Nangyari 'to nung lumipat ako ng school para sa Senior high kasi hindi available yung strand na kukunin ko sa lugar namin. Btw, taga Bicol ako at di ko na sasabihin kung saang partikular na lugar, dahil kilala yung school na yun.
Fast Forward.
Kwento ko muna pano nagsimula. Araw ng enrolment at thankfully mabilis lang natapos kaya makakapaghanap ng boarding house dahil malayo sa bahay at para tipid na rin. So ayun, naghahanap ako dun sa isang eskinita kasi may nakapagturo na marami daw doon. Tingin ako ng tingin pero puro babae lang daw tinantanggap nila. Nung napagod ako pumunta ako ng 7/11 para magpahinga tapos dun naman sa kabilang eskinita maghahanap. Medyo kakaunti lang ang dumadaan dito kumpara sa kabila. At mapapansin mo agad yung medyo maliit na bahay pero may dalawang palapag naman na maraming grills. Libre na daw ang tubig at ang babayaran nalang ay yung upa at hindi sila mahigpit sa kuryente at may libreng wifi pa. Sulit na 'to kaya di na rin ako nag-atubili kasi pagod na rin ako.Dito na ako tumuloy 3 days before ng pasukan. Yung hagdanan pala sa gilid ng labas bahay para daw hindi na maistorbo yung nasa baba kung sakaling late na uuwi. Mabait naman yung land lady at sa baba sila nakatira. Sa taas naman ay may dalawang kwarto at tig dadalawang boarders. May kasama ako si Marc pero di ko na ikukwento kung ano pa man hitsura o ano sya.
After ng 4 weeks uuwi ako samin para humingi ng allowance at kamustahin mga kapatid pati magulang ko. Tapos pagkatapos ng simba sa hapon ng linggo babyahe naman papuntang boarding house. Dito nagsimula yung istorya na di mawawala sa utak ko. Nakita ko sa taas ng hagdan na nakatayo si Marc pero wala syang emosyon tapos nakatingin lang sakin na namumutla di ko alam kung dahil sa sinag ng street lights o ganun lang sya nung bigla ko syang kakamustahin pumasok sya ng boarding house nang di binubuksan ang pinto, dito ako kinutuban ng hindi maganda. Dali-dali akong umakyat kahit may mga bitbit ako na supply ng pagkain galing sa bundok. At pinihit yung doorknob pero nakalock na ito kaya hinanap ko sa wallet ko yung susi. Pagkabukas na pagkabukas ko nakasara naman ilaw na parang walang bakas ng tao, diretso ng kwarto namin at walang ibang tao. Sa kabilang kwarto naman ay wala rin. Nagpapanic na ako at hinanap nalang yung cellphone dahil nagsisimula na rin lumamig yung kwarto, hindi na maganda ito. Sinubukan kong tawagan yung tatlo dahil close naman kami pero walang sumasagot. Nanginginig na ako at papalabas na sana nang biglang dumating si Marc. Napaluha ako at niyakap sya at tinanong kung ayos lang ba sya. Sabi nya oo daw at bumili lang sya ng kanin. Bukas pa daw uuwi yung dalawa kaya sa kanya ko lang naikwento ang nangyari.
Hindi na naulit yung insidenteng yun hanggang sa dumating ang finals ng unang sem.
Pagkatapos ng finals pumunta kami sa may dagat para magliwaliw at mag-inom ng kaunti dahil may bar naman sa lugar na yun. Inom at tawanan lang kami kung pano namin natapos ang unang sem. Kung gaano kahirap i-handle yung sabay-sabay na projects. Bandang alas dos nag-decide na kaming umuwi kasi kinabukasan sembreak na at uuwi na, inakay ko pa si Marc kasi halatang di pala-inom at pasuray-suray na. Sa baba ng bahay malapit sa hagdan may nakatingin samin, sakin actually na matandang lalaki pero maayos naman ang hitsura nya na medyo mahaba ang buhok at may balbas. Nung kinausap namin na makikidaan bigla syang bumulong ng "Ingat ka iho, maraming nagbabantay sayo baka asdfghksjslala" kasi bigla syang umalis at naglakad palayo. Nagtaka pa yung dalawa kung kilala ko daw ba, sabi ko hindi. Dahil siguro sa nakainom ay di ko pinansin ang sinabi ng matanda. Diretso kwarto at higa na kay Marc at ako rin pero di ako makatulog biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ng matanda. Bigla namang may nahulog sa bubong tapos diretso sa may hagdanan. Napabalikwas ako at kahit di na kinaya ni Marc ay ginising ko sya. Sabi ko ay tignan namin kung ano yun, todo tanggi pa sya pero pinilit ko. Binuksan ko yung pinto at pagkatingin, nakita namin mismo ng mga mata ko yung sarili ko nasa ibaba ng hagdan wala nang malay at naliligo sa sarili kong dugo. Tumakbo kami sa loob at nagsisigaw, nagising na rin yung ka-board namin at land lady at pumunta sa amin. Hindi kami mapakali ni Marc kaya yung dalawa pinipilit kami pakalmahin. Sabi ng land lady kung pwede daw bang sama-sama muna kaming apat sa baba matulog kasi baka may mangyari daw. Pumayag naman kami. Kinabukasan parang normal lang kasi lahat ng kasama ko wala namang kakaiba at handa nang magbakasyon. Pero ako, hindi ko makakalimutan yung nakita ko. Hanggang sa muli.March99
-Ian
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree