at di na maririnig ulit ang tunog na yun.

Pagkalabas ko diretso ako sa pamangkin ko na malapit na sa cashier. At tinanong niya ako kung napaano ako. Nanginginig at takot pa rin ako nung sinagot ko siya. Para akong mawawalan ng hininga nun.
Sinagot ko nalang siya na mamaya ko nalang sasabihin.

Ayun pagkatapos namin kumain sinabi ko na sa kanya kung bakit.
Natakot din siya at sabi niya na hindi daw siya magbabanyo don kapag walang kasama. Mas matatakutin pa pamangkin ko kesa sa akin. Paano kaya kung siya yung nasa sitwasyon ko kanina. Nahimatay na cguro yun sa sobrang takot.

PS.  Pag magsi-cr ka dapat may kasama.

Pasensya na kung mahaba.

-Marie
Cebu

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon