Ang sikreto ng sirang bahay

257 6 0
                                    


Magandang gabi sainyo mga ka-spookify readers! Bago ko simulan ang aking sunod na kwento ay nais ko po magpasalamat sainyo.
Lalo na po sa mga positibong komento na aking nababasa, katulad nyo pagkatapos ko gawin at na-i-post na ang aking kwento ay sinasabayan ko rin kayo magbasa nito. Nagbabalik -Spaide.

Kung nasubaybayan nyo po ang  kwento ko ay may nabanggit ako na sirang bahay sa likod ng bahay na binabantayan ni Kuya Bert, ito po ay luma na at sa labas ay halos matakpan na po ito ng matataas na talahib at damo, mga limangpung hakbang mula sa kwarto ni Kuya Bert ang layo nito. Pero matatanaw mo dahil sa mababa ang lupang kinatatayuan nito at mataas naman ang kinatatayuan ng kwarto ni Kuya Bert,

Natapos silang magluto at mga alas dose y medya ay natapos naman kaming kumain. Nang kami'y makapagpahinga ay sinabihan ni kami ni Kuya Bert na may ipapakita sa amin, yun nga ay ang 'sirang bahay' sa ibaba ng taniman ng (letsugas or lettuce). Ala una na ng kami ay maglakad papunta sa nasabing bahay, medyo weird kasi sa labas ay matalahib at marami ring damo at baging pero sa loob hindi gaanong madamo. Luma na ito at wala ng bubong, wala na ring mga bintana at pinto, as in sira na. Ang tanging haligi at pader na lamang nito ang natitirang nakatayo. Hindi naman sya ganun kalaki, may dalawang kwarto at isang cr sa loob, inikot ko ang bahay at sa likod bahay ay napansin ko ang malaking puno ng 'balete' kaya agad akong nangilabot at mabilis na pumasok sa loob, sa isang kwarto ay busy ang aking mga kasama kaya't agad ko itong pinuntahan. napansin ko ang yero sa sahig at pinagtutulungan nila itong alisin, napansin ko din ang mga plastic na pvc pipe na de kwatro ang taba, na nakabaon sa mismong kwarto. Nilibot ko pa ang aking paningin at nakita ko ang iba pang mga gamit tulad ng exhaust fan. May mga lubid din at mga gas mask, sa madaling salita mga gamit sa paghuhukay.

FF.
Nang matanggal na nila ang yero tumambad sa amin ang kwadradong butas, mga 9'feet ang lalim at pagbaba ay may butas ito papasok  na kasya ang 6 footer na tao. Bago kami bumaba ay ikinabit ni Kuya Bert ang mga exhaust fan sa dulo ng mga pvc pipe (ni-setup nya in-on na rin nya ang ilaw, may extension wire simula kwarto nya hanggang sirang bahay).

FF.
Katulad ng dati, dasal muna bago pumasok. Isa-isa kaming bumaba at ako ang kahuli-hulihan. Pagbaba namin ay may bunker, malawak ang loob ng hukay para bang hide out ng mga hapon nung mapasok pa namin ay halos iba ang amoy, amoy malansa. Sinundan ko sila halos malula ako sa loob ng makita ko ang 40 feet na hukay maliwanag naman ang pababa dito dahil may wire ito hanggang baba at sa bawat 5 feet ay may bombilyang nakakabit sa wire (imaginine mo ang christmas light ganun ang itsura ng ilaw pababa ng hukay).

Ilang minuto ay lumabas kami dahil bigla na lang namatay ang mga ilaw sa loob (katakot yun) paglabas namin ay tinignan ni Kuya Bert at Tas ang wire at socket nito and what the..., nakabunot ang plug nito sa di malaman na kadahilanan, samantalang kaming lahat ay nasa loob ng hukay. Bumalik si Kuya Bert sa kwarto nya at pagbalik nya samin ay may dala itong mga 'head flashlight'. Ni-plug ulit nya ang socket ng ilaw at nagsalita "Sino ang maiiwan sa inyo dito sa taas at magbantay?" tanong nito samin.
"Hindi ako maiiwan dito" sagot ko agad ayaw din ni Tacker since si Kuya Ar ay electrician at si Kuya Tas naman ay nakababa noon sa butas, ay sila na lang daw ang maiiwan. Dahil gusto ngang ipakita ni Kuya Bert kay Kuya Tor ang nasa ilalim nito kaya kaming apat ang bababa dito at si Kuya Ar at Kuya Tas ang maiiwan. Nagdala na din kami ng gas mask.

Bumaba na kami sa hukay (kabado na ako) nasa bunker kami nang magtanong si Kuya Bert, "Sasama ba kayong dalawa sa pinakababa nito?" tanong saming dalawa ni Tacker. Ayokong maiwan, ganun din si Tacker may hagdan pababa gawa ito sa lubid at kahoy.

Bumaba na nga kami sa lalim na 40 feet, medyo takot na ko kahit may ilaw at hangin na nanggagaling sa mga exhaust fan na dumadaloy sa pvc pipe, pero hindi ito sapat para sa akin.

Nang marating namin ang baba ay may butas ulit ito na kasya pa rin ang 6 feet na tao, pinasok ulit namin at ganun uli may bunker at may hukay ulit na 30 feet ang lalim, napansin ko agad ang ibang mga gamit mga gas mask at may mga piko at maliliit na bareta or taktak kung tawagin mga gamit panghukay. May mga lupa ding nasa sako at gloves sa bunker. Talot na ko ng mga oras na yun pero nilaksan ko na lang ang loob ko.

Tinanong ko si Kuya Bert kung hanggang saan pa kami, medyo hirap na din kasi akong huminga ng mga oras na yun ganun din si Tacker. "Hanggang sa huling bunker, isang bunker na lang naman" sagot nito samin. Bumaba ulit kami sa 30 feet at dun na nagpapatay-sindi ang mga ilaw nag-uumpisa na rin akong mangilabot kasabay ang panlalaki ng aking ulo at pagtayo ng aking mga balahibo, bumibilis na ang tibok ng dibdib ko.

Since nandun na kami at sayang naman kung babalik pa kami.

Pagdating namin sa baba ay naamoy ko agad ang sobrang lansa halos maduwal ako malansa talaga, agad naming tinungo ang bunker, may 2 exhaust fan ito at agad ni-plug  ni Kuya Bert ito sa socket, dahil hirap na rin kami sa paghinga sa loob kahit na may exhaust fan, agad ipinakita ni Kuya Bert ang aming pakay sa loob, kinuha nya ang isang (taktak) sa gilid at itinuktok ito sa kinatatayuan namin ngunit hindi man lamang ito bumaon.

Tama kayo, isa itong flooring ng kung saan sinasabi ni Kuya Bert na ito ang kayamanan, ngunit ang pumukaw ng atensyon ko ay ang mga buto (buto ng tao at may bungo). Sa isang gilid ng bunker ay may ilan ring mga bato, kinuha si Kuya Bert ang bato na kasing laki ng kamao, halos basa-basa din ang lupa. at malansa talaga ang amoy dahil di ko na talaga kaya hirap na ko huminga ay sinabihan ko na si Kuya Bert na umahon na kami agat naman itong sumagot. kaya nag-umpisa na kaming umakyat pabalik sa taas.

Habang paakyat kami ay may kung anung hangin na bumababa sa amin ramdam ko yun at alam kong naramdaman din nila kasabay nuon ay ang pagpatay-sindi ulit ng ilaw, kahit na hirap na kami huminga at balot na rin ng kaba ay nagmadali na kami paakyat hanggang sa marating namin ang pangalawang bunker, nagpahinga kami sandali. Lumipas ang isang minuto at kami'y nagsipagtayuan na para maka akyat muli.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa baba, halos muntik na akong matumba sa nakita ko. Mga mata  at animo'y paakyat din sa kinatatayuan namin. Buti na lang at agad naman ako naalalayan ni Kuya Tor, nagmadali na kaming makalabas at paglabas namin ay halos mahimatay ako sa kakulangan ng hangin, hinahabol ko na ang aking hininga at ang paningin ko ay unti-unting nagdilim.

Nakita ko ang daming kayamanan, ginto't alahas, may mga bara pa (gold bar). Sobrang dami. Masayang-masaya daw ako na hinahawakan ang mga ito. nang mapansin ko ang isang kakaibang imahe ng ginto (mukha ng kambing na may mahabang sungay) dahilan upang ako'y mapaatras at mapaupo, maya-maya pa ay nag-iba ang itsura ng mga ginto nagmistulang mga taong walang ulo. Ang iba'y naging ahas, takot na takot ako nun kaya ako'y napapikit at nagdasal.

Maya-maya pa ay may narinig akong mga boses pamilyar na mga boses at ng imulat ko ang aking mga mata ay tumambad sa akin ang pamilyar na lugar at pamilyar na mga mukha (ang aking mga kasama) at nasa loob na ko ng kwarto ni Kuya Bert nawalan pala talaga ko ng malay at lahat ay isang nakakatakot na panaginip.

Bumangon ako sa pag lkakahiga at pinainom nila ko ng tubig isang oras din pala akong nawalan ng malay. kinuwento ko ang aking panaginip sa kanila, "Tama ang iyong panaginip, Spaide. Hindi basta-basta ang mga bantay sa hukay sa sirang bahay. matagal na naming hinukay yan ngunit pababa lang ng pababa ang kayamanan nung una ay nasa mababa lamang ito, yun yung (first bunker) sumunod ay bumaba ulit sa pangalawang bunker at ang huli ay sa kung saan tayo bumaba halos mag-80 feet na ang lalim ngunit ayaw itong ibigay sa amin marami kami dati naghukay diyan. Ang hukay ay tumawid na sa kabila ng bakuran ng bahay. Ang iba ay nagkasakit at may kasama kaming isa na namatay, may mga kasama kasi kami ni Tas noon na marumi ang isip gahaman" wika nito sa amin.

Maya-maya pa ay kinuha nito ang ilang pirasong bato galing sa loob ng hukay, Namangha ako sa mga bato kumikinang ito dahil sa mga parang glitters nito na kulay ginto, (opo tama kayo, mga ginto ngunit itoy sinlalaki lang ng gliters) at yung naamoy kong malansa? Yun ay ang pinaglalagyan ng kayamanan.

Hanggang dito na lang muna ulit mga readers, pahinga muna ako nakakapagod din po kasi mag-type,  alam nyo ilang gabi rin akong napapaisip kung dapat ko nga bang ikuwento ang lahat pero wala naman po sigurong masama diba?.

Pero bago ko tapusin ito, nais kong magpasalamat sa mga sumusubaybay ng mga istorya ko. Salamat din ulit sa mga posetibo nyong komento, tatanungin ko ang mga admin kung pwede kong ipakita, ang aking totoong itsura sa inyo kapag ok lang ipapakita ko kung sino si -Spaide. Kung papayag ang mga admin, magpapapost po ako ng mga ilang kasagutan sa inyong mga tanong sa comment.

Susunod na kwento:
"Ang tunay na pagkatao nina Kuya Bert at Kuya Tas"

Scary Stories 4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon