I'm a Real Life WitchHello, Spookify! Nandito po ako para i-share ang story ko. I'm Cassiopea (not my real name).
I'm a real life witch. No, not the typical witch na nangkukulam. I'm so much more than that. It all started when I was 9 years old.
Naalala ko 'yung araw na 'yun, pumasok ako ng school at inaasar nila ako dahil laging mahaba ang school uniform ko. Tinatawag nila akong manang and naalala ko pa nga "multo" ang tawag nila sa akin dahil mahaba ang buhok ko at lagi akong bruha. Naghihintay na ako ng susundo sakin, si tatay (tricycle driver siya) nang nilapitan ako nitong dalawang kaklase ko at sinimulang i-yank yung buhok ko. Sinasabunutan nila ako. Imbes na sa kanila ako magalit nun, sa sarili ko ako nagalit kasi pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit may mga taong ayaw sa akin. So sinimulan kong hampasin ang sarili ko habang umiiyak ako nun habang sinasabunutan pa nila ako tapos di ko alam kung bakit sila 'yung umaray tapos lumayo sila sa akin. Di ko alam ang nangyayari nun. Napatigil ako sa pag-iyak nung tumigil sila at tumitig sa akin na para bang endangered specie ako. Hinampas ko yung kamay ko sa pader ng malakas pero di ako nasaktan, instead silang dalawa pa yung umaray. Na-realized ko na para akong isang human voodoo doll, na kung ano ang gawin ko sa sarili ko sa kanila mangyayari. Pero hindi ko pa nalaman kung anong tawag dito noon. Hindi pa ito dito nagtapos.
Pagkatapos ng nangyaring 'yun ay ginamit ko ang power na 'to, I used to think it came handy dahil until now nabu-bully ako. Nung Freshman ako in HS, binully ako ng isang group of girls na dati e nakikipagkaibigan sa akin. Sobrang mahaba ang pasensya ko pero dahil HS na ako nun nagmamatapang na rin ako. Ito 'yung nangyari, nasa labas ako ng karinderya sa tapat ng school nang may tatlong babaeng lumapit sa akin. Ginugulo lang nila ako tapos ginagalaw ang kamay ko para di ako makakain. Maraming natatawa nun pero hinahayaan ko lang. Ang ginawa ko sinaksak ko pababa ng throat ko yung stick ng BBQ tapos sa kanila napunta, 'yung isa napaluwa ng dugo. Simula nun di na nila ako ginulo.
Habang tumatagal mas na-realized ko na hindi lang ito yung power ko. I was also clairvoyant, ang weird oo pero minsan pag in public ako naiiyak ako sa sobrang ingay. Ang ingay ng isip ng mga nasa paligid ko, puro bastos, galit at kilig. Ang ingay, sobra. You wouldn't want it. I can also control things with my mind like a person's movement, lahat halos ng bagay. Marami akong natutunan since then.
Cassiopea
Doble Karma
August 2014 noong ibalita yung trahedya na nangyari sa mga estudyante na nalunod sa kalagitnaan ng kanilang fieldtrip sa Bulacan. Marami ang nalungkot at tila sinisisi ang eskwelahan dahil sa kakulangan nito. At dito nagsimula ang aking kwento.
Kinagabihan pagtapos makapanood ng TV inaya ko yung dalawang pinsan ko samin para magkwentuhan. Isa sa mga napagkwentuhan namin ay yung mga estudyanteng nalunod. Yung dalawang pinsan ko ay awang-awa sa mga nalunod at nabubwiset sa mga tour guides na walang nagawa, habang ako naman ay para bang pinagtatawanan pa ang nangyari sa kanila. Lagpas 11pm nung natapos ang kwentuhan namin at umuwi na sila sa kanilang bahay.
Madaling araw kahimbingan ng tulog ko ay naalimpungatan ako dahil may nararamdaman ako saking mukha na patak ng tubig na tila galing sa taas. Nung pupunasan ko na ang mukha ko ay hindi ko maigalaw ang mga kamay at buong katawan ko na para bang may pumipigil. Doon ko na idinilat ang mga mata ko. Laking gulat ko ng pagdilat ko ay may mukha ng babae na nakadungaw mula sa ulunan ko, nanlilisik ang mata, basang-basa at namumuti ito. Yung buhok nya ay nakabuhaghag at iyon ang pinanggagalingan ng tubig na tumutulo sa mukha ko. Pilit kong ginagalaw ang katawan ko pero walang nangyayari. Sinubukan ko rin na sumigaw pero hindi ko maibukas yung bibig ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko nun kaya pumikit nalang ako at sinubukang igalaw-galaw ang mga daliri sa paa. Dun na ko nagising, pawis na pawis at hinihingal. Dahil sa takot nagmadali akong lumabas ng kwarto at kinatok ang pintuan ng kwarto nila papa. Pero habang kinakatok ko ang pinto napansin ko sa sahig ay may tubig na lumalabas mula sa kwarto nila mama. Dun na ko lalong kinabahan kaya nikasan ko na ang pagkatok at pinilit ko ang doorknob ng pinto. Pagbukas ko ng pinto ay sumaboy sakin ang tubig mula sa kwarto, punong-puno ito ng tubig, kasabay ng pag-agos ng tubig ay sya rin pagtama sakin ng mga malalambot na bagay. Nagimbal ako ng makita kong katawan ng tao pala ang mga iyon. Sa dami ng tubig na patuloy ang pag-agos napuno ang bahay at dun na ko nawalan ng malay. Nagising nalang ako dahil sa mga boses na naririnig ko. Si mama at papa. Ang sabi nila nagising daw sila dahil sa malakas na tulo ng tubig mula sa kwarto ko kaya pinuntahan agad nila ko. Nadatnan daw nila ako na nakahiga at parang nalulunod.
Kinaumagahan ay nilagnat ako, sinamahan din akong magsimba ni mama at papa para humingi ng tawad dahil sa kabila ng sinapit nila ay nagawa ko pa silang pagtawanan.
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree