Hello guys! This is the second time na susubukan kong i-send ito. Salamat pala doon sa mga nakapansin ng story ko at sa admin na nag-post. Alam ko hindi nakakatakot yung story masyado kasing mahaba kaya bitin at yun din ang dahilan kung bakit di ko agad tinapos ung kwento hahaha. Tsaka copy paste ko na lang din un sa isang message ko sa isang progam researcher na kausap ko. Kinopya ko lang yung first part. Pero na-appreciate ko lahat ng pag-comment n'yo na gusto nyo ng part 2. Pasensya na now lang ulit nagka-time. Sana talaga ma-approve ito ng mga admins. Sige huwag na nating patagalin kwento ko na yung kalahati pa ng kwento.Balik tayo sa panahon na nakasama pa ako sa team namin. Di ko na babanggitin dito name ng team namin pero kung ire-request nyo pwede ko namang ibigay sa comment section gamit ung isa ko pang account. Para na rin ma-pm ako ng mga may katanungan. So ito na nga, ang forte ko ay Parapsychology at Scientific Investigation. Gumagamit ako ng ESP pero more on scientific akong investigator. Gusto ko kasi may proof ako. Ayaw ko mag-rely sa senses ko dahil without proof the investigation's findings will remain as a theory. And given the fact na minsan nalilinlang tayo ng senses. Kaya ayun, kapag tinanong n'yo ako, may kaakibat na scientific explanation. Ang gamit ko ay basically compass, digital thermometer, ESP at knowledge kadalasan. Kung napanood n'yo yung Halloween Special ng Demolition Job sa TV5 noong UNDAS 2014 malamang nakita n'yo na ako. Un ang pinaka-last na nag-appear ako sa TV pero pilit pa. May kasunduan kasi kami ng management ng Demolition Job pero di nasunod kaya ito di na ako natanggap ng pag-guest sa TV. Hihihi. Pero hindi about sa Demolition Job ang story ko now. So to cut it short.
Una naming questing (mali ang ghost hunting dahil di po hinuhuli at kinakain ang multo) ay sa Intramuros. Nilibot namin ung lugar na may mga nagpapakitang Sundalong Espanyol. Napadaan din kami sa lugar ng Zarzuela na may bahid pa ng kasiyahan sabi ng Empath naming si Johnny. May baliw pa nga kaming nakasalubong tapos sumigaw ba naman na, "Ayan na ang mga bampira!" Nakaitim kasi kami lahat halos noon. Sumunod ay sa SM San Lazaro na dating karerahan ng mga kabayo. Doon sinabi ng lider namin na bumabaha daw doon ng dugo. Pero syempre psychic lang nakakakita nun. Doon din may lalaking espiritu na sinisira ang salamin ng escalator ng SM kapag sarado ito. Nakakailang palit na nga daw ng salamin yung management doon. Nakapag-questing na rin kami sa Starmall Alabang kung saan nakita ko yung batang pumasok sa istatwa.
Bakit ako kamuntikang mabaliw? Hindi ba ako matapang? Kung sa tapang lang, akala ko meron ako nun. Malakas ang loob ko saan man kami magpunta. Kapag may nagtatanong sa akin sa fb ko ng regarding sa exp nila e nasasagot ko agad-agad (kaway-kaway sa mga nakakakilala sa akin! May iba kasi dito friend ko dati sa fb at kilala ako. Binabati ko din po kayo pati ung tatay nung isang nag-comment) Ito na nga, sa ilang taon na kasama nila ako, ilan sa kanila na-train ko pa at malakas ang loob na humarap sa mga di nakikita, ay di ko akalain na susuko din pala ako. Sinusundan ako ng nga espiritu. Minsan nagpapakita sa panaginip at minsan bubulong sa tainga ko. Marami sila, may babae, lalaki, bata at matanda. Ilang gabi akong walang maayos na tulog. Yung mama ko nag-iiwan un ng Bible pero di ko binabasa. Pero isang araw ay nagdesisyon akong magbuklat. Palihim akong nagbasa at napatanong sa sarili, "Totoo ba ang Bibliya?" Kung may langit ba at impiyerno sa totoong buhay, bakit may multo? Kung di sila totoo, bakit naririnig ko sila at nakikita pa? Sumasakit ang ulo ko sa mga tanong. Lalo akong di nakatulog. Iba ang sinasabi ng Bibliya sa mga nalalaman ko. At kapag matutulog ako, nandiyan na naman sila. Hindi nila ako pinapatulog. Bumubulong silang lahat sa tainga ko.
Isang gabi, natulog ako. Wala kaming kwarto sa dati naming bahay. Kasama ko kapatid ko at mga pinsan. Mahihimbing ang kanilang tulog at lahat kami ay nakahiga lang sa sahig. Galing ako sa trabaho noon at patulog na rin. Mula sa Alpha state napunta sa Gamma state, kung saan ang tao ay kalahating tulog at kalahating gising. Dito daw kadalasan nagpapakita o nagpaparamdam ang nga espiritu. Ito rin ay isa sa hudyat ng sleep paralysis. Nasa gamma state na nga ako nun. Nang biglang may narinig akong boses mula sa ilalim ng lupa. "Patay na si Inay, hinahanap nya kayo!" Ang boses nya ay malaki at parang nasa loob ng balon o kweba. Um-e-echo ito. Boses ito ng isang lalaki. Alam nyo ung boses sa isang cartoon kapag ini-slow mo yung boses ng karakter, diba lumalaki? Parang ganun. So ito na nga, nagising ako. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata at sinilip lahat ng kasama ko isa-isa. Tulog na tulog silang lahat ng mahimbing! At isa pa, wala akong pinsan na ganun ang boses. Hindi din ganun ang boses ng mga pinsan ko. Doon ako tuluyang kinabahan. Lahat ng nararanasan ko hindi na normal para sa akin. Pati sa pagtulog hindi nila ako tinitigilan!
Kaya nagdesisyon akong maghanap ng makakapagpaliwanag sa akin at makakapagtunay ng sinasabi ng Bibliya. Lakas loob akong naghanap ng Pastor na makakapagpatunay sa akin ng Langit at Impyerno at ipaliwanag sa akin kung saan nanggaling ang mga espiritu.
Ilang pastor ang nakausap ko. Ung una, maliwanag naman ang explanation nya sa akin. Dahil sinabi ko sa sarili ko na kapag may pastor na nakapagpaliwanag ng aking katanungan, magsisimba ako sa kanila. Pero nung nagsimba ako, ibang pastor ang naroon. Um-attend ako ng isa nilang gathering. Nang gabing yun ay dumugo ang ilong ko. Sobrang lakas at walang tigil. Ibinaba nila ako sa ground floor at ipinasok sa isang kwarto kasama ng pastor na un. Kinausap nya ako at pinag-pray sa sarili ko. Nanalangin ako pero maikli lang. Sumunod ay pinatingala nya ako para matigil ang pagdurugo pero walang nagbago. Naglagay na ako ng yelo sa ulo at tumingala pero hindi tumigil ang pagdurugo ng ilong ko. Hanggang sa nagsabi ang pastor na ipagpi-pray daw nya ako.
Hawak-hawak nya ako sa ulo pero nanlilisik sa kanya ang aking mga mata. Tandang tanda ko pa ang nasa isip ko. Hindi naman ako sinasaniban kasi alam ko ginagawa ko. Nanalangin sya pero ang bulong ko sa sarili, "Hindi mo ako mapapagaling sa walang kwenta mong panalangin! Albularyo lang ang kayang magpagaling sa akin!" Habang tumatawa ng mahina. Nanlilisik pa rin ang mga mata ko sa kanya at nakangisi. Ung Pastor naman nakahawak pa rin sa ulo ko at nanginginig na nanalangin. Bumibigat ang kamay nya. Hanggang sa narandaman kong tumigil na ang bleeding. Nagulat ako kasi pagkatapos na pagkatapos nyang manalangin, tumigil agad ang pagdurugo ng ilong ko! E di doon ako naniwala na epektibo pala talaga ang panalangin.
Nung mahimasmasan ako ay bumalik ako sa itaas, kasama nang mga binatang aminadong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at iilang myembro ng LGBT. Nagyaya ang mga pastor na lumapit kami sa harapan. Ako naman at ang katabi kong lesbian, tumatawa lang ang nagkasundong huwag lumapit sa harapan. Umurong kami sa likod. Nang biglang pumunta sa harapan ang isang babaeng ang pangalan ay Honey. Inborn psychic sya un ang sabi nya sakin pero pinababayaan lang nya. Pumunta sya sa harap na umiiyak at hinimatay. After 5 seconds ay nagising sya at bumangon at sumigaw ng malakas tapos umiyak at tumatalon ng mababa. May nakita daw sya. Lumapit paunti-unti ung mga batang adik at umiiyak na rin. Napatingin ako sa mga paa ko, bigla itong naglakad at namalayan ko na lang na nasa harap na rin ako! Kasama ang lesbian na kanina lang ay nakasundo kong wag pumunta. Maya maya ay nakaramdam ako ng unti unting pagtayo ng mga balahibo. Iba ito sa pakiramdam ko hindi tulad ng goosebumps o pagtayo ng balahibo dahil sa multo o espiritu.
Nakaramdam na rin ako na para akong binubuhusan dahan dahan ng malamig na tubig. Kakaiba sa pakiramdam! Wala akong takot na nararamdaman pero tumatayo ang balahibo ko! Doon ko naisip na ito pala ang Holy Spirit. Naramdaman ko agad na bumibigat ang balikat ko. Tumulo ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan at ung bigat ng mga balikat ko ay lalong bumigat hanggang sa mapaluhod na nga ako. Umiyak ako ng umiyak at nakaluhod na unti unting nanalangin, "Diyos ko. Kung talagang totoo ka, palayasin mo sila! Ilayo mo na ako sa kanila!" at nang pagdilat ko ay lumingon ako sa kaliwa at nakita kong lahat pala kami ay nakaluhod na! Kakaiba talaga yung karanasan na un. Un ang simula ng paniniwala ko sa Diyos at sa mga sinasabi ng Bibliya.
Pagkatapos nun ay narinig ko si Honey na nakarinig daw sya ng bulong na may iuutos daw sa kanya. Kaya sya biglang umiyak ay di nya na alam mga ginawa nya. Ako naman nagdecide na pagaralan pa ang mga aral doon at tumigil na sa pagsama sa mga questing. Pero hindi nawawala ang knowledge ko sa Paranormal. Un nga lang, humina ang ESP ko at minsan na lang ako makakita di tulad ng dati. Oo, nakakakita, nakakaramdam at nakakarinig pa ako ng mga ganyan pero bilang na lang. At ang last questing ko nga ay noong naimbitahan ako sa isang show ni Paolo Bediones.
Marami pa akong kwento sa inyo na next time ko na lang ise-share. Mga experiences ko sa pagku-questing. Pero sa ngayon, yan muna.
NOTE: Huwag n'yo nang subukan pang pumasok sa Paranormal. Kung inborn ka, gamitin mo sa tama. Gamitin mo sa ikaluluwalhati ng Diyos. Pero kung hindi? Huwag mo nang hangarin pa. Hindi madali ang pagsali sa ganitong propesyon. Oo, madaling makapasok pero baka di mo na makita ang daan palabas. Maswerte lang talaga ako at mahal ako ng Diyos.
PS. Binabati ko lang din po yung mga nakakakilala sa akin. Mabuti at naalala n'yo po ako, sa mga hindi naman naniniwala, bahala kayo. Ganyan din ako dati "To see is to believe." Pero sa totoo lang, sometimes, "You have to believe first for you to see!" Kung gusto nyo talaga makakita ng multo then, you must BELIEVE.
>Blackhat
**Marikina
BINABASA MO ANG
Scary Stories 4
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy reading! 😊 ciao /sheree